Lorraine's POV "L-lummiere? Anong ginagawa ko rito?" Gilalas ko. "Nakita kitang nakahandusay sa daan kanina. Nagmagandang loob lang akong iligtas ka? Bakit parang galit ka pa?" aniya habang naglalakad papalapit ng sa akin. "Hindi ko kailangan ang tulong mo, Lummiere. Aalis na ako." Naglakad ako pasalubong sa kanya. Lalampasan ko sana siya pero hindi ko nagawa dahil mahigpit niya akong hinawakan sa braso ko. "Dito ka lang. Mahina ka pa." "Ano bang pake mo, huh? Aalis ako rito sa ayaw at sa gusto mo!" Iwinaksi ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ako. "Bakit ba ang tapang mo? Nagmagandang loob na nga yung tao sa'yo? Ikaw pa 'tong galit?" May panunumbat pang sambit niya. Lalo akong nainis ng maalala ko ang kalalakihan na kumuha ng pera ko kanina. "Malay ko ba na baka ikaw pa a

