“W E L C O M E . . . home Papa!!!”, sabay-sabay naming pagbati pagkapasok na pagkapasok ni Papa sa pintuan na bahay namin.
Sa wakas, matapos ang dalawa’t kalahating buwan ay pinayagan na itong makauwi ng ‘lahat’ ng doktor nito.
Kitang-kita ang labis na galak sa mukha ni Papa nang salubungin ito ng confetti at Welcome Home banner nina Macey at Kuya Myco, kasama ang mga pamangkin kong sina Aki at Yuki, at syempre ando’n din sina Clang at Ate Gisella. Ako ang sumundo kay Papa sa ospital samantalang nagprisinta naman si Travis na siyang maghahatid sa amin pauwi sa bahay.
“O, Pa, behave na ah, ‘wag matigas ang ulo pag sinabing ‘wag magpapa-stress, ‘wag magpapa-stress...”, ani Macey.
“’kuu eh ikaw lang naman ang source ng stress nitong si Tito Caloy eh”, hirit naman ni Clang dito.
“Oooyyy, hindi kaya ako, si Ate kaya”, sagot ulit ni Macey sabay turo pa sa ‘kin.
“Ako? Bakit naman ako nasali d’yan?”, nagtataka ko namang tanong sabay turo pa sa sarili.
“Eh ikaw naman talaga eh, ikaw tsaka ‘yyooonn”, sagot naman ng loka-loka kong kapatid tsaka may inginuso sa likuran ko kaya nagtataka naman akong napalingon.
Agad bumusangot ang mukha ko nang makita ko kung sino ang inginu-nguso ni Macey.
“Congratulations on your discharge, Tito”, nakangiting bati ni Primo habang may hawak na cake na may nakasulat na Welcome home Tito Caloy.
“Hi”, nakangiti pa ring baling nito sa akin na sinagot ko naman ng pag-irap.
“Salamat Primo”, magiliw ring sagot ni Papa kaya naman nakataas ang kilay na binalingan ko ito.
“Anong salamat? Ba’t ka nagpapasalamat d’yan Pa, eh dapat nga matagal ka nang discharge sabi ni Travis di ba? ‘yang unggoy na ‘yan lang ang panay ang kontra na pauwiin ka, kaya ba’t ka magpapasalamat d’yan”, mataray kong sabi kunwa sa papa ko pero sadya ko ring inirapan si Primo para iparamdam dito ang inis ko.
Simula n’ong tinakbuhan ako nito matapos akong nakawan ng halik doon sa dati naming classroom ay halos araw-araw na itong dumadalaw, kung hindi sa bahay namin ay sa kwarto ni Papa sa ospital noon, na lalo kong ikinainis. Kung kailan nagdesisyon na ako, at determinado na akong mag-move on mula sa kanya ay tsaka naman ako nito kinukulit ng kinukulit. Sa tinagal-tagal ko siyang hinintay at hinabol-habol, kung kailan ako napagod ay doon naman ako pilit na babalikan, di ba nakakainis?
“Ano ka ba naman anak, magpasalamat na lang tayo sa lahat ng naitulong ni Primo, ‘wag kang ganyan”, pagsaway ni papa sa akin.
“Anything for you Tito”, sagot naman ni Primo
Awtomatikong lumipad ang matalim kong tingin dito.
“Amfeeliiinnnngg”, komento ko saka ito muling inirapan.
Sakto namang pumasok si Travis sa gate na muntik ko na sanang makalimutang kasama pala namin. Nagpaiwan kasi ito saglit sa kotse nito kanina at may sinagot na tawag kaya nahuli itong pumasok.
Dali-dali kong sinalubong si Travis at sinadya pang hawiin si Primo sa daraanan ko.
Hinawakan ko si Travis sa kamay na halata namang nagulat sa ginawa ko, tsaka nagmamartsa ko itong hinila papasok sa bahay para iharap kay Papa.
“’eto, dito ka dapat nagpapasalamat Pa, s’ya talaga ang tunay na tumutulong sa ‘tin simula pa noon...”, saad ko with full intentions na paringgan si Primo.
“...nang walang hinihintay na kapalit”, sarkastiko kong dagdag habang nakataas ang kilay na nakatingin sa huli.
Nakita ko ang mabilis na pagdaan ng emosyon sa mga mata nito pero agad din itong nakabawi at muling ngumiti.
Nakakainis!, sigaw ko sa isipan. Inirapan ko ito tsaka walang lingon-likod na nagmartsa papasok ng kusina.
Wala akong pakialam kung naging awkward ang paligid kanina dahil natahimik ang lahat sa sala sa ginawa kong eksena. Pagod na akong maging Mia’ng laging nakikisama, laging nakikiramdam, laging naghahabol at laging nasasaktan. This time, ako naman. Ako naman ang uunahin ko.
Inabala ko na lang ang sarili sa paghahanda ng lamesa para sa kaunting salu-salo na inihanda talaga namin para sa pag-uwi ni Papa.
Okay na eh, tanggap ko na nga na hindi talaga kami para sa isa’t isa, tanggap ko na na naisuko ko ang bataan ko sa lalaking hindi ko naman asawa. At napakahaba ng pinagdaanan ko bago ko narating ang acceptance na ‘to, tapos bigla-bigla lang babalik ang bwiset na Primong ‘yan na parang wala lang?
Hmft! Mukha n’ya! Bahala s’ya sa buhay n’ya! Basta hinding-hindi na ako magpapadala sa mga da-moves n’ya!, sigaw ko sa isipan ko na bagaman tahimik ay lumalabas pa rin ang inis ko sa bawat paglapag ko ng mga plato at kubyertos.
“I missed seeing this side of you, love”,
Muntik pa akong mapaiktad nang biglang may magsalita. Agad din akong sumimangot nang makita ko si Primong nakasandal sa hamba ng pintuan sa kusina habang nakacross-arm at nakacrossleg pa.
“Pwede ba, tigil-tigilan mo ‘yang pa-loverboy effect mo, naaalibadbaran lang ako, nakakairita”, inis kong sagot habang patuloy ang padabog na paglapag ko ng mga kubyertos.
“Tsaka pwede ba, ‘wag mo akong matawag-tawag na love dahil hindi mo ‘ko love!”, agad din akong natigilan sa huli kong sinabi dahil parang ang tunog eh nagmamaktol pa ako, pero huli na para bawiin ko pa ‘yon dahil tumawa na si Primo. Lalo naman akong nairita.
Dahan-dahan na itong lumapit sa may lamesa tsaka itinukod ang dalawa n’yang braso doon habang nakatingin sa ‘kin.
“Love kita... love na love. Kaya nga kita nililigawan ulit di ba?”, parang nagpapa-charming nitong sabi.
Okay sige, bumilis ang t***k ng puso ko. Pogi siya eh. Di ba gan’on naman talaga kapag gwapo ang kausap mo, minsan nga, kahit katabi mo lang eh, kahit hindi kayo nag-uusap, bumibilis din ang t***k ng puso mo. Natural na reaksyon ‘yon ng tao. Yes, yes, pagkausap ko sa sarili kong isip.
“Pwes, basted ka, ayoko na sa ‘yo”, mataray kong sagot dito
“I don’t care”, nakangiti naman nitong tugon.
“Anong you don’t care? Basted ka nga! Ayoko na sa’yo! Di mo ba magets ‘yon?! Kulit mo ah!”, sunod-sunod kong tanong nang hindi na napigil ang inis at frustration.
Mukha namang naaliw ito sa reaksyon ko at lalong lumapad ang ngiti.
“Ayaw mo na sa ‘kin?”, tanong nito na tila ba nanunudyo.
“Ni ayoko nang marinig pa ang pangalan mo”, sagot ko naman agad with conviction.
“Ayaw mo sa pangalan ko?”,
“Oo!”,
“Talaga?”,
“Oo nga sabi kulit! Ayoko! Ayoko! Ayoko!”, inis na inis kong sabi.
Lumapit ito ng husto sa akin atsaka bumulong.
“Naaalala mo ba kung anong ginawa natin sa ibabaw ng lamesang ‘to?”, nanunudyo nitong tanong.
Agad na namilog ang mga mata ko at awtomatiko itong tinampal.
“Sshh!!!”, tahimik ngunit mariin kong pagsaway dito at pasimpleng tumingin sa may pintuan para masigurong walang nakakarinig sa amin.
“What? Sabi mo ayaw mo sa pangalan ko?”, natatawa pa nitong sabi.
“Eh totoo naman!”, halos pabulong ko nang sagot.
“Gusto mo ipaalala ko sa ‘yo kung paano mo paulit-ulit na sinambit ang pangalan ko sa ibabaw ng lamesang ‘to? I can---", pabulong din nitong panunukso pero agad kong tinakpan ang bastos nitong bibig.
“Shh!!! Bastos ng bibig mo Primitivo!”, pabulong kong pagsaway muli dito dahil nasa sala lang sina Papa.
Natatawa nitong tinaggal ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. Akala ba nito ay nakakatuwa ang mga sinasabi niya? Nakakabwiset ‘ka mo!
“Pwede ba, hindi ka nakakatawa. Umalis ka na nga dito, baka mamaya marinig ka pa nina Papa”, pagtataboy ko dito.
“O eh ano naman? Eh totoo namang may nangyari---”
“Primoooooo!!!”, gigil kong pagputol agad sa sinasabi nito na sinabayan pa ng pagpadyak.
Lalong lumakas ang tawa nito
“Fine, fine... I’ll have to go back to the hospital anyway, magpapaalam lang sana ako sa ‘yo”, anito nang matapos tumawa.
“Di na kailangan, ‘la kong paki kung sa’n ka man magpunta”, mataray kong tugon tsaka ito tinalikuran para kumuha ng mga plato.
Hindi na ito sumagot kaya’t akala ko ay umalis na ito. Ngunit muntik pa akong matumba sa gulat nang pagpihit ko ay nasa likuran ko pala ito mabuti na lang at agad din nitong nasalo. Para naman akong napaso at agad itong sinubukang itulak palayo pero lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa ‘kin at ang pagkakapulupot ng braso niya sa beywang ko.
Samantalang ako’y halos mag-isang linya na ang mga kilay ko sa sobrang pagkakakunot noon.
“Okay lang ang konting sungit love, pero ‘wag sobra, lalo kang gumaganda ‘pag ganyang nagsusungit ka. Ayoko ng maraming karibal, baka hindi sila matantya”, anito habang na hinawi pa ang ilang hibla ng buhok ko at iniipit iyon sa likod ng tenga ko.
“Bitiwan mo na nga ako! Kung makahawak ka...di tayo----“,
Walang sabi-sabi ako nitong hinalikan kaya’t para akong naestatwa sa gulat. Hindi gaya n’ong nasa classroom kami na isang mabilis na nakaw na halik lang, ngayon ay mukhang balak nitong pagtambayin ang labi n’ya d’on.
Makalipas ang ilang segundo ay doon ako natauhan at muli itong itinulak pero para itong batong hindi matinag. Sa halip ay idiniin habang ginagalaw pa nito ang labi niya, samantalang pilit ko namang itinitikom ang bibig ko para iparating dito na tutol ako sa ginagawa niya.
“Ateeee.... ayy! Jusko po! Sorry! Sorry!”, tila nahihintakutan at natatarantang sigaw ni Macey na biglang pumasok sa kusina.
Sa gulat ay muli kong naitulak si Primo na mukhang nagulat din kaya’t hindi na nakapagprotesta sa ginawa ko.
“Ate ano ba! ‘wag naman sa kusina! Do’n na lang kayo sa kwarto maglampungan!”, sabi ulit ni Macey habang nakatakip na ang mga mata at nakatalikod pa.
Habang hindi ko malaman kung anong sasabihin o gaggawin ko ay natawa lang ang bwiset na Primo. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit nagkibit balikat lang ito tsaka muling tumawa ng tahimik.
“I’ll go ahead, thank you sa goodbye kiss”, anito tsaka marahang kinurot ang ilalim ng baba ko na inis ko namang hinawi agad pero natawa lang ito.
Kaasar kasi napakaharot at napakamanyak! Ayan tuloy. Mabuti na lang at si Macey lang ang pumasok, kahit pa alam kong hindi ako nito titigilang asarin at uulanin ako ng sandamak-mak na tanong, ay mas okay din, kesa naman si Kuya o si Papa ang nakakita sa ‘min sa ganoong akto kanina. ‘Pag nagkataon ay talagang sisipain ko palabas ng bahay si Primo!
Prenteng naglakad palabas ng kusina ang manyak na lalaki habang nakasilid pa sa bulsa ng pantalon ang isang kamay. Nang tumapat ito sa kinaroroonan ni Macey ay huminto ito at ipinatong ang isang kamay sa ulo ng kapatid kong nakatakip pa ring ang mga mata.
“Sorry Macey, ha’mo sa susunod sa kwarto na kami maglalampungan”, sabi pa nito na parang inaasar pa ako lalo, sabay ginulo-gulo ang buhok ng huli.
“Pinagsasabi mo? Umalis ka na nga!”, sigaw ko naman dito.
Kung pupwede lang ay talagang babatuhin ko na ito sa sobrang inis ko.
“Bye love”, pahabol pa nito sabay kumindat bago tuluyang lumabas ng kusina kaya hindi na ako nakasagot pa.
Ang isa pang nakakainis dito kay Primo ay laging siya ang dapat na may huling salita!
Nang tuluyan itong makaalis ay tsaka ako binalingan ni Macey na aabot ata sa kisame ang taas ng kilay.
“Bakit?”, pagmamaang-maangan ko habang pinapanood itong lumalapit sa ref na nasa tabi ko lang.
“Walang-wala na talaga, never na kami magkakabalikan, walang-wala ng chance..”, panggagaya nito sa mga salitang sinabi ko noong mga nakaraang linggo habang umaabot ng baso mula sa cupboard.
“Hindi naman talaga!”, paggigiit ko naman.
“So ano ‘yon? Paolo at Yen lang? Tukaan as a friend? Tawagan ng ‘love’ as a friend?”, komento nito habang nagsasalin ng tubig sa baso.
“Excuse me no, siya ang humalik sa ‘kin, hindi mutual decision ‘yon!”, patuloy kong depensa sa sarili.
“Kwento mo sa pagong ate, che!”, sagot naman ni Macey tsaka pairap akong tinalikuran at tuloy-tuloy na lumabas ng kusina dala-dala ang baso ng tubig.