Lorraine's POV Hindi nagsalita si Lumiere. Tinulungan niya lang akong makatayo at isinakay na ako sa sasakyan niya. Sa tingin ko ay paalis siya pero iminaniobra niya ulit pabalik sa malaking gate ang sasakyan niya. Hindi na nga niya kailangang bumaba dahil naka-autolocked ang gate niya. Pagkaparada ng maayos sa kanyang sasakyan ay tinulungan niya akong makababa. Ramdam niya rin siguro na nanghihina na ako kaya sobra-sobra niya ako kung alalayan. Nang muntik na akong madapa at sinalo niya ako at hindi ko inaasahang buhuhatin niya pa ako papasok sa bahay niya hanggang sa makaakyat sa kanyang silid. "Maligo ka na muna at ipaghahanda lang kita ng pagkain sa ibaba." Pagkasabi nun ay umalis na siya. Wala akong sinayang na oras. Dumiretso na ako sa banyo dahil nilalamig na talaga ako. Pa

