Kabanata 19 Choose Marami pang pagkakataon na hindi ko sila nakakasama ng matagal. Dumating ang araw na sobrang na-busy ako sa internship namin. Nagsimula na kasi kaming kumuha ng mga documents namin para ipasa sa registrar. Kahapon, natapos ko yung ipasa kaya ngayong araw ang pag-alis ko dito sa bahay namin at pagpunta sa samar. Hindi naman malayo ang samar, ilang kilometro lang naman ang layo dito. Napag-usapan na din namin ito ni Arvelon. Alam kong ayaw niyang lumayo ako sa pag-i-intern kasi mas gusto niyang dito nalang ako, ngunit gusto ko din naman masubukan ang ibang paaralan sa labas ng leyte. Mabuti na rin ito para malaman ko kung effective teacher baa ko. Hindi naman ako doon titira e, uuwi ako ng hapon kasi gusto ko parin silang makasama sa gabi. Si Vicco ay kumpleto na din

