N A P A N S I N . . . ko ang sunod-sunod na paglunok ni Primo tsaka mabilis na tinapos ang pakikipag-usap sa telepono. Tahimik na nagtatalo ang puso at isip ko kung itatanong ko ba ang tungkol sa narinig ko o magkukunwari akong walang alam. Samantalang mabilis namang nagbago ang ekspresyon ni Primo at mula sa kabado ay biglang umaliwalas ang mukha nito. "Morning, beautiful! Kagigising mo lang?" malambing nitong bati sa akin tsaka diretso akong nilapitan at hinalikan sa pisngi. Pilit ako naman akong ngumiti. "Hindi, kanina pa," wala sa loob kong tanong. Pinapakiramdaman ko kasi kung may balak ba itong sabihin sa akin ang tungkol sa pinag-uusapan nila ni Mommy Gloria sa telepono kanina. "Oh? Ba't ngayon mo lang ako pinuntahan? Hindi ba sinabi ni Manang Fely na andito pa ako?" tila kun

