Kabanata 20 Wait Naging maayos ang takbo ng internship ko sa Samar National High School. Mabait at respetado naman ang mga naging istudyante ko. Hindi na din ako nahirapang mag-adjust sa school na ito. So far, my intern is going well. Ang mag-ama ko naman ay mas lalong naging masaya. Hindi na din tinutupak si Arviel, paminsan-minsan nalang kapag nagugutom at kung may gustong gawin na kakaiba. Umuuwi din ako sa tamang oras para maka-bonding ko pa sila. Si Vicco naman ay nagkaroon na din ng mga kaibigan sa school. Hindi naman ako mailap sa kanila, sadyang umiiwas lang ako sa tukso. Ayoko lang magkaroon kami ng problema ng asawa ko. As long as possible, iiwas ako. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng classroom. Bitbit ko ang wallet at papunta ako sa canteen. Balak kong bumili ng meryen

