TOS C33 CHARMAINE POV “Bakit mo ba ako dinala rito? ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na makausap ko si Nanay!” Inis kong wika sa kanya. habang may kinuha siya sa isang maleta. pagkatapos kasi ng kasal namin ay dinala agad niya ako rito sa yate. ni hindi ko man lang nakausap si Nanay o kahit ang mga anak namin. Hindi ko rin mapigilang magtaka dahil hindi ko man lang nakita roon si Jela at ang anak nila ni Nico. “Ano naman ang gagawin mo d’yan?” Kunot-noo kong tanong sa kanya habang nakita ang hawak niyang kadena. “Para sa gagawin natin..” Ngisi niyang wika habang itinaas ang kanyang kamay. hindi ko naman mapigilan na kabahan dahil sa kanyang sinabi. “Pwede ba, Adrian.. umayos ka! sino naman ang ikaka-dena mo?” Inis kong tanong sa kanya habang pilit na ikinalma ang ak

