KABANATA 1

2761 Words
KABANATA 1  Nag-aalalang tumingin ang dalawang mag-asawa sa babaeng nakita nilang nakahandusay sa may dalampasigan na nakabalot ng sarili niyang dugo ang kanyang katawan. Hindi sila tumawag ng pulis dahil pareho silang kabado na baka sila ang mapagbintangan na may gawa sa ano mang nangyari sa dalaga lalo na’t hindi pa ito nagigising.  Dinala nila si Chaaya sa isang maliit na clinic ng baryo para malinisan ang kanyang katawan at magamot ang mga sugat. Labis na nalungkot ang dalawa nang sinabi ng isang doctor sa kanila na hindi nailigtas ang bata na dala-dala ni Chaaya. Nagpapasalamat sila dahil may bumisitang doctor sa maliit na clinic kung hindi ay baka pati ang buhay ng babae ay hindi na nailigtas.  “Hindi ba natin sasabihin sa mga pulis?” Pagtatanong ni Susan sa asawa niyang si Juan dahil baka nag-aalala na ang pamilya nito. Lalo na panigurado ang asawa niya dahil napahamak ang kanyang mag-ina.  “Susan, saan nga tayo galing?” Pagtatanong ni Juan sa asawa para ipaalala sa kanya kung saan sila nanggaling.  Maingay na suminghap si Susan. “Ang akin lang naman ay baka mag-alala na ang kanyang pamilya, kung kay Suzzie nangyari iyan panigurado ay mag-aalala tayo ng malala.” Pagpapaintindi ni Susan sa kanyang asawa.  “Namatay ang kapatid ko… sa kulungan.” Huminga ng malalim si Susan dahil iyona ng pinunta nila dito kaya umalis muna sila sa isla para pumunta sa burol ng kapatid ni Juan. “Wala siyang kasalanan. Tumulong lang naman din siya pero anong nangyari? Napagbintangan siya na gumawa ng kasalanan na hindi naman niya ginawa.”  “Sa kutis pa lang ng babaeng iyan, kahit na puno ng bubog ang kanyang katawan ay alam mong galing siya sa makapangyarihang pamilya. At alam mo rin ang magagawa ng pera sa batas.” Paliwanag ni Juan dahil masama ang loob niya sa nangyari sa kanyang kapatid. “Para lang guminhawa ang kanilang pakiramdam ay sisisihin nila kahit na walang kasalanan ang isang tao.”  “Sige sabihin mo pero ang tanong kaya mo bang makulong at iwanan ang anak mo na high school pa lang para mabilanggo sa kasalanan na hindi mo ginawa?” Nawalan na ng choice si Susan dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Alam niyang may punto ang sinabi ni Juan kaya tumayo na lang siya para punasan ang katawan ng dalaga gamit ang bimpo at ang tubig.  Tama ang kanyang asawa sa balat pa lang nito ay alam na nila na hindi ito kasing lebel ng katayuan nila sa buhay. Alam niyang unfair para sa pamilya ni Chaaya na hindi nila sasabihin sa mga pulis pero nag-iingat lang naman sila dahil wala silang sapat na pera para ipaglaban na inosente sila at nagmamagandang loob lang silang mag-asawa para tulungan ang babaeng nakita nila na halos mag-agaw buhay na. “Pasensya ka na, anak.” Bulong ni Susan habang pinupunasan niya si Chaaya.  Ramdam ni Chaaya ang sakit ng kanyang katawan ng unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata at unti-unti na siyang nagkakaroon ng malay. Noong una ay malabo pa ang kanyang nakikita hanggang sa luminaw na ito. Nakita niya ang isang may edad na babaeng nagpupunas sa kanyang katawan. Kumunot ang kanyang noo nang hindi niya ito maalala.  “Gising ka na, anak!” Gulat na sambi ni Susan nang makita niya ang pagmulat ng mata ng dalaga. “Salamat at nagising ka na bago umalis ang doctor, Juan! Juan!” Pagtawag ni Susan sa asawa.  “Anong meron?” Takang tanong ni Juan tiyaka tumayo siya sa upuan. Labis siyang nagulat nang makita niyang gising na ang dalaga. “Tatawagin ko si doc!” Agap niya tiyaka mabilis na lumabas sa maliit na kwarto bago pa umalis ang doctor.  “Sino po kayo?” Tanong ni Chaaya. Biglang sumakit ang ulo niya nang sinubukan niyang tumayo kaya kaagad siyang sinuway ni Susan para hindi mabigla ang katawan nito. “Nasaan ako?” Muling pagtatanong ni Chaaya tiyaka niya pilit inaalala ang nangyari sa kanya pero sa halip na memorya ang ibigay sa kanya ng utak ay sakit ng ulo ang binigay nito sa kanya.  “Chaaya.” Pagbigkas niya sa kanyang pangalan dahil iyon ang naririnig niyang boses sa kanyang ulo na tawag ng mga tao sa kanya. Hindi niya makita ang mukha ng mga taong tumatawag sa kanya, tanging mga boses lang ang naririnig niya. “Chaaya ang pangalan ko?” Pagtatanong niya kaya kumunot ang noo ni Susan sa pagtataka.  “Chaaya?” Pagtawag sa kanya ni Susan. Napatingin si Chaaya sa Ginang dahil iyon ang pangalan niya.  “Kayo po ba ang nanay ko?” Pagtatanong niya dahil wala siyang maalala! Parang may pader sa kanyang utak at doon nakatago ang memorya niya. Umawang ang labi ni Susan dahil sa gulat pero bago pa siya makasagot ay dumating na ang doctor.  Kaagad na chineck ng doctor at nang kasama niyang nurse ang kalagayan ni Chaaya. Hindi nga lang na CT Scan ang kanyang ulo dahil walang kagamitan sa maliit na clinic. Inobserbahan siya ng doctor gamit ang pagtatanong pero halos sumabog ang ulo ni Chaaya sa sakit dahil wala siyang alam isagot kung hindi ang kanyang pangalan.  “Ayoko na! Ayoko na!” Sigaw ni Chaaya habang hawak-hawak ang kanyang ulo na para bang sasabog ito sa sobrang sakit. “Tama na! Ayoko na nito! Ang sakit na!” Muling sigaw niya kaya hinawakan siya ng nurse pati na rin ang doctor. May tinurok ang nurse sa kanya tiyaka siya unti-unting pumikit at nawalan ng malay.  “Doc, ano pong nangyari sa kanya?” Pagtatanong ni Susan dahil hindi niya maiwasan na maawa habang sumisigaw ang dalaga. Hindi niya nga napigilan ang pag-iyak niya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag ang anak niyang si Suzzie ang nasa kalagayan ni Chaaya.  “Miss Santos, I guess, nag suffer siya sa amnesia kung saan hindi na niya maalala ang nangyari kahapon o maging sa mga nakalipas na taon. Tanging pangalan niya lang ang naalala niya. Siguro ay mas mabuti kung ipa-CT scan niyo siya sa may bayan para makasigurado tayo kung may iba pa bang na-damage sa ulo niya.” Malungkot na sabi ng doctor. “Lalong sumasakit ang kanyang ulo kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang pagkatao o sa buhay niya. Mukhang ang utak niya rin ang nagba-block sa mga memories niya dahil mukhang ayaw na niya itong maalala.” Suminghap si Susan dahil sa naging kalagaan ni Chaaya.  “Sa sugat palang mula sa kanyang ulo ay mukhang matigas na bagay ang hinampas sa kanya. Malakas din ang paghampas nito kaya may parte sa utak niya ang tinamaan dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya. At sa tingin ko, bago mangyari ang insidente o aksidente ay hindi maayos ang metal state niya kaya ganoon na lang ang naging epekto sa kanya.” Dahan-dahan na pagpapaliwanag ng doctor sa dalawang mag-asawa.  “Jusko, paano kaya siya madadala sa bayan e mamaya na po ang alis namin pabalik sa aming isla.” Nag-aalala na sabi ni Susan dahil wala na silang pera na ipambabayad kung sakali man na maiwan sila ng makinaryang bangka para mailipat na sila sa kanilang isla.  “Pwede niyo naman po siyang hindi ipatingin ngayon. Pero sana ay masigurado niyo pong mapatingin siya sa lalong madaling panahon para hindi mapunta sa malalang karamdaman.” Napahinto ang doctor. “At hindi masisigurado ang kaligtasan niya at baka hindi na kailanman babalik ang ala-ala niya.” Malungkot na sambit pa nito. “Tiyaka, kung maaari po sana ay huwag niyo ng banggitin ang tungkol sa kanyang anak dahil baka ma-trigger lang ang utak nito at maging kritikal pa ang kanyang ulo dahil sa mga impormasyon na maririnig niya tungkol sa kanyang buhay.” Hiling ng doctor para sa ikabubuti ni Chaaya.  “Sige ho at mauna na po ako dahil mayroon pa pong pasyente sa kabilang baryo.” Paalam ng doctor kaya dahan-dahan na tuamango ang mag-asawa.  “Hintayin na muna natin siyang magising.” Sambit ni Susan dahil hindi niya kayang iwanan na walang malay ang dalaga.  “Sige. Sa labas lang ako.” Paalam ni Juan. Pumayag siya dahil ayaw niyang mangyari sa anak nilang babae ang nangyari kay Chaaya.  Limang oras ang lumipas bago nagising si Chaaya. Dalawang oras na lang at papalaot na ang bangka papunta sa Isla Veda kung saan sila namumuhay. Maliit at simple lang ang isla na iyon pero mapagmahal ang mga tao. “Nay.” Pagtawag ni Chaaya kay Susan sa pag-aakalang siya ang ina nito. Dahil siya ang nagbabantay ay inakala na ni Chaaya na siya ang ina nito dahil sinong magbabantay ng ganoong katagal sa kanya kung hindi ang kanyang ina? “Anak?” Gulat na tanong ni Susan na akala ay nagkamali lang siya ng rinig tiyaka anak na ang tawag nito kay Chaaya dahil pwede na siyang maging panganay niyang anak dahil sa edad nito.  “Kayo po ang nanay ko?” Suminghap si Susan tiyaka marahan na tumango. Alam niyang nagsinungaling siya sa dalaga pero kagaya ng sinabi ng doctor sa kanya kanina ay baka magpapalala lang sa sitwasyon ni Chaaya kapag pilit niyang inalala ang mga memorya niya. Siguro naman ay babalik din ito sa tamang panahon.  “Ano pong nangyari sa akin?” Natigilan si Susan dahil sa tanong ni Chaayo.  “Naaksidente ka habang pabalik tayo sa Isla Veda.” Halos mapatalon sa gulat si Susan nang marinig niya ang boses ng kanyang asawa sa gilid. Namimilog ang kanyang mata tiyaka siya napatingin dito. “Kaya kung hindi na ganoong masakit ang pakiramdam mo ay pwede na tayong pumalot lalo na’t wala na tayong pambayad kapag naiwan pa tayo ng bangka.” Sambit pa ni Juan kay Chaaya.  “Maayos na po ang pakiramdam ko kumpara kanina.” Sagot ni Chaaya kaya tumango si Juan.  “Ku-kuha lang ako ng damit mo.” Natatarantang wika ni Susan tiyaka nagkalkal ng damit sa kanyang bayong. Buti na lang at may mga binigay na damit ang isang kamag-anak ng asawa niya para sa kanyang anak pero mas kasya ito kay Chaaya.  “Iwan ka muna namin dito para makapag-bihis.” Ngumiti si Chaaya habang tinitingnan niya ang daster na susuotin niya.  Tumingin si Susan kay Juan na may pagtataka dahil hindi niya inaasahan na gagawin ng asawa niya iyon. “Naalala ko lang sa kanya ang anak sana natin na panganay.” Natahimik si Susan sa sinabi ng kanyang asawa.  Kung sanang hindi siya nakunan noon ay kasing-edad na sana ni Chaaya ang panganay nilang anak. Kaya rin siguro hindi niya maiwan kanina si Chaaya dahil alam niya ang pakiramdam na mawalan ng anak nang hindi mo man lang nahahawakan o di kaya ay nasisilayan. Mahirap pa ang sitwasyon ng babae dahil nawalan siya ng ala-ala, nagtataka siya kung ano kayang nangyari kung bakit siya duguan noong nakita nila?  “Mapakikiusapan ko naman siguro si Enteng.” Si Enteng ang nagmamaneho ng bangka, kaibigan ito ng kanyang asawa dahil madalas na umaalis sa isla ang asawa nito para bisitahin ang mga kapatid niya dito. Wala na rin silang pera para pambayad sa ticket ni Chaaya kaya makikiusap na lang ang kanyang asawa.  “Hindi kaya magtataka si Suzzie?” Baka kapag nagtaka ang kanyang anak ay malaman ni Chaaya na nagsisinungaling lang sila. Alam nilang hindi tama ang ginagawa nila pero ito lang ang naisip nilang tama para sa ikatatahimik ng babae.  “Ako na ang kakausap sa kanya.” Sagot ni Juan. “Alam din naman ng mga taga-isla na may panganay pa tayo.” Iyon ang alam nila dahil hindi pa nila matanggap noon na nawalan sila ng panganay. At ang pag-alis ni Juan sa isla ang inakala nilang pagbisita sa anak nilang panganay na nakatira sa mga kapatid nito.  “Nay tapos na ako!” Masayang sambit ni Chaaya habang pinapakita niya ang kulay dilaw na daster na lalong nag patingkayad sa maputi niyang balat. Napansin din ni Susan ang freckles sa bandang itaas ng kanyang pisngi kaya may hinala siya na hindi pure Pinay ang magiging anak-anakan nila.  “Ang ganda mo, anak.” Hindi maiwasan ni Susan na purihin si Chaaya sa angkin nitong kagandahan. Hindi niya rin mapigilan na haplusin ang pisngi nito habang maluha-luha ang kanyang mata.  Para bang ibinalik ng Diyos sa kanila ang anak nilang nahiwalay sa kanila sa matagal na panahon.  “Pasensya na po kayo kung hindi ko kayo nakilala.” Paghingi ng tawad ni Chaaya sa inasal niya kanina. Matamis na ngumiti si Susan sa babae.  Nakonsensya si Chaaya dahil hindi niya naalala kanina ang nagbigay buhay sa kanya sa mundong ito. Iyon ang naging paniniwala niya ngayon na sila ang mga magulang niya dahil maliban sa mga boses na hindi pamilyar sa kanya habang tinatawag siya sa kanyang pangalan ay wala na siyang maalala. At ayaw niyang pilitin muna ang kanyang sarili dahil ayaw niyang maramdaman ulit ang sakit na naramdaman niya kanina na animo’y anumang oras ay pwedeng sumabog ang kanyang ulo.  “Gusto mo ba talagang sumama sa amin?” Pagtatanong ni Juan kay Chaaya dahil baka maging kidnapping pa ang maikaso sa kanila. Gusto niya lang makasigurado dahil ayaw niyang maulit kung ano man ang naging kapalaran ng kanyang kapatid.  “Oo naman po, tay!” Sagot ni Chaaya kay Juan. “Bakit naman po ayaw kong sumama sa inyo e kayo ang mga magulang ko?” Umawang ang labi ni Juan tiyaka natauhan na iyon nga pala ang paniniwala at pagpapakilala nila sa babae.  “Ah eh,” Hindi alam ni Susan kung paano masosolusyunan iyon lalo na’t nasa dalampasigan na sila dahil kanina pa sila nakababa sa tricycle na sinakyan nila at kung sumakit man ang ulo ni Chaaya ngayon ay hindi na nila alam kung anong gagawin.  “Mas gusto mo kasi dito dahil malayo sa kabihasnan ang isla.” Agap ni Juan, tumatango-tango si Chaaya kahit na nagtataka siya kung bakit paggising niya ay nasa clinic sila at punong-puno siya ng sugat.  “Ganon po ba?” Muli siyang nag-isip kung bakit mas pinipili niyang nandito keysa kasama ang kanyang pamilya. Pero nararamdaman niya ang kirot sa kanyang ulo kaya pinilig niya ito. “Pero ngayon mas gusto ko na po sa isla para makasama kayo!” Masayang sambit niya sa kanyang bagong kinikilalang magulang.  “O sige, dito muna kayo at kakausapin ko si Enteng.” Kumunot ang noo niya dahil sa bagong pangalan na sinabi ng kanyang tatay. “Si Enteng ang may ari ng bangkang sasakyan natin papunta sa isla. Hindi kasi nabayaran ang ticket mo dahil hindi kami mag-aakala na maisasama ka namin pag-uwi.” Pagpapaliwanag pa ni Juan tiyaka pinakita ang isang simpleng papel na may sulat lang na nagsisilbing ticket.  “Bangka? Makakarating tayo don ng bangka?” Takang pagtatanong ni Chaaya. “And that’s a ticket? It doesn’t look like one.” Nagulat ang mag-asawa dahil sa tinuran ni Chaaya, maging siya ay nagulat dahil may mga ticket na nagflash sa utak niya pero hindi ganon ang itsura. Muling kumirot ang kanyang ulo kaya iniwas niyang isipin iyon.  “Ah eh, oo anak. Bangkang de motor, kaya tayong idala sa isla non.” Tumango Si Chaaya sa paliwanag ni Susan na kinikilala niya ngayong ina.  Nakahinga ng maluwag ang mag-asawa dahil pinagbigyan sila ni Enteng dahil ang akala rin ng matanda ay iyon ang panganay ng kanyang kaibigan at ngayon lang siya muling maidadala sa isla kaya bilang bati niya sa pagdating ng ‘dalaga’ sa isla.  Habang papalaot si Chaaya ay umaalon din ang kanyang buhok kasabay ng pag-alon ng dagat dahil sa hangin. Napapatingin siya sa alon habang hawak-hawak ang kanyang buhok. Hindi niya alam ang pakiramdam pero lahat ng ito ay bago sa kanya. Para bang hindi siya sanay sumakay ng bangka. Siguro naman ay nasanay siya dahil panigurado ay bibisitahin niya ang kanyang mga magulang, diba?  Pero bakit pakiramdam niya ay nagsisimula siyang mamuhay ulit? Dahil ba parang ito na ang naging pangalawang buhay niya kasi muntik na siyang mamatay? Bakit nga ba siya na-aksidente? At bakit parang hindi man lang ni-report sa pulis ng kanyang mga magulang? At kung susuriin niya ang pananalita ng kanyang mga magulang ay parang sanay silang magsalita ng tagalog habang siya ay mas sanay sa wikang Ingles. Sinubukan niyang ilagay ang kanyang kamay para salubungin ang mga alon at nang maramdaman niya ang tubig ay may naramdaman siyang kakaiba sa pakiramdam niya… biglang bumigat ang kanyang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD