S A B I . . . nila, sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan pa rin daw ang tuloy. Noong una, nawalan na ako ng tiwala sa kasabihang 'to. Hindi ko inakalang darating pa rin pala sa buhay ko ang araw na babalik ang paniniwala ko sa mga salitang ito. Kabado akong nakaupo sa loob ng bridal car, habang hinihintay ko ang cue ng wedding organizer para lumabas ako. Dati rati, kapag nakakapanood ako ng video o pelikula kung saan pinapakitang kinakabahan ang bride at groom habang papalapit ng papalapit ang pag-iisang dibdib nila, iniisip kong OA lang ang mga ito. Ano ba naman kasi ang dapat nilang ikakaba? Magpapakasal lang naman sila sa taong matagal na din naman nilang kilala at nakakasama. Pero ngayong ako na ang sa posisyong iyon, naiintindihan ko na kung bakit sila kinakabahan. Hin

