CHAPTER 24

1189 Words
W A L A . . . sa sarili na naituro ko ang sarili. "Ako???" tanong ko kay Nick na tinanguan naman nito ng sunod sunod. "B-Bakit ako?" tanong ko ulit. "Well aside from you're the most convenient choice dahil nandito ka na, you are also my safest option," sagot naman nito. Inismiran ko ito sabay ibinaba sa lamesa ang mga gamit ko atsaka naupo sa bakanteng pwesto sa sala. "Wow thank you ah. Option na, choice pa," sarkastiko kong komento. Magbestfriend nga ito at si Primo. Porket parehong gwapo at galing sa prominenteng pamilya ay nagagawa nitong mamili ng mga babae na para bang namimili lang ng mga isda sa palengke. Bitter ka te? singit ng nakakainis na bahagi ng isip ko pero hindi ko na inentertain iyon. Mwinestrahan ko ang dalawang bisita na maupo na rin. Natatawang tumalima naman si Nick na ginaya na din ni Travis. "Seriously, Mia. My parents will surely use this ball as a chance to arrange my marriage with some rich, spoiled girl na kung saang lupalop nanggaling. And you know me. I don't do relationships, marriage pa kaya???" paliwanag ni Nick. "Nick, kung gusto mong magpanggap akong girlfriend mo ay hindi ako papayag," mahinahon kong pagtanggi. Rumehistro ang pagkabalisa sa mukha ni Nick. "Gusto kitang tulungan, syempre. Pero alam mo naman ang history natin di ba? We all know na hindi totoo pero mahirap burahin sa isip ng mga tao ang malaking eskandalong 'yon. I just want to live a peaceful life here," paliwanag ko din. "Of course I know that. And no, hindi kita iniimbita para magpanggap na girlfriend ko," agad nitong sagot na ikinakunot ng noo ko. "At paano naman ako makakatulong na kontrahin ang mga potential Mrs. Nick Abelardo kung hindi ako magpapanggal na girlfriend mo?" lito kong tanong. "A-Ahm, S-Sasabihin kong ideal girl kita. P-Pero magkaibigan lang tayo! Pero kapag hindi kasing ganda at kasing bait at pasensyosa mo, hindi ko magugustuhan! P-Pero friends lang talaga tayo, o-oo, ganun, he he," tila mas balisa nitong tugon. Lalo akong nalito. "Ha???" wika ko. "B-Basta! Just come, please? Buhay ko ang nakasalalay dito, Mia!" pagmamakaawa nito. Hindi ako makasagot agad. Mukha namang totoo na desperado ito. Pero hindi ko lang talaga maintindihan ang paliwanag nitong rason. "Kung hindi papayag si Ate, hindi na rin ako pupunta!" maya maya ay singit ni Macey. Sa pagkakataong ito ay si Travis naman ang nabalisa. "M-Macey..." may pagmamakaawang usal ng huli. "Shh!" agad na saway ng kapatid ko dito. "Ate, aattend ka ba o hindi?" tila ultimatum na tanong ni Macey na halos magkanda-duling na sa kakatingin sa akin ng makahulugan. "A-Ahmm..." alangan kong nasabi habang nagpapalipat lipat ng tingin sa tatlo ko pang kasama sa sala. "It's a no. Sorry, alis na kayong dalawa!" may pagmamadaling taboy ni Macey sa dalawang lalaki. "T-Teka lang, wala pang sagot si Mia," hirit ni Travis. "Kilala ko ang ate ko. No ang ibig sabihin ng sinabi niyang 'yon. Kaya ba-boo!" taboy ulit ni Macey sa huli pati kay Nick habang pilit na itinutulak ang mga ito palabas ng pinto. "Wait! Mia! Can we talk?" hirit ni Travis tsaka tila nagmamakaawang tumingin sa akin. Nag-aalangan naman akong napatingin kay Macey na pinandidilatan naman ako. "Please?" hirit pa ni Travis na para bang sa pagpayag ko nakasalalay ang buhay n'ya. "S-Sige," pagpayag ko na lang dahil sa totoo, curious din ako kung ano ang sasabihin ni Travis. Inirapan naman ako ni Macey pero wala na rin itong nagawa kung di padabog na nagmartsa palabas ng bahay. Narinig pa namin ang pag-ingit ng gate tanda na tuloy tuloy itong umalis. Binalingan ko si Nick na agad namang nakuha ang ibig kong sabihin. "I-I'm just gonna make a quick call. D'yan lang ako sa labas," pasintabi nito tsaka lumabas. Nang masiguro kong kaming dalawa na lang ni Travis ay hinarap ko ito at pinaghalukipkipan. "So, anong meron sa inyo ng kapatid ko?" diretso kong tanong. Hindi naman ito nagulat sa tanong at sa paraan ng pagtatanong ko. Oo, malaki ang utang na loob namin sa kanya, pero kapag nalaman kong inagrabyado nito si Macey ay hindi ako magdadalawang isip na kalbuhin ito. "Ano bang sinabi ni Macey?" balik-tanong nito. "Tatanungin ba kita kung may sinabi si Macey sa'kin?" sarkastiko kong tugon. "Well then I won't say anything yet," may pinalidad nitong sagot na nagpataas lalo ng kilay ko. "If Macey is not ready to talk about it yet, then I won't breathe a word too. It's not for me to say," dagdag pa nito. Inismiran ko ito. "Fine," sagot ko. Okay, kahit medyo disappointed ako sa sagot niya, hindi ko maikakailang gentleman siya sa part na 'yon kaya hindi na ako naghalungkat pa. "But I promise you, aayusin ko lang 'yong sa'min Macey," pahabol nito na ikinataas ulit ng kilay ko. Sa amin talaga? sa isip ko pero minabuti kong sarilinin na lang 'yon. "Pag tapos n'on, promise, I will explain everything. With Macey's consent of course. Pero hindi ko magagawang ayusin 'yon kung hindi kami magkakausap," dagdag pa nito. "So ano'ng gusto mong gawin ko?" diretso kong tanong dahil alam ko namang doon papunta ang usapang 'to. "Pumayag ka na na isama ka ni Nick sa party para pumayag din si Macey na maging date ko. That will be my chance, probably my only chance to make things right... kaya please?" pagmamakaawa ulit nito. Masama na ang pakiramdam ko kaya ayoko nang pahabain pa ang diskusyon. Isa pa, gusto ko ring matulungan si Macey na maayos na nila ni Travis kung ano man ang meron sila. "O sige na, sige na," kunwari ay naiirita kong sagot. Kita ko ang pag-aliwalas ng mukha ng kolokoy. "Pupunta ka???" paniniguro nito na sinagot ko ng simpleng tango. "Really???" pangungulit pa nito. "Oo nga! Ayaw mo?" "Yes! Thank you Mia! Really!" labis ang galak na pagbubunyi nito at muntik pa akong yakapin pero hindi rin nito itinuloy. "I'll see you tonight! Hanapin ko lang si Macey!" nagmamadali nitong sabi at agad na lumabas. Natatawang napailing ako. Mukhang hindi ko na kailangang marinig ang paliwanag n'ong dalawa dahil obvious naman na may something sila. Maya maya ay pumasok ulit si Nick. "Anong nangyari d'on? Talo pa nanalo sa lotto kung makatalon ah," natatawa nitong komento sabay turo sa direksyon kung saan naglaho si Travis. Nagkibit balikat na lang ako dahil gusto ko na talagang magpahinga. "Pumayag ka?" tanong ulit ni Nick. Kaswal akong tumango sabay hinilot hilot ang sentido ko. "Nice! I'll go ahead and arrange everything! Thank you Mia!" anito tsaka nagmamadaling lumabas. "Nicolo! 'Yong isusuot ko!" pahabol kong sigaw nang bigla kong maalala na wala nga pala akong isusuot. Maya maya ay bumalik ito at nakangiting sumilip sa pinto. "Leave everything to me. Magbeauty rest ka na lang d'yan and I'll see you tonight," anito sabay kindat bago ito tuluyang mawala. Sinulyapan ko ang orasan. Ala una pa lang ng hapon. May time pa ako para matulog. Baka sakaling bumuti na ang pakiramdam ko pagkagising. Minabuti kong uminom muna ng gamot tsaka pumanhik na sa kwarto para umidlip. Mamaya ko na iisipin ang mga bagay bagay na pwedeng mangyari mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD