Drew’s POV Pag-uwi ko sa condo, tahimik lang. Walang assistant, walang ilaw, walang kahit anong ingay maliban sa ugong ng aircon at tiktak ng relo sa dingding. Ganito na yata palagi—maraming tao sa paligid tuwing trabaho, pero pag-uwi, puro echo lang ng sarili mong pagod. Hinagis ko ang jacket sa sofa, sabay upo. Napatingin ako sa phone ko. Walang notification mula sa kanya, obviously. Ni text, wala. Ni mention, wala. Pero ako? Ilang beses ko na sigurong tiningnan ‘yung social media niya kahit alam kong private account ‘yon. Naisip ko ‘yung kaninang eksena sa parking area. ‘Yung lamig ng boses niya, pero ‘yung mga mata niya… ibang kwento. Hindi ako tanga, alam kong hindi ako gusto ni Almira. Pero ramdam ko rin, hindi niya ako gano’n kabilis kayang kalimutan. Lumapit ako sa bint

