
Blurb:
Hindi normal sa ‘kin ang ma-late sa trabaho o sa kahit na anong appointment.
Lakad-takbo ang ginawa ko pagkababa na pagkababa ko ng tricyle. At kung hindi ka ba naman talaga minamalas, nagkanda laglagan pa ang mga gamit na laman ng bag ko!
Oh wow! Just wow!, bulong ko sa isipan.
Napabuntong-hininga na lang ako bago mabilis na dinampot ang nagkalat na mga gamit ko sa sahig.
Kainis naman kasi! Dahil sa sobrang kaba ko ay hindi tuloy ako nakatulog ng maayos!
Today is the day na ipapakilala ako ni Mrs. Hamilton sa VIP client/benefactor ng Little Angels' bilang homeschool teacher ng anak nito.
Ayon kay Mrs. Hamilton, medyo istrikto raw ang kliyente nila at metikuloso sa lahat ng bagay. Marami nga raw sa empleyado ng Little Angels' ang pinagpilian nito bilang teacher ng anak nito. Pero sa napakaraming mas qualified ay ako raw ang pinaka-nagustuhan nito. At sino ba naman ako para tumanggi, di ba? Lalo pa’t magdodonate raw ito ng isa pang building at play area para sa mga bata kapalit ng pagpayag ni Mrs. Hamilton na magprovide ng isang staff bilang homeschool teacher ng anak nito.
Bahala na si Captain Barbel!, sigaw ko sa isipan.
"Hi Ma'am, I'm so sorry I'm late. I overslept", sabi ko ate kay Mrs. Hamilton na nakatayo sa labas ng opisina niya at mukhang hinihintay ako.
“It’s okay. Come on in, at ipapakilala kita sa bago mong estudyante”, nakangiti at magiliw pa ring tugon ng ginang.
Nakahinga ako ng maluwag. Mukha talagang tapos na ang phase ng buhay ko na puro malas at iyak, dahil ngayon ay panay swerte na lang ang dumadating sa ‘kin.
Tahimik akong sumunod sa Directress namin papasok sa opisina niya kung saan nakita ko ang likod ng buhok ng isang batang babae na pormal na nakaupo sa may tapat ng desk ni Mrs. Hamilton.
“Mia? I’d like you to meet your new student, Talia”, magiliw na sabi ng huli.
Parang nagpanting ang tenga ko sa narinig.
Tama ba ang narinig ko??? Talia Cordova? Cordova? You mean?...., hindi ko na naituloy ang sinasabi ko sa isip ko nang lumingon ang batang babae. Hindi nga ako nagkamali, ang bago kong estudyante ay si Talia Cordova, na walang iba kundi ang unica ija ng pinakamagaling kong ex na si Primo Cordova!
“Hi Ms. Mia!”, masiglang bati ni Talia na sinabayan pa ng masigasig na pagkaway
Talk about jaw dropping moments! Dahil literal na napaawang panga ko.
“I-Ikaw ang bago kong estudyante???”, hindi ko makapaniwalang tanong sa batang nasa harapan ko.
“Yes, you’ve got any problem with that?”, sabay-sabay na nabaling ang tingin ng tatlong pares ng mata sa pinanggalingan ng baritonong boses.
“Oh there you are”, masiglang sabi ni Mrs. Hamilton.
“Mia, this is our very generous, very good looking benefactor, and your new boss, Dr. Primo Cordova”, nakangiting pagpapakilala ni Mrs. Hamilton sa lalaking siyang huling taong gugustuhin kong makita ngayon.
And judging by that devilish smile on his face, alam kong he is enjoying the expression written on my face right now.

