KABANATA 3
Tinulak ni Chaaya ang dibdib ng lalaki para makalayo na siya tiyaka siya tumayo ng matuwid. Inayos niya rin ang kanyang blusa at maging ang kanyang saya, napaiwas siya ng tingin lalo na ng mapansin niya ang pagtingin ng lalaki sa kanya na may halong pagkamangha habang may ngiti sa kanyang labi.
Hindi maipaliwanag ni Lucius ang kanyang nararamdaman, marahil ay sobra siyang namangha sa angkin kagandahan ng dalaga kaya ganon na lamang ang ngiti niya sa kanyang labi habang nakatingin pa rin sa nahihiyang dalaga. Alam niyang bago pa lang ang dalagang ito sa isla dahil halos nakita na niya halos lahat ng mga kababaihan sa isla, maging ang mga ibang taga Barangay. Sa kutis nito ay mukha siyang mayaman, dagdag mo pa ang mga frekles niya sa mukha na nagsasabing may ibang lahi ang dugong nananalantay sa kanya.
Pilit niyang inaalala ang mga kaibigan ng kanyang ina sa isla, lalo na ang mga nirereto sa kanya ng ina niyang si Lucia noong panahon na nahulog ang kanyang loob sa isang babae.
“Hi,” bati niya kay Chaaya habang maliit niyang kinaway ang kanyang kanang kamay. Halata kay Chaaya na nahihiya siya kay Lucius.
Hindi niya ito matingnan ng diretso dahil hindi siya kumportable. Aaminin niya na gwapo ang binata pero bakas sa mukha nito na maloko siya at mapaglaro. Dahil nga wala siyang maalala ay hindi niya kilala ang lalaking nasa harapan niya ngayon at base rin sa kanyang obserbasyon ay hindi siya kilala ni Lucius.
“You're new here?” tanong ni Lucius na may ngiti pa rin sa kanyang labi. Iwas na iwas ang mga tingin sa kanya ni Chaaya. Napansin ni Lucius na mukhang hindi kumportable sa kanya ang babae. “Are you some daughter of my mother amigas?”
Bumaba ang tingin ni Lucius sa hawak ni Chaaya na walis, dustpan, at lalagyanan ng basura. Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ang hawak ng dalaga. Nakumpirma niya na hindi siya anak ng kaibigan ng kanyang ina dahil sa hawak-hawak nito. Pwera na lang kung kasama siya sa mga nagco-community service.
Pero kung titingnan ang mapuputi niyang balat ay masasabi ni Lucius na hindi laking isla ang babae. Kita niya ang pamumula ng kanyang pisngi hindi lamang sa hiya kung hindi na rinnsa pagtama ng araw sa kanya. Hindi siya katulad ni Lucius na kumikintab ang pagkamoreno niya lalo na sa t'wing nasisinagan ng araw.
“Whoah! Ahm,” hindi alam ni Lucius kung paano papagsalitain ang dalagang nasa harapan niya dahil hinahaplos ni Chaaya ang kaliwang braso niya gamit ang kanyang kanang kamay sa kadahilanan na hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa binata.
“No offense, really, I didn't mean to offend you by asking this,” wika ni Lucius tiyaka niya tinaas ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko siya. “If it is offensive for you, let me know,” sambit pa niya. “Are you deaf? Or you can't speak?” pagtatanong niya kay Chaaya tiyaka pa siya umaaksyon gamit ang kanyang kamay kung sakali man na hindi nakakarinig ang dalaga.
Dahil sa mga aksyon at eskpresyon na pinakita ni Lucius habang tinatanong niya iyon ay hindi maiwasan ang marahan na pagtawa ni Chaaya. Mukha siyang kinakabahan na baka magalit si Chaaya at mukhang hindi niya alam kung anong gagawin niya para lang magkaintindihan sila ni Chaaya.
“Wow,” manghang wika ni Lucius nang nakita niya ang pagtawa ng dalaga sa kanyang harapanan. Kung paano nagkasalubong ang labi at ang mga mata niya. Dagdag pa ang sikat ng araw na tumatama sa kanya na lalong tumitingkayad ang angkin niyang kagandahan. At ang boses niya… ang tawa niya… tila mas masarap pang marinig keysa sa nakakalmang tunog ng alon.
“You chuckled,” puna ni Lucius na hindi pa rin makapaniwala sa rahan at ganda ng dalaga habang siya ay tumatawa.
“Ah,” umawang ang labi ni Chaaya. Hindi alam kung anong sasabihin niya sa binata. “I-i'm not deaf and I can speak,” kinakabahan na dagdag niya.
Nilagay ni Lucius ang kanang kamay niya sa kanyang beywang tiyaka bahagyang napailing dahil hindi niya maintindihan kung bakit naging ganito bigla ang epekto sa kanya ng dalaga. Ang buong akala niya ay hindi na siya muling makakahanap ng iibigin pagkatapos siyang hindi piliin ng unang babaeng minahal niya.
“Wow," muling naibulaslas ni Lucius, mukhang wala na siyang alam sabihin kung hindi iyon dahil hindi niya maiwasan na lalong mamangha kahit na kakaunti lang ang kilos o 'di kaya ay sasabihin ng dalaga.
“Ahm,” hindi alam ni Chaaya kung ano ang sasabihin niya dahil wala naman siyang maalala kung paano makipag-usap sa ibang tao.
“I'm sorry,” biglaang sambit ni Lucius. “I really thought you're my cousin earlier. Your build was somehow same as her.” pagpapaliwanag niya dahil sa tingin niya ay kailangan niyang humingi ng paumahin sa biglaang paghawak ni Lucius sa kanyang braso.
“A-ah, okay lang po," agad na sambit ni Chaaya dahil sa pananalita at dating ng lalaki ay mukhang hindi siya katulad nila na sakto lang ang pera para sa pagkain nila sa araw-araw.
“What? Po?” bahagyang natawa si Lucius nang marinig niya iyon sa dalaga. Pakiramdam niya tuloy ay napakatanda na niya para galangin siya bigla nang ganon. Kung titignan niyang mabuti ay mukhang magkasing-edad lamang silang dalawa. “How young are you?” pagtatanong ni Lucius.
“twenty-seven,” kumunot ang noo ni Chaaya nang biglang may nag-pop bigla sa utak niya pagkatapos itanong ni Lucius sa kanya iyon.
“Twenty-seven,” sagot niya dahil sa tingin niya ay iyon talaga ang edad niya. Siguro nga ay paunti-unti lang ang pagbabalik ng kanyang ala-ala.
“Wow!” muling sambit ni Lucius dahil tama nga ang hula niya kanina. “We're on the same age!” masayang balita niya sa dalaga. Muli siyang natawa sa reaksyon ng binata dahil daig pa nito ang nanalo sa lotto sa malawak niyang ngiti.
“Wow?” sambit ni Chaaya panggagaya sa lalaki tiyaka siya natawa. Ang gaan kasama ni Lucius, kung kakilala siya ni Lucius ay iisipin niyang magkakakilala na sila noon pero mukhang ngayon lang siya nakilala ni Lucius.
Mukhang hindi siya ganon mahihirapan maghanap ng kaibigan sa isla dahil magagaan naman palang kausap ang halos lahat ng tao na nandito.
“Haya!” Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nakita ang kanyang ina na ngayon ay nagmamadaling makapunta sa kanya lalo nang makita ni Susan na may kausap na lalaki ang kanyang anak. Hindi niya maiwasan na mag-alala lalo na't walang maalala si Chaaya at baka mapahamak ito.
“Inay!” Sigaw ni Chaaya tiyaka siya kumaway sa kanyang ina. Kumunot ang noo ni Lucius tiyaka niya sinundan ng tingin si Chaaya sa kanyang likuran.
Nakita niya ang may katandaan na babae na naka-kulay dilaw na bestida. Muli siyang napatingin kay Chaaya, hindi niya inaasahan na anak siya ng isang tagapaglinis sa kanila dahil hindi halata sa kutis at hitsura ng dalaga na laki ito sa hirap. Hindi naman niya minamaliit ang mga nasa ibabang estado sa kanila pero hindi lang niya lubos maisip na dito lumaki ang dalaga.
“Se-señorito,” pagbati ni Susan nang makita niya na ang anak pala ng senyorita Lucia ang kausap ng kanyang anak kaya kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Chaaya tiyaka niya iyon hinila palapit sa kanya.
Nagtatakang tiningnan ni Chaaya ang kanyang ina na bahagyang nakayuko ang ulo habang bumabati kay Lucius. Señorito? Kung gayon ay isa siyang anak ng isang mayaman at kagalang-galang sa islang ito? Tiningnan niya si Lucius kaya kaagad siyang kinalabit ng kanyang ina para yumuko kaya mabilis siyang yumuko bilang paggalang.
“Manang Susan,” pagtawag ni Lucius na may ngiti pa rin sa kanyang labi. Kilala niya si Susan dahil matagal na siyang namamasukan sa mga Agravante pero mas malapit ang kanyang kapatid dito.
“Magandang araw po, señorito,” pagbati ni Susan sa binata habang mahigpit pa rin ang hawak kay Chaaya. Napapasulyap lang tuloy si Chaaya kay Lucius dahil hindi niya alam kung paano niya pa papatunguhan ang binata gayong siya pala ang anak ng pinagtatrabahuhan nila ng kanyang ina.
“Is she your daughter?” magaan pa rin ang kanyang pakiramdam kay Lucius, marahil siguro ay palagi itong nakangiti kaya kahit na anak pala siya ng isa sa mga mayayaman dito sa isla ay hindi siya ganon nahihiya o 'di kaya naman ay naiilang.
Hindi niya alam kung bakit sa kailaliman ng kanyang puso ay hindi na bago sa kanya ang makipagkaibigan sa mga ka-estado ni Lucius. O baka guni-guni niya lang iyon dahil sa kanyang kalagayan.
“Ah opo,” sagot ni Susan kay Lucius. “Panganay.”
“Magaganda po pala ang mga anak niyo, manang Susan,” malawak pa rin ang ngiti ni Lucius, hindi na siya magtataka kung malaman niyang malapit siya sa mga tao sa isla dahil palangiti ito at sa tingin naman niya ay hindi sila katulad ng mga mayayaman sa siyudad na mahilig magmaliit sa kanilang kapwa.
“Ah maraming salamat po,” sagot ni Susan na kahit malapit sa kanyang pamilya ang bunsong kapatid ni Lucius dahil sa kanyang anak na si Suzzie ay ginagalang niya pa rin ang dalawang anak ng Señora.
“Kuya!” Napatingin si Chaaya sa isang babae na mukhang hindi naman magkalayo ang kanilang edad pero dahil sa pagtawag niya kay Lucius na kuya ay mas matanda sila kahit papaano.
“Isabella,” sambit ni Lucius sa pangalan ng kanyang pinsan. Kaka-graduate lang naman nito sa college at mukhang nagrerebelde pa siya dahil ayaw niya ang desisyon ng kanyang mga magulang para sa kanya.
Malapit sila ni Isabella na para bang isa na rin silang magkapatid dahil gustong-gusto ng ina niya ang kanyang pinsan. Hindi na kasi binayayaan pa ng isang babae ang kanyang mga magulang kaya tinuring na ni Luisa na parang tunay na anak si Isabella.
“Tawag ka na ni tita! Ano ba kasing ginagawa mo rito?” Nagdadabog na tanong ni Isabella. Pero umayos siya ng itsura nang makita niya sina Susan at Chaaya. Ngumiti siya sa matanda pero napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya maitsurahan kung nakita na ba niya si Chaaya noon.
“Ay! Hello po!” Pagbati ni Isabella sa mag-ina. Bahagyang nahiya dahil sa inasta niya, kahit na spoiled brat siya ay ayaw niyang isipin ng mga tao na ganon nga siya dahil kahit na ma-attitude siya minsan ay bukal pa rin naman ang kanyang kalooban.
“Sige po, mauna na kami. Maglilinis pa po kami,” pagpapalam ni Susan tiyaka siya bahagyang yumuko para magpaalam sa dalawa. Napayuko rin tuloy si Chaaya tiyaka na siya sumama sa kanyang ina. Kinuha ni susan ang plastic na basura sa kanyang anak dahil hindi ito nababagay sa itsura niya.
Nakangiti pa rin nakatingin si Lucius sa likod ng mag-ina na ngayon ay papaalis. Hindi niya man lang alam na mayroon pa palang panganay na anak si manang Susan.
Napangiwi si Isabella habang pinagmamasdan niya ang kanyang pinsan. Sa mga ngiti at pagkislap pa lang ng mga mata nito ay alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isipan ng magaling niyang pinsan.
“Grabe? Mapunit mga labi niyan, ah?” asar ni Isabella sa kanyang pinsan. Bahagya niyang sinuntok ang biceps ng kanyang pinsan pero natawa lang si Lucius tiyaka siya napailing.
“Ganda no?” pagtatanong pa niya sa kanyang pinsan habang sabay silang naglalakad pabalik sa mansyon.
“Yeah and I guess I've seen her somewhere or maybe I'm just hallucinating or whatsoever,” maarteng wika ng kanyang pinsan. Hindi pa rin mawala ang malawak na ngiti ni Isabella kaya napahinto si Isabella dahilan ng paghinto rin sa paglalakad ni Lucius.
Nilagay ni Isabella sa magkabilang gilid ng kanyang beywang ang kanyang mga kamay habang seryoso niyang tinitingnan ang kanyang pinsan na mukhang mababaliw na naman sa pangalan ng pag-ibig.
“Type mo?” diretso ang pagtatanong ni Isabella kaya natawa si Lucius gusto sanang mag pakipot ni Lucius sa kanyang sagot ang kaso nga lang ay sinamaan siya ng tingin ni Isabella. “Do not ever lie in front of me!”
“Chill!” Tumawa si Lucius dahil sa pagseseryoso ng kanyang pinsan. “I just admire her beauty, that's it.”
“Sus! Ganyan din sinabi mo sa akin noon kay…” napahinto si Isabella nang nakita niyang unti-unting nawala ang malawak na ngiti ni Lucius pero nag-iwan pa rin ito ng maliit na ngiti.
“It's okay, Isabella. You don't need to hate her, she deserves the world,” paliwanag ni Lucius sa kanyang pinsan kaya umismid si Isabella dahil sa hindi niya pag sang-ayon.
“Well, her baby deserve it but she don't,” pag-irap ni Isabella habang sinasabi niya iyon.
“Come on!” wika ni Lucius tiyaka niya inakbayan ang kanyang pinsan at ginulo pa niya ang buhok nito. “Thalia is a brave, gorgeous, and loving woman so she also deserves it.” wika niya sa kanyang pinsan habang naka-akbay pa rin ito sa kanya at naglalakad na silang muli.
“Argh! My hair? Can you not?!” Inis na tanong ni Isabella tiyaka niya inalis ang pagkaka-akbay ng pinsan niya, isa pa, ang bigat kaya ng braso nito para ipatong niya sa kanyang balikat! “That's why I hate your kindness sometimes! Hindi ka na nga pinili ang bait-bait mo pa rin!” panermon niya sa kanyang pinsan. Natawa si Lucius sa sinabi ng kanyang pinsan.
“Because I couldn't find any reason to hate her?” pagtatanong ni Lucius kay Isabella. Hindi naman talaga siya ganon kabait kagaya ng pinapahiwatig ni Isabella, mabait siya sa mga tao dahil mababait ito.
“You're clearly blind when it comes to her, no?” sarkastiko ang pagtatanong ni Isabella. “You even fight tita because of her but where is she now? She didn't choose you.”
Lucius smiled bitterly since he's still hurting but then and again when he's scrolling on his social media and seeing her bright smile, he couldn't help but to feel happy for her. Ganon niya ito kamahal na kahit nasasaktan na siya ay masaya pa rin ito dahil alam niyang masaya na ngayon ang buhay niya.
“She used you but then when her ex came back to her life, she dumped you like you're just a piece of trash,” napailing na lang si Lucius sa sinasabi ng kanyang pinsan. Hindi nila alam kung ano ang pinagdaanan niya kaya madali para sa ibang tao na husgahan siya. “My God! You let her do that? You're an Agravante! Pinapahiya mo ang apilido ko,” maarteng sambit ni Isabella kaya natawa na lang ulit si Lucius.
“Naka-move on na kami pero kayo nina mommy hindi pa rin nakakapag-move on," pang-aasar ni Lucius sa kanyang pinsan.
“Oh really, are you?” mapanuyang tanong ni Isabella dahil alam niya kung gaano kamahal iyon ng kanyang pinsan.
Nakita niya kung paano tinalikuran ni Lucius ang kanyang pinakamamahal na ina para lang sa isang babae!
“Of course, we are all happy!” masiglang wika ni Lucius kahit na may parte pa rin sa kanya na kahit imposible ng mangyari ay umaasa pa rin siya na balikan siya nito.
“Happy? Or you're just distracted?” tanong ni Isabella. Napailing siya sa tanong ng kanyang pinsan. “Wait, is she manang Susan's daughter?” muli niyang pagtatanong.
“Yeah,” hindi alam ni Lucius kung bakit bigla na lang lumawak ang kanyang ngiti nang muli niyang maalala.
“What's her name?” sandaling napatigil si Lucius dahil hindi nga man pala niya naitanong kung ano ang pangalan ng dalaga. “You don't know?! You didn't ask her?!” hindi makapaniwalang tanong ni Isabella sa kanyang pinsan.
“Haya?” patanong ang pagkakasagot ni Lucius dahil iyon ang narinig niya kay manang Susan kanina. “That's what manang Susan called her,” paliwanag ni Lucius.
“God! So, you were stunned with her beauty?” pagtatanong muli ni Isabella sa kanyang pinsan, tiningnan pa niya ito na tila hindi makapaniwala. Nagtaas-baba ang kilay nito tiyaka malawak ang ngiti kaya napailing siya.
“So you're really attracted, huh?” komento ni Isabella dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakita niyang nagka-ganito ang kanyang pinsan.
“I guess?” Lucius chuckled.