KABANATA 2

2807 Words
KABANATA 2  Inalalayan ni Susan sa pagbaba si Chaaya dahil kabado pa siya sa pagbaba at mukhang hirap siya. Samantalang si Juan naman ay sinalubong ang anak nila na naghihintay sa pampang. Napag-usapan na kasi nila kanina habang nasa papalaot sila na ilihis muna ni Susan ang atensyon ni Chaaya para makausap niya ang kanilang anak at hindi ito magtaka. Maintindihin ang kanilang anak at isa pa ay gusto talagang magkaroon ng kapatid ni Suzzie. Gusto niyang maranasan ang pakiramdam na mayroon siyang ate na aalalay sa kanya kaya hindi na rin nagdalawang-isip pa ang mag-asawa.  “Saan po tayo pupunta?” Tanong ni Chaaya dahil iginaya siya ni Susan papunta sa palengke. Bitbit na ni Juan ang kanilang mga gamit kaya wala na siyang halos bitbit kung hindi ang kanyang wallet para makabili ng uulamin nila mamayang gabi.  “Bibili tayo ng mauulam natin mamayang gabi, anak.” Pagpapaliwanag ni Susan. Sa hindi malamang dahilan, hindi pamilyar ang katawan ni Chaaya sa mga ganitong lugar dahil ang totoo ay ni isang beses sa kanyang buhay ay hindi pa siya nakapunta sa palengke dahil palagi siyang nasa mall o di kaya ay ang mga kasambahay nila ang mag-grocery dahil wala na siyang oras pa para ron.  “Oh, Susan! Sino iyan na ba ang panganay niyo?” Pagtatanong ni Aling Baby, halos kaedaran din siya ni Susan. Hindi nila pinagsabi noon na nakunan siya dahil ayaw na niyang maging usap-usapan pa iyon at mabubuksan lang ang sakit na matagal na niyang gustong kalimutan.  “Ah oo, si Chaaya.” Pagsagot ni Susan para hindi na rin mag-alala ang dalaga na kasama niya. Iniisip niya kung dalaga pa ba ang babae o may asawa na dahil nagbubuntis siya noon. Wala rin naman silang nakitang kahit anong gamit ng babae.  “Napakagandang bata! Ang ganda pa ng kutis niya! Mayaman ba ang kapatid ni Juan na nag-alaga sa kanya? Parang hindi man nakakagat ng lamok!” Pagpuri ni Aling Baby habang tinitignan niya ang si Chaaya na ngayon ay nahihiya. “Pero bakit mukhang naaksidente naman siya sa kanyang mga sugat?” Dagdag na tanong ni aling Baby.  “Hay nako, Baby! Huwag ka ng magtanong, magkano pa rito sa pinakbet mo?” Pag-iwas na topic ni Susan sa kanyang kaibigan sa isla. Samantala, habang naglalakad sina Juan pauwi sa kanilang maliit na bahay kasama ang kanyang anak ay hindi maiwasan na magtaka ni Suzzie dahil alam niya na totoo ang nakita niya kanina at hindi siya nag namalik-mata.  “Sino po iyong babaeng kasama ni nanay kanina, itay?” Magalang na tanong ng bata sa kanyang tatay dahil naguguluhan siya. Ang alam niya lang ay pupunta ang tatay nila sa kapatid nito na namatay. Hindi niya alam na may kasama silang babae na halos pwede na siyang maging ate niya, katulad ng matagal na niyang inaasam.  Pinaliwanag ni Juan sa anak ang kalagayan ni Chaaya at pansamantala munang manunuluyan ang dalaga sa kanila bilang anak niya at bilang kapatid ni Suzzie, nakaramdam ng labis na kasiyahan si Suzzie dahil matagal na niyang gustong magkaroon ng kapatid ang kaso nga lang ay maselan magbuntis ang kanyang ina kaya hindi na sumubok pa ang kanyang magulang. Ngunit sa kabila ng kasiyahan ay hindi niya maiwasan na malungkot para sa magiging ate niya dahil parang ninakawan siya ng bagay na mahalaga sa kanya—ang kanyang ala-ala.  “Hindi po ba tayo sasakay ng tricycle, nay?” Pagtatanong ni Chaaya dahil halos malibot na nila ang palengke pero puro gulay lang ang nasa bayong ng kanyang ina. May kaunting karne lang na naligaw sa bayong na sinambit ng kanyang ina na pang-isang buwan na nila iyon. Hindi maiwasan ni Chaaya na malungkot dahil nakita niyang mahirap ang buhay nila. Sa edad niya ay pwede na siyang magtrabaho at kung nakapag-aral man siya ay graduate na siya ngayon. Ang kaso nga lang ay nawalan siya ng ala-ala, sigurado siya na ang Chaaya noon ay gusto niyang maiahon sa kahirapan ang kanyang magulang pero mukhang naging pabigat pa siya rito.  “Ha?” Gulat na tanong ni Susan dahil nasasayangan siya sa barya na ibabayad sa tricycle. Pero kaagad na lang siyang tumango dahil mukhang hindi sanay sa mahabang lakaran ang dalagang kasama niya. “Pagod ka na ba? Sige, dito ka lang sa gilid at mag-aabang na ako ng tricycle.” Wika ng kanyang ina habang hinahabilinan siya na parang bata na sa gilid lang dahil baka maaksidente pa siya.  “Huwag na po, malapit lang po ba?” Pagtatanong ni Chaaya nang mapansin niyang halos bilangin ng kanyang ina ang barya niya sa wallet at mukhang problemado pa ito kaya alam niyang kulang ang magiging pamasahe nila kung sakali man.  “Ah eh, sa kabilang baranggay pa.” Sagot ni Susan habang nagbibilang pa rin ng mga barya. “Mabuti pa nga at sumakay na tayo dahil baka mabinat ka pa.” Dagdag niya dahil ang dami pa nitong sugat sa kanyang katawan.  “Hindi na po, nay.” Umiling si Susan sa sinabi ng dalaga.  “Ngayon lang naman ito pagkatapos bukas ay papalaot na ulit ang tatay mo sa pangingisda kaya magkakaroon na ulit tayo ng pera tiyaka isa pa,” Pinakita niya ang bayong na may lamang mga gulay at iilang karne. “May pagkain na tayo sa loob ng isang buwan dagdag pa ang iilang mahuhuling isda ng tatay mo.” Paliwanag niya tiyaka na siya pumara ng tricycle.  Wala nang magawa si Chaaya kung hindi sumakay na lang din sa tricycle. Nagkwento si Susan tungkol sa isla para malaman ni Chaaya ang iilang impormasyon na dapat niyang malaman. May limang maliliit na barangay ang isla kaya kung sakali man na may mapuntahan siyang hindi pamilyar sa kanya ay hindi siya maliligaw dahil halos magkakakilala lang din ang mga tao sa isla.  “Nakapag-aral po ba ako?” Napaawang ang labi ni Susan dahil hindi niya alam kung anong isasagot doon. Ang mabuti na lang ay nakarating na sila sa tapat ng kanilang bahay kaya kaagad na nagbayad si Susan.  Ito na naman ang pakiramdam ni Chaaya na para bang bago sa kanya lahat ng bagay at lugar ngayong araw o baka ito lang talaga ang epekto ng pagkawala ng kanyang ala-ala. Sabagay, baka ito nga kaya mas mainam na huwag na lang niyang pansinin ang estrangherong pakiramdam. “Nay!!” Sigaw ni Suzzie dahil kahit na isang linggo lang nawala ang kanyang magulang ay hindi niya maitatanggi na namiss niya ang mga ito. Mahigpit niyang niyakap ang kanyang nanay bago siya bumaling kay Chaaya na may ngiti pa rin ang mga labi. Kumunot ang noo ni Chaaya habang pilit niyang inaalala na may kapatid siya.  Pero bakit pakiramdam niya ulit ay wala man siyang naging kapatid? Normal pa ba ang nararamdaman niya o dahil nawalan na siya ng ala-ala kaya bago ang lahat ng nararamdaman niya?  “Ate!” Sigaw ni Suzzie pagkatapos ay tumakbo siya payakap kay Chaaya. Mukhang nagulat pa si Chaaya dahil don kaya hindi kaagad siya nakaganti ng yakap. Paglipas ng ilang segundo tiyaka niya niyakap ang kanyang ‘kapatid’.  “A-anong pangalan mo?” Pagtatanong niya kay Suzzie. Sumulyap siya sa kanyang ama para magtanong sana, kung alam ba na ni Suzzie ang kalagayan niya dahil bahagya siyang nakonsensya kasi hindi niya naalala ang sarili niyang kapatid. Tinanguan siya ng kanyang ama bilang sagot na nasabi na niya ito.  “Suzzie Santos, ate!” Bakas pa rin ang kasiyahan ni Suzzie sa kanyang boses. “Tara ate, para makita mo na ang kwarto natin!” Hinawakan ni Suzzie ang pulso ni Chaaya para mahatak na siya papasok sa kanilang kwarto.  Maliit lang ang kwarto nila at wala man silang kama. May banig na nakatupi sa gilid pagkatapos ay mga plastik na drawer lang ang lalagyan ng kanilang damit. Inililibot niya ang kanyang paningin sa loob ng maliit na kwarto habang inaayos ni Suzzie ang mga damit na sana ay para sa kanya kapag lumaki na siya ay napunta muna kay Chaaya dahil wala itong nga damit.  “Wala man tayong electricfan, ate. Malamig na naman t’wing gabi kaya hindi na tayo gumagamit at wala man din tayong kuryente.” Nahihiyang kwento sa kanya ni Suzzie habang tinutupi nito ang mga damit niya at nilalagay sa bakanteng drawer. Mukha kasing galing sa mayaman si Chaaya kaya alam niyang hindi siya sanay sa ganitong buhay at alam niya rin na hindi siya sanay na walang naalala kung hindi lang ang kanyang pangalan.  “Sorry, Suzzie. Wala talaga akong maalala.” Paghingi niya ng tawad sa kanyang ‘kapatid’ pagkatapos ay tumabi siya rito at tumulong sa pagtutupi pero natawa si Suzzie dahil hindi marunong magtupi si Chaaya kaya siya na ang gumawa non.  “Mukhang nakalimutan mo rin kung paano magtupi, ate Haya.” Pagbibigay ng bagong matatawag sa kanya ni Suzzie. Mas gusto niyang tawagin itong Haya kaysa sa Chaaya.  “Haya?” Alam niyang galing iyon sa pangalan niya at unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng familiarity sa pangalan na iyon.  “Aya.” bulong ng isang hindi pamilyar na boses kaya bigla siyang napahawak sa kanyang ulo nang makaramdam ulit siya ng kirot.  “Ayos ka lang, ate? May nasabi ba akong mali?” Hindi maiwasan na magpanic ni Suzzie dahil nakita niyang napapikit si Chaaya at humawak sa noo nito.  “Ayos lang ako, siguro dapat ko lang sanayin ang sarili ko sa ganito.” Tipid na ngumiti si Chaaya sa kanyang kapatid kahit na nakangiwi ito dahil nararamdaman niya pa rin ang kirot.  “Makakapag-ipon naman siguro sina nanay para ipagamot ka sa bayan.” Ang bayan na tinutukoy ni Suzzie ay ang maliit na palengke kung saan nanggaling sina Chaaya kanina. Maliit lang din ang hospital na iyon at wala halos sapat na kagamitan kaya kapag may nagkakasakit ng malala sa isla at hindi sila ganoon pinagpala sa pera ay wala silang magagawa kung hindi tanggapin na lang ang kanilang kapalaran. “Ayos naman na ako, ah? Hindi na nila ako kailangan ipatingin sa doctor.” Wika ni Chaaya dahil nakita niya kanina kung paano makipagtawaran sa paninda ang kanyang nanay pagkatapos ay nag-alangan pa siya sa ipambabayad sa tricycle tapos ay gagawan niya pa ito ng gastos?  Nasa tamang edad na siya kaya dapat ay gumagawa rin siya ng paraan para may pagkakitaan. Alam niyang may mapapasukan naman siyang trabaho panigurado sa isla para kahit papaano ay may maipandagdag siya sa gastusin nila sa bahay tiyaka isa pa, mukhang nag-aaral ang kanyang kapatid.  Nang matapos nang magluto ng hapunan si Susan ay kaagad na niyang tinawag ang dalawa niyang anak para dumalo na sa hapag. Nakahanda na ang mga plastic nilang plato pati na rin ang mumurahin nilang kutsara at tinidor at may iilan pang nakita si Chaaya na mga cup ng cup noodles na ginagamit nila bilang baso.  “Nakapag-aral po ba ako?” Muling pagtatanong ni Chaaya para kung sakali ay makapag-apply siya ng trabaho sa isla. Nagtinginan ang mag-asawa dahil habang nagluluto sila kanina ay napag-usapan na nila ang magiging bagong buhay ni Chaaya para hindi na lang din sumakit ang ulo ng dalaga.  “Hindi na anak.” Halos mapasinghap si Chaaya sa sagot ng kanyang tatay. Parang nawalan siya ng pag-asa na makahanap ng magandang trabaho. “Namasukan ka na kasi sa kapatid ko bilang kasambahay para matulungan mo sa pag-aaral si Suzzie.” Tahimik lang nakikinig si Suzzie para kung sakali man na magtanong sa kanya si Chaaya ay hindi taliwas ang sinasabi niya sa kwento ng magulang niya.  “Ang kaso nga lang ay naaksidente kayo ng kapatid ko.” Sambit ni Juan. “Namatay ang kapatid ko tiyaka na kami nagpasya na tanungin ka kung sasama ka na sa isla kahit na ayaw mong bumalik dito dahil gusto mong makatulong sa gastusin.” Paliwanag pa nito. Bahagyang tumango si Chaaya dahil naintindihan niya ang pinupunto ng tatay.  Laking pasasalamat niya na habang nakikinig siya ay hindi sumakit ang kanyang ulo kahit na kinukwento ng kanyang ama ang buhay niya dati. Siguro ay dahil hindi niya pinilit ang kanyang ulo kaya hindi ito sumasakit. Nagkwento ulit ang kanyang mga magulang kung paano ang buhay nila noon at kung paano siya bumibisita ng ilang araw sa isla para makasama sila bago bumalik sa kapatid ng tatay niya. Hindi siya nahirapan sa pagtulog dahil kagaya nga ng sinabi ng kanyang kapatid ay malamig t’wing gabi. Kahit na medyo nangangalay ang kanyang likuran sa tigas ng hinihigaan nila. Pero bakit nga ba siya nagrereklamo kung namasukan naman siya bilang katulong? Ang weird minsan ng pag-iisip niya dahil para bang lumaki siya na hindi sanay sa mga bagay na dati naman niyang ginagawa.  Kinabukasan ay maagang nagising ang tatlong mag-anak kaya walang choice si Chaaya kung hindi bumangon dahil baka ganito ang nakasanayan niyang buhay. Sabay-sabay silang nagkape bago pumalaot ang kanyang tatay, pumasok sa paaralan ang kanyang kapatid at pumunta ang kanyang nanay dahil pumasok rin siyang kasambahay sa asawa ng mayor.  “Pwede po ba akong sumama sa inyo, nay?” Pagtatanong ni Chaaya dahil naisip niyang siya lang mag-isang maiiwan sa bahay at wala siyang ibang gagawin kung hindi tumunganga tiyaka mag-isip nang kung ano-ano na magiging dahilan pa ng pagsakit ng kanyang ulo.  “Sigurado ka ba?” Pagtatanong ni Susan sa kanyang anak-anakan, nakaalis na kasi ang kanyang tatay at kapatid at silang dalawa na lang ng kanyang ina ang naiwan sa bahay na ngayon ay handa na rin umalis.  “Opo, para makatulong na rin po ako.” Magiliw na sagot ni Chaaya.  “Wala bang masakit sayo? Baka magkasakit ka pa.” Nag-aalalang sambit ni Susan.  “Hindi po, ayos lang po ako.” Nung una ay hindi pumayag si Susan dahil baka makasama ang pagsama ng dalaga sa kanya pero wala na lang siyang nagawa kung hindi pumayag.  Tahimik na nakahawak ang kamay ni Chaaya sa braso ng kanyang ina dahil naglalakad sila lang dalawa at halos papasikat palang ang araw. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng takot kahit na konti palang ang mga taong nakikita niya. Parang mas kampante ang kanyang loob kapag marami siyang nakikitang sasakyan o di kaya ay mga tao.  “Ayos ka lang? Bakit mukha kang kinakabahan?” Pagtatanong ni Susan dahil halos sumiksik na sa kanya si Chaaya. Umiling si Chaaya sa tanong ni Susan.  “Hindi lang po ako sanay sa kaunting tao.” Pag-amin niya. “I felt like someone would harm me.” Straight na english pa na sagot nito sa kanyang nanay.  “Kasama mo naman ako, anak. Huwag kang matakot.” Nang maramdaman niya ang kamay ng kanyang ina pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay para bang kumalma ang loob niya na walang mangyayaring masama sa kanya.  Malaki ang mansyon at ang likuran nito ay ang dalampasigan. Mukhang mayaman nga talaga ang may-ari nito na pinagtatrabahuhan ng kanyang ina. Pero kahit na halos mamangha na siya sa ganda ng mansyon ay para bang hindi na bago iyon sa kanya pero pinagkibit-balikat na lang niya dahil nagsimula ng kumuha ng gamit ang kanyang ina sa maliit na storage room sa mansyon.  “Kaya mo bang magtrabaho, anak?” Pagtatanong ng kanyang ina habang binibigyan siya ng walis.  “Susan! Buti may kasama ka! Kailangan na malinisan ang dalampasigan!” Sigaw ng mayordoma ng mansyon kaya bahagyang nagpanic ang kanyang ina. “At linisan mo na iyong parte mo dahil darating ang bunsong anak ni Mayor!” “Anak, pwede bang ikaw na muna sa may dalampasigan? Marumi pa kasi ang parte ko. Konti lang naman ang wawalisin mo roon.” Sambit ni Susan kaya kaagad na tumango si Chaaya.  Tahimik siyang papunta sa dalampasigan tiyaka tahimik na naglinis. Ang ganda sana ng tanawin at ang tahimik kung hindi lang may kung ano sa puso niya ang kinakabahan kapag siya lang mag-isa. Para bang may trauma siya na nahihirapan siyang kumilos kapag wala siyang nakikitang maraming tao.  “Goctha!” May biglang humawak sa kanyang braso dahilan ng pagkagulat niya.  “OHMYGOSH!” Malakas na sigaw niya at dahil sa pagpapanic niya ay natapilok pa siya kahit na naka tsinelas lamang siya. Muntik na sana siyang bumagsak sa dalampasigan ang kaso lang ay may naramdaman siyang kamay sa kanyang beywang.  Halos mapako ang kanyang tingin sa morenong lalaki at pilyo na nakangiti habang hawak-hawak ang kanyang beywang. Kung ibang babae siguro ay maakit sa angkin niyang kagwapuhan ang kaso nga lang ay hindi siya naakit sa halip ay nainis dahil sa ginawa nitong panggugulat sa kanya. Kaagad siyang umayos ng tayo para sana mawala na ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya ang kaso nga lang ay hindi siya binitawan ng lalaki.  “Ganda…” Manghang sabi nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD