Lorraines Pov
Nagmamadali akong bumyahe papunta sa aming bayan upang puntahan kung saan hospital dinala si Nene. Mabuti na lang at pinahiram ako ni Aling puring ng pamasahe at nagbigay din siya kahit papano ng pasobra dahil isang libo ang ini-abot niya sa akin.
"Nay, bakit dito po sa private hospital dinala si Nene?" Tanong ko kaagad kay nanay pagkarating ko.
"Wala akong nagawa anak dahil punuan na sa mga pampublikong hospital dito. Wala nh ibang mapagdalhan kaya sinuggest nila na dito na lang daw," ani nanay na halatang problemado rin.
"Saan tayo kukuha ng pambayad dito?" Naluluhang sambit ko kay nanay. Hindi ko pa nakikita si neneng dahil nasa loob pa rin ito ng emergency room.
"Bahala na anak, ang mahalaga ay hindi mawala sa atin si Nene," mangiyak-ngiyak na saad ni Nanay. Wala na rin naman akong magagawa kaya niyakap ko na lang si nanay.
Sobrang gulong-gulo na rin ako. Ang sabi ni nanay ay mas malala na daw ang seizure ni Nene kanina kaya nagpasya siyang humingi ng tulong. Mabuti na lang daw at sa barangay nagtatrabaho ang isang anak ni Aling Puring kaya naging mabilis daw agad ang pagresponde.
Akala ko pa naman ay okay na dahil nakahingi ako ng gamot na maaring tumagal ng pang isang linggo pero hindi pa rin pala.
"Ano pong sabi ng doctor dito, nay? Tanong ko habang naghihintay kami rito sa waiting area. Bawat tao ay tila nagdarasal at tila ba hinihiling ang paggaling ng mga mahal nila sa buhay.
"Wala pa anak, hindi pa sila lumalabas diyan." Turo ni nanay sa pintuan na malapit sa inuupuan namin. Akala ko ay nasa emergency room pa siya pero nasa ICU na pala. Sobrang taranta ko na rin kanina at sobrang aburido. Ang hirap talaga sa pakiramdam kapag may isa kang mahal sa buhay na nasa panganib. Sana lang paglabas ni nene diyan ay okay na siya. Saka ko na lang iisipin ang babayaran namin kapag okay na siya.
"Nay, sandali lang po, ha? Bibili lang po ako ng pagkain nyo ni nene dun sa labas para makakain po siya kaagad."
"Sige anak, bumalik ka kaagad ha?"
"Opo, nay..."
Nagmamadali akong lumakad pababa ng hagdan. Hindi na ako gumamit ng elevator dahil punuan rin naman.
Pagbaba ko ay tumawid pa ako ng kalsada dahil dun ako may nakitang lugawan.
"Magkano po sa lugaw?" Tanong ko sa ale na nagtitinda.
"Bente singko may kasama ng itlog."
"Sige po, pabili po ako ng dalawa at pati na rin po dalawang bote ng maliit na mineral water."
Pinanood ko pa ang ale habang nagsasalin ng lugaw sa mangkok na may plastic na kaya hindi na siya nahirapan pang magsalin.
"Ito, oh. Ninety pesos lang lahat," ani ng tindera. Inabot ko naman ang lugaw at mineral water saka ako nagbigay ng isang daang piso at pagkabigay niya sa akin ng sukli ay nagmamadali na akong bumalik sa loob ng hospital.
Habang naglalakad ako ay may nakita pa akong munting chapel kaya pumasok na muna ako roon. Lumuhod ako at nagdasal ng taimtim sa Diyos. Hiling ko sana kahit ngayon lang ay hilingin niya ang dasal ko. Kahit ngayon lang.
Pagbalik ko sa waiting area ay wala na si nanay kaya dali-dali akong pumasok sa ICU pero pagpasok ko roon ay wala na si Nene kaya nagtanong ako sa doctor na naroroon.
"Doc, saan po dinala si Nenita Mananzala?"
"Sa room 205, Miss!"
"Sige po, maraming salamat po."
Lumabas ako ng ICU. Naglakad-lakad ako at hinanap ko pa ang room 205 na sinabi nila.
""Miss? Saan po ang room 205?" Tanong ko sa isang nurse.
"Dun pa po sa kabilang building. Puno na po kasi rito kaya nasa kabila na po ang mga bagong pasyente."
"Ganun ba, sige, salamat," ngumiti ako sa nurse at nagmamadali na akong lumiban sa kabilang building na karugtong din naman nito.
Habang naglalakad ako ay hindi tumitigil ang isip ko sa kakadasal. Sa isip-isip ko ay okay na siguro si Nene dahil wala naman na siya sa ICU, baka mamaya ay makakauwi na ulit kami sa bahay.
Sa wakas ay nakita ko rin agad ang room 205. At private room din talaga itong pinaglipatan sa kanya. Wala ba silang ward lang?
siya o wala pa o natutulog lang.
"Nay, kamusta daw po si Nene?" Maagap na tanong ko kay nanay habang ibinababa ko ang mga binili ko sa lamesa.
"Naku, anak. English ang sinasabi ng doctor sa akin. Hindi naman ako nakakaunawa ng ibang lengwahe kaya sabi ko ay ikaw na anak ko na lang ang ipapakausap ko sa kanya. Ang sabi niya ay puntahan mo lang daw siya sa kanyang doctor's office para ma-explain daw niya ng maayos sa'yo."
Hawak ni nanay ang kamay ni nene. Mas lalo akong nahabag sa kapatid ko dahil may mga nakakabit sa kanyang dextrose at kung ano-ano pa. Kung ganun ay hindi pa siya makakauwi ngayon?
"Sige, nay. Pupuntahan ko muna ang doctor ni Nene. Ano po palang pangalan niya?"
"Doctor Gina Salazar, anak."
Pagkasabi ni nanay ay lumabas na ulit ako at nagtanong sa nurse station kung saan ang doctor's office ni Doc. Gina. Pagkaturo nila sa akin ay agad akong naglakad papunta roon.
Nang makita ko na ang pangalan ni Doctor Gina sa nakalagay sa pintuan at may nakalagay rin na "The Doctor is in" ay kumatok muna ako. May nagbukas na nurse at pinapasok naman agad ako.
"Magandang hapon po, Doc. Gina. Ako po si Lorraine. Ako po ang kapatid ni Nenita Mananzala. Magtatanong po sana ako kung ano ang kalagayan ng kapatid ko," kinakabahang tanong ko.
"Okay, I'm going to tell you Lorraine about your sister Nenita's condition. Your sister need a surgery to remove a small part of the brain that's causing the seizures."
"P-po? P-pero Doc, w-wala po kaming malaking halaga para sa operasyon." Nanlulumong saad ko.
"It's up to you, Lorraine. But if Nenita's seizures happen again, she might not be able to handle it anymore and her body will give up."
Napanganga ako sa sinabi ng doctor at pansamantalang natulala. Hindi ko kakayanin kung mawawala si Neneng sa amin, lalong-lalo na si nanay.
"Kailan po maaring operahan si Nenita?" Nanginginig ang boses na tanong ko.
"As soon as possible while the the medicine we inject are still having an effect on her." Hindi ako makapaniwala. Paanong nangyari ito gayong nakakainom naman si Neneng palagi ng gamot niya. Magseizure man siya ay saglit lang iyon at nawawala rin kaagad.
"Just come back to see what you decide, Lorraine. I hope it won't take long because your sister's life depends on it."
Heto na naman ako sa sitwasyong hindi ako makapag-isip ng tama. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Alam kong malaking halaga ang kakailangan ko rito pero buhay ni neneng ang nakasalalay rito.
"Hindi na po ako ako babalik doc dahil hindi ko na rin po papatagalin. S-sige po, Doc. I-schedule nyo na po ang operasyon ng kapatid ko sa lalo't madaling panahon...." wala sa sariling nasambit ko.
"Well, that's great, Lorraine. But first you need to give us a fifty thousand downpayment."
Napahakbang na lang ako patalikod dahil sa gulat at tila ba nag-echo sa tainga ko ang halaga para masimulan ang operasyon ni Neneng.
Saan naman ako hahanap ng fifty thousand? Tapos downpayment pa lang?