INTRODUKSYON
Si Jace ay isang baklang nagtatago sa isang closeta, walong taong gulang pa lamang siya ng malaman niya ang pagkasino niya.
Bata pa lamang ay nakaramdam na siya ng kakaibang paghanga sa mga lalaki. Lalong lalo na iyong mga lalaking medyo may edad na at batak na batak pa ang katawan.
Hindi niya lubos maintindihan ang sarili kung bakit ngunit, nakaramdam siya ng init sa tuwing pinagmamasdan niya ang pawisan at hubarang katawan ng mga ito. Bagay na hindi normal gayung lalaki rin ang kasarian niya.
Bagamat gayun ma'y walang kaalam-alam ang mga taong naninirahan sa kanilang lugar at nayon kung ano ang tunay niyang kasarian at sekswalidad.
Maging ang kaniyang ama na si Hernan ay walang kaalam-alam sa sekswalidad na meron siya.
Pilit niyang itinago iyon sa nakararami sapagkat nahihiya't natatakot siya sa maaring sasabihin ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Lalo pa't ang nakatatak na sa isipan ng mga ito ay isa siyang tuwid na lalaki. Isang tuwid na kaisa-isang lalaking anak ng bruskong si Hernan.
Bukod sa natatakot siya sa pwedeng magiging kahihinatnan kung sakaling malaman ng mga ito ang pagkasino niya ay natatakot rin siya sa pwedeng magiging reaksyon ng kaniyang ama.
Subalit sa isang di-inaasahang tagpo ay may nalaman siyang isang sekretong hindi niya lubos aakalaing makikita't matutuklasan niya na siyang nagpalaya sa damdaming matagal ng nakahimlay sa kaniyang pagkatao.
Ang tanong ano kaya ang sekretong natutuklasan ni Jace?
Anong klaseng sekreto kaya ang nalaman, nakita at nasaksihan mismo ng kaniyang mga mata?
At higit sa lahat kaninong sekreto kaya ang siyang nabunyag?
Tara na't sabay-sabay nating alamin ang sekretong iyon...