TSO C32 CHARMAINE POV “S-sino k-kayo? b-bakit kayo narito? a-anong kailangan n’yo?” Kabado kong tanong sa mga lalaking nakatayo sa aking harapan. “K-kung pera ang kailangan n’yo, ibibigay ko agad. ‘w-wag n’yo lang kaming saktan.” Muli kong wika habang napatingin ako sa taas, dahil baka lalabas ang mga anak ko. “Ikaw lang ang kailangan namin, kaya kung ayaw mong masaktan, sumama ka ng maayos sa amin.” Mas lumakas pa ang kaba na nararamdaman ko dahil sa sinabi nila sa akin. “P-pakiusap, ‘wag n’yo po akong saktan, ibibigay ko sa inyo kahit magkano ang kakailanganin ninyo…” Pagmamakaawa ko sa kanila. hindi naman ako natatakot para sa sarili ko. natatakot ako para sa mga anak ko. paano kung may mangyari sa aking masama? paano nalang sila? at isa pa… nasa’n ba kasi si Adrian? ang akala ko

