KABANATA 4
Nang matapos na ang trabaho nina Chaaya at Susan sa mansyon ng mga Agravente ay umuwi na rin sila. Halos maghapon na nang makauwi sila sa bahay at sa buong maghapon ay hindi na niya muling nakita pa ang binata na kausap niya sa may dalampasigan kanina.
Pagkauwi nila sa kanilang bahay ay inayayahan ni Susan na si Chaaya muna ang maglinis ng kanyang sarili. Kumuha si Chaaya ng damit niya sa kanilang kwarto ng kanyang kapatid, isa iyong itim na daster at sa tela nito ay alam niyang mumurahin lang 'yon. Kinuha na rin niya ang kanyang towel tiyaka siya pumunta sa kanilang banyo, mabuti na lang din at meron silang sariling banyo at may bintana ito na may harang para walang makakita sa labas. Nasa likod bahay nila ang kanilang banyo pero kahit na ganon ay nakakulong ito sa mga bamboo na mukhang ginawa ng kanyang itay noon, walang makakasilip dito kaya kumportable siyang maghubad. Sa ibang mga bahay kasi na nadaanan nila ay nasa labas ang kanilang paliguan, hindi siya kumportable na may nakakakita sa kanya habang naliligo siya. Siguro ay ginawa 'yon ng kanyang itay dahil parehong silang babae ng kanyang kapatid.
Nagsimulang nambomba si Chaaya para mayroon siyang tubig na magagamit sa kanyang pag-ligo. Pinupuno niya muna ang batya bago siya umupo sa maliit na upuan at makapagsimulang maligo. Maging ang pamboba ay tila bago sa kanyang mga braso, parang kaibigat ng bagay na 'yon para sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi pamilyar sa kanyang katawan ang pamboba kung ganito palagi ang ginagawa niya sa araw-araw noon para makaligo.
Samantala ay pinapaypayan ni Susan ang kanilang lutuan tiyaka niya dinagdagan pa ng uling para lalo 'tong umapoy. Narinig niya ang mga pamilyar na boses sa kanya na pumasok sa sala at tama nga siya ng hinala nang sumigaw ang kanyang anak para tawagin siya.
“Inay!” pagtawag ni Suzzie sa kanyang ina tiyaka niya nilapag ang kanyang bag sa kahoy nilang upuan sa sala. Tinanggal na rin niya ang kanyang sapatos at medyas at nilagay ito sa gilid. Ganon din ang ginawa ng lalaking nakasunod sa kanya.
“Nasa likod ako!” sigaw ni Susan habang nagluluto siya ng kanilang hapunan. Kaagad na dumeretso doon si Suzzie habang nakasunod pa rin ang lalaki sa kanya.
“Diyan na pala kayo,” ngumiti si Susan nang bumaling siya sa kanyang anak na nasa kanilang pintuan tiyaka niya nasilayan ang bulto ng lalaki sa likuran ng kanyang anak. “Buti napasama ka Señorito?” pagtatanong ni Susan sa likuran ng kanyang anak.
“Ito talagang si nanay oh, sabing huwag na akong tawaging ganon!” natatawang sambit ng binata tiyaka niya nilagay ang kanyang kamay sa kanyang batok para haplusin 'yon dahil sa hiya. “Anak niyo na rin po ako!” sambit nito na ikinatawa lang ni Susan. May paggalang pa rin siya sa binata dahil anak din siya ni Señora.
“Oh eh hintayin niyo na itong sinigang na isda at dito ka na maghapunan,” anyaya ni Susan tiyaka niya muling tinuon ang kanyang atensyon sa pagluluto ng isda.
“Yown!” masayang sambit ng binata nang inayayahan siya ni Susan. Ang gusto sana ni Suzzie ay umuwi na siya pagkatapos ng agenda niya rito pero wala naman din siyang magagawa.
“Buti napadalaw ka ulit, Señorito” pagtatanong ni Susan kahit na hindi na bago iyon sa kanya dahil magkaibigan sila ng kanyang anak. Lumapit ang binatilyo kay Susan tiyaka ito nagmano, bahagya pang nahiya si Susan dahil marumi ang kanyang kamay sa pagluluto, hindi niya sana iyon ibibigay sa binatilyo pero kaagad nakuha ang kamay niya at nagmano na may ngiti sa labi.
“Gusto niya raw kasing makita si ate,” si Suzzie na ang sumagot tiyaka siya lumapit sa kanyang ina para tulungan siya sa pagluluto.
“Suzzie! Naka-uniporme ka pa!” bawal sa kanya ng kanyang ina dahil susuotin niya pa bukas ang kanyang palda.
“'yong isa ko na lang uniporme ang susuoting ko nay, tulungan ko na kayo rito.” sambit niya tiyaka nagpatuloy sa pagtulong. Lumapit na rin ang binata tiyaka niya tinulungan si Suzzie kaya napailing nalang si Susan.
“Kahit na bawalan kita Señorito ay hindi ka rin naman makikinig,” sambit niya bilang pagsuko sa dalawa.
“Nasaan pala si ate, 'nay?” tanong ni Suzzie sa kanyang ina pagkatapos ay nginuso ni Susan ang kanilang banyo.
“Naliligo pa siya, mukhang napagod nga sa trabaho namin na maglinis sa mansyon.” sagot ni Susan. Tiyaka lang kumunot ang kanyang noo nang may napagtanto siya na isang bagay. “Alam ni Señorito?” pagtatanong niya tiyaka niya muling tiningnan ang kanyang anak na tinikman ang luto.
“Hmm,” sagot ni Suzzie pagkatapos niyang tikman ito. Napagtanto niya na ayos na ang lasa kaya hintayin na lang niya na maluto ng tuluyan ang isda. “Sinabi ko na sa kanya, alam na rin ng mga kaklase ko. Nalaman nila sa anak ni aling Baby,” kwento ni Suzzie. Tumango si Susan tiyaka siya nag-aalalang tumingin sa Señorito, natawa ang binata tiyaka siya umaktong zinipper niya ang kanyang bibig.
“Don't worry, 'nay! Your secret is safe with me,” natawa siya sa binatilyo tiyaka siya nakangiting tumango-tango rito. Nag thumbs up ang binata kaya ginaya na rin siya ni Susan at nag thumbs up kaya kumindat pagkatapos ang binata.
“Nay?” nagtataka si Chaaya nang pagkalabas niya sa banyo habang nakalagay ang towel sa kanyang buhok ay may bagong hindi niya kilala ang mukha na katabi ni Suzzie habang nagluluto.
Kung pagmamasdan niyang mabuti ay magkaklase sila ni Suzzie dahil sa suot nilang kulay puti na uniporme at hindi lang sila magkaklase kung hindi magkaibigan sa ayos nila at kung gaano sila ka-kumportable sa isa't-isa.
“Oh anak!” masayang sambit ni Susan nang makita niyang lumabas ang dalaga sa banyo. Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil kahit na wala man lang ayos si Chaaya ay kumikinang pa rin ang ganda nito.
Napaawang ang labi ng Señorito nang makita niya si Chaaya. Hindi niya maiwasan na mamangha sa kutis at sa itsura nito. Nakangiti siyang tiningnan ni Suzzie pagkatapos niyang sinalin sa magkok ang kanilang ulam.
“Ate! Hello!” masigla ang bati ni Suzzie dahil parang kailanlang ay hinihiling niyang magkaroon siya ng kapatid na makikita niya pag-uwi galing sa eskwela at ngayon ay natupad na ang kanyang hiling. Ngumiti si Chaaya tiyaka napatingin sa binata na nasa tabi ng kanyang kapatid at bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha.
Kumunot ang noo ni Chaaya nang napagmasdan niyang mabuti ang mukha ng binata. Parang pamilyar ang kanyang mukha, pilit niyang inalala kung saan niya ba 'yon nakita hanggang sa marealize niya na kahawig siya ng lalaking kausap niya kanina sa may dalampasigan ang kaibahan lang nila ay mas maputi ang kasama ni Suzzie ngayon pero kung pagmamasdan mabuti ay parang wala man lang pinagkaiba ang itsura nila kanina. Mas bata lang tingnan ang binatilyo ngayon keysa sa morenong binata na nakita niya kanina.
Tiningnan ni Suzzie ang kanyang kaibigan tiyaka niya ito siniko at dahil matangkad ang binata sa kanya ay tumama sa itaas ng beywang ng binata. Umalis si Suzzie sa kanyang pwesto para salubungin ang kanyang kapatid para ipakilala ang kanyang kapatid.
“Ah ate, kaibigan ko. Si Señorito Lucas. Si Ate Haya,” pagpapakilala ni Suzzie. Marahan na tumango si Chaaya dahil don tiyaka siya ngumiti sa binata. Mukha naman siyang mabait kahit na señorito ang tawag sa kanya ni Suszie.
“Agravante ka?” pagtatanong ni Chaaya dahil siya señorito din ang tawag ng kanyang ina sa binatang kasama niya kanina. Mabilis at magkasunod na pagtatango ang sinagot ni Lucas kay Chaaya. “Ah kaya pala kamukha mo siya,” biglaang sambit niya kaya naman kumunot ang noo ni Suzzie at maging si Lucas dahil sa sinabi ni Chaaya.
“Ah! Baka ang ibig niyang sabihin ay si Señorito Lucius, nagkausap at nagkita kasi sila kanina sa mansyon,” paliwanag ni Susan tiyaka niya pinunasan ang kanyang kamay sa kanyang suot na daster at naglakad siya malapit sa pintuan nila para makapasok na siya. “Sige at maligo muna ako, mag-usap muna kayong tatlo.” paalam niya tiyaka siya pumasok sa bahay para kumuha ng daster niya sa kanilang kwarto.
“You met kuya?” manghang tanong ni Lucas. Napatango si Chaaya dahil nakumpirma niyang magkapatid nga sila ng nakausap niya kanina. Ano ngang pangalan na sinabi ng kanyang ina? Lucius?
“Ah, kanina. Aksidente lang,” tumango si Lucas sa sinabi ni Chaaya.
“Aksidente?” muli niyang pagtatanong kaya tumango muli si Chaaya.
“Napagkamalan niya ako na pinsan niya...niyo?” pagsagot ni Chaaya sa tanong ni Lucas. Kumunot ang noo ni Lucas tiyaka niya pinagmasdan si Chaaya, bahagya siyang napatango dahil halos may pagkaparehas nga pala sila ng kanyang pinsan na si Isabella.
“Tapos na kayong magluto?” nakangiting tanong ni Chaaya sa kanyang kapatid tiyaka niya ito nilapitan. Masayang-masaya naman si Suzzie dahil don kaya ginaya niya ang kanyang ate sa luto ng kanyang ina na siyang tumuloy.
Tinikman 'yon ni Chaaya tiyaka siya napangiti dahil ang sarap ng sabaw. Sinabi niya kaagad kay Suzzie na masarap na 'yon kaya sabay-sabay silang pumasok sa bahay habang dala-dala ni Chaaya ang kanilang ulam na nasa mangkok, nakasalubong pa nila ang kanilang ina na may dalang damit palabas para makapasok na siya sa kanilang banyo.
“Magkaibigan pala kayo,” sambit ni Chaaya nang naikwento ni Lucas kung paano sila nagkakilala ni Suzzie at inaasar-asar niya pala ang dalaga.
“Wala lang akong choice, siya lang nakasama ko bigla.” pabirong sinuntok ni Suzzie ang braso ni Lucas kaya bahagya siyang napangiwi sa ginawa ng kanyang babaeng kaibigan. “Kahit palagi niya akong sinasaktan.” boses nagmamakaawa pa ang binata tiyaka siya niya pa pinout ang kanyang labi kaya natawa si Chaaya.
Nakaupo na kasi sila sa may hapag-kainan habang hinihintay nila ang kanyang ina at maging ang kanilang itay.
“Huwag kang maniwala diyan ate, sunod lang nang sunod sa akin iyan! Hindi ko nga alam bakit sunod nang sunod parang aso!” reklamo ni Suzzie kaya natawa siya sa kanyang kapatid. Habang tumatawa si Chaaya ay pinagmamasdan siya ni Lucas tiyaka siya bahagyang napangiti.
“Nakita ka na ni kuya, 'diba?” biglang pagtatanong ni Lucas kay Chaaya kaya natigil siya sa pagtawa bago niya sagutin si Lucas.
“Oo, bakit?”
“Wala lang, ahm…” medyo nag-alangan pa siya na itanong ang gusto niyang itanong pero sa huli ay tinanong niya pa rin. “Masungit ba siya?” kumunot ang noo ni Chaaya sa biglaang tanong ni Lucas sa kanya.
Inalala niya ang pagkikita nila kanina ni Lucius, palangiti ito at mukhang palakaibigan dahil sa buong oras—na kahit madali lang silang nagkausap ay nakangiti ito sa kanya.
“Hindi naman, bakit?” nagtatakang tanong ni Chaaya kay Lucas na lalong lumawak ang ngisi niya dahil sa sinagot nito.
“Wala lang, curious lang.” Ngiti ni Lucas kaya napataas ang kilay ni Chaaya. Weird. Iyon ang salitang lumabas sa kanyang isipan dahil sa inakto ni Lucas.
“Huwag mo na lang siyang pansinin ate! Weird talaga madalas 'to!” sambit ni Suzzie tiyaka niya pa tinuro ang kaibigan niya na nasa kanyang tabi, katapat kasi ni Chaaya si Suzzie habang katabi ni Suzzie si Lucas.
Nag-asaran pa ang dalawa hanggang sa dumating na rin ang kanilang tatay kaya masaya siyang sinalubong ng dalawang magkapatid. Tumayo rin si Lucas para bumati siya at tiyaka magmano. Sakto na kakatapos lang din maligo ni Susan kaya binati niya ang kanyang asawa pagkatapos ay inanyaya na ni Juan ang mga bata at ang kanyang asawa na kumain na, naupo na sa kabisera si Juan tiyaka tumabi sa kanyang asawa, katabi naman ni Susan si Chaaya sa tapat niya ay sina Suzzie at Lucas na magkatabi.
Puno ng tawanan at kwentuhan ang hapag dahil sa isang pamilya at dahil na rin kay Lucas na palaging nagpapatawa. Napapailing na lang si Suzzie sa kanyang kaibigan sa t'wing nagmamayabang siya. Hanggang matapos ang kanilang pagkain ay tumulong si Lucas sa paghuhugas ng plato kay Suzzie. Pinagpahinga nina Susan si Chaaya sa kwarto nilang dalawa ni Suzzie dahil baka napagod ito ngayong araw. Lalo na kung tama ang hinala nila na anak mayaman ito ay hindi siya sanay sa ganoong hirap ng buhay. Si Susan na ang naglinis sa may lamesa habang ang kanyang asawa naman ay nasa loob na ng kanilang banyo para maligo.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Lucas sa magpapamilya. Nasa labas na rin ang kanilang driver kaya pumasok na siya sa sasakyan nila. Ngiti-ngiti siyang pumasok sa kanilang bahay kaya naman kumunot ang noo ni Lucius dahil sa inasal ng kanyang kapatid.
“What the hell?” utas ni Lucius nang nakita niya na parang baliw ang kanyang kapatid sa pag-ngiti niya pero lalong ngumisi si Lucas tiyaka niya matapang na hinarap ang kanyang kuya.
“I thought…. Dating is not your thing now?” mapaglarong tanong ni Lucas sa kanyang kapatid.
“What are you talking about?” lalong kumunot ang noo ni Lucius dahil nawewerduham na siya sa inakto ng kanyang kapatid ngayon.
Nakaputing polo pa ito tiyaka naka itim na slacks habang nasa isang balikat niya ang kanyang bag.
“Ginabi ka ah? Sumbong kita kay mommy,” utas ni Lucius dahil ngayon niya lang napansin na hindi pa nakabihis ang kanyang kapatid at kakarating lang niya galing paaralan. Alas kuwatro ang uwian nito pero gabi na at kakauwi pa lang niya.
“So, are you kind with ate Chaaya?” napataas ang kilag ni Lucius sa kanyang kapatid dahil wala siyang kaalam-alam kung ano man ang binibintang nito sa kanya. Natawa si Lucas na para bang nahuli niya ang kanyang kapatid dahil sa naging reaksyon nito.
“Who's Chaaya?” litong tanong ni Lucius. Hindi niya kilala kung sino man ang tinutukoy nito. Sa katunayan, kakatapos niya lang maligo at handa na siyang hintayin ang kanyang mga magulang para makapag-hapunan na sila pero ang weirdo niyang kapatid ang sumalubong sa kanya.
“You don't know her?” paninigurado ni Lucas. Alam niyang simula noong naging heartbroken ang kanyang kapatid ay naging ilap na siya sa mga babae.
Aminado su Lucius sa kanyang pagbabago, na kung dati ay lagi diyang nakangiti at nakikipag-usap sa mga babae dahil mapaglaro siya ay biglang nagbago nang makilala niya ang unang babaeng minahal niya na maging sa kanyang ina ay pinaglaban niya ito. Ngunit nang mabigo ito ay nagbago na siya sa pakikitungo, naging masungit na siya at hindi masyadong nakikihalubilo. Maayos naman ang paghihiwalay nila pero syempre may nararamdaman din siya at nasasaktan pa rin siya na hindi siya ang pinili ng babaeng mahal niya.
“Who's who?” muli niyang inalala ang pangalan na binanggit ng kanyang kapatid. Chaaya… paulit-ulit niyang binibigkas sa kanyang utak ang kaso nga lang ay wala naman siyang maalala na ganoong pangalan.
Maliban na lang kung….
“I thought you already met her?” takang tanong ni Lucas, ang akala pa naman niya ay maasar niya ngayong gabi ang kanyang kuya dahil palagi na lang siya ang inaasar nito.
“You mean, Haya?” umawang ang labi ni Lucas dahil sa sinagot ng kanyang kapatid. Habang sinisigurado lang naman ni Lucius kung siya nga ba ang sinasabi nito. Dahil si Haya lang naman ang ibang babae na nakausap niya.
And speaking of her, magsimula kaninang nakilala niya si Haya ay hindi na ito maalis sa kanyang isipan at kung minsan ay napapangiti na lang siya dahil sa naalala niya ang ngiti ng dalaga maging ang maamo at maganda nitong mukha.
“May call sign na kayo?” manghang tanong ni Lucas kaya lumawak ang ngiti ni Lucius dahil mukhang gulat na gulat ang kanyang kapatid.
“Guess what?” pang-aasar niya habang malawak ang kanyang gabi. Napangiti na si Lucas dahil sa reaksyon ng kanyang kuya.
“Delikado ka na….” nang-aasar na wika ni Lucas sa kanyang kuya.