Sa Ospital – Kinabukasan Pagpasok ni Almira sa nurse station, parang normal lang ang lahat. Pasyente rito, tawag doon, mga doktor na nagmamadali sa hallway. Pero sa loob niya, hindi siya mapakali. Kahapon pa tumatawag si Drew. Tatlong beses na niyang dinecline. Ngayon, habang inaayos niya ang chart ng pasyente, nakita niyang nag-pop ulit ang pangalan sa phone screen: Drew Morales. Napakapit siya sa cellphone, nanginginig ang kamay. Sandaling tumigil, saka marahang pinindot ang decline. Huminga siya nang malalim. Almira, huwag na. ’Wag mong hayaan na maulit na naman. Hindi mo kaya. Habang nasa nurse station, narinig niyang may mga estudyanteng nagpa-picture sa lobby. “Si Drew Morales daw ’yung nakita sa parking!” sabi ng isa. Parang nanlamig si Almira. “Ha? Nandito?” mahina niyan

