-MIA'S POV- T A H I M I K . . . na sumunod lang ako kay Primo. "Put this on," malamig nitong utos sabay iniabot sa akin ang hinubad niyang coat. Tumalima ako kahit na ni hindi ako nito tinapunan ng tingin. Parang gusto ko tuloy maiyak. Ito ang unang beses na kita ko ulit siya pagkatapos niyang magpaalipin sa trabaho right after ng kasal namin. Miss na miss ko siya! Gusto ko siyang yakapin... ng mahigpit at matagal. Kaya lang ay ganito pa ang naging una naming tagpo. Alam kong galit ito at naiintindihan ko kung bakit. Alam ko ring may kasalanan ako at mas lalo akong naiiyak dahil naiinis sa sarili ko na hinayaan kong malagay ako sa gan'ong sitwasyon. Nang maiparada na nito ang kotse sa tapat ng villa namin ay napabuntong hinga ako. Bakit ba parang lagi na lang iba sa pangarap ko a

