A N G . . .original plan, dapat right after the wedding ay aalis kami ni Primo para sa honeymoon. Kaya lang dahil sa tawag ng trabaho nito bilang acting President ay kinailangan naming ipagpaliban muna ang pag-alis. Naiintindihan ko naman iyon dahil hindi naman siya basta-bastang tao lang. Pero hindi ko pa din maialis ang hindi magtampo kahit kaunti. Kaya sinabi kong sa bahay na lang muna namin ako dahil isinama naman ng pamilya niya si Talia sa out of the country trip ng mga ito para mapagsolo kami ng ama nito. Nagsiuwian kasi ang pamilya ni Primo para sa kasal. Kaya heto, tatlong araw matapos akong ikasal, mag-isang nag-aalmusal ng kape at pandesal. Nakataas pa ang isang paa habang tamad na isinasawsaw ang tinapay sa kape. "Hi 'te," bati ni Macey na kararating lang galing trabaho.

