
Mama , papa.
Pwede bang makahingi ng isang saglit na oras.
Upang kayo naman ay aking makausap.
Tila ba ang bigat ng aking pasan pasan.
Pwede bang makahingi muli ng yakap niyo.
Yakap na katulad sa twing nadadapa ako.
Mama, papa
Pwede bang halikan niyo ako katulad ng pag halik niyo kahit na pawis ako.
Pwede bang punasan niyo po ulit ang aking luha sa twing umiiyak ako.
Pwede bang maranasan ulit?
Kahit isang minuto o isang saglit?
Marahil dala lang ito ng aking emosyon.
At hindi ko na alam kung ano ang magiging solusyon.
Sana hindi ko nalang alam ang tama at mali.
Sana hindi ko nalang alam kung paano ipagtanggol ang aking sarili.
Marami akong gustong sabihin na hinanakit.
Pero tila hangin lamang ang nakakarinig.
Alam kong hindi ako naging mabuting anak.
At marami akong naging pagkakamali.
Ngunit sapat ba ito upang maging inyong ganti?
