"M I A . . . iha, pagpasensyahan mo na kung wala ang daddy ni Primo sa pamamanhikan ah," sabi ni Tita Gloria...este Mommy, habang pinapanood naming nagkakasiyahan ang lahat sa bakuran namin. Kanina ay nakikipagkantahan din ito kina Macey, pero napagod na siguro kaya naupo na ito at nagpahinga. "Okay lang po Tita--" Pinanlakihan ako nito ng mga mata kaya akong kumambyo. "I-I mean, M-Mommy," naiilang kong pagtatama sa sarili ko. Natatawang tumango-tango naman ito tsaka inabot ang kamay ko. "Thank you for giving us another chance, Mia," puno ng sensiridad nitong sabi. Napangiti naman ako. "Thank you din po, for giving me another chance para maging parte ulit ng buhay ni Primo," tugon ko din. Ngayon naman ay umiling ito. "No, Mia. Hindi na naman dapat ako nakialam sa inyo ni Primo ka

