LORRAINE'S POV
Palabas na ako ng gate ng may biglang humila sa braso kaya naman napaikot ako paharap at nakita ko nga ang mukha ni Lumiere na sinundan pala ako.
"Anong kailangan mo sa akin?" Inis na tanong ko sabay bawi sa braso kong hawak niya.
"Tss! Mataray ka pa rin sa akin pero kay mommy ay nagmamakaawa ka? Bakit hindi mo sa akin gawin ang bagay na yun?" Aniya na tila ba nanunumbat siya. Pero walang epekto sa akin ang bagay na yun dahil iba ang priority ko.
"In your dreams, Lumiere!" Sambit ko sabay talikod na sa kanya pero hinila na naman niya ako pabalik sa kanya. Hinawakan niya ulit ako sa braso at halos idikit na ang mukha niya sa mukha ko.
"One night with you and I'll give you the money that you need." Natigilan ako sa alok niya at hindi sinasadyang nasampal ko siya.
"Ang kapal din naman ng mukha mo, Lumiere! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?" Pangmamaliit ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Napahawak siya sa mukha niya pero nginisian lang ako ng gago na tila ba walang epekto ang palad ko sa kanya.
"Bakit? Magpapakipot ka pa ba? Bibigay ka rin sa akin, Lorraine. Sinisigurado ko yan, sayo..."
"Kahit ikaw na lang ang kaisa-isang lalake sa mundo hindi pa rin kita papatulan, Lumiere!" Pagmamatapang ko!
Hindi naman siya panget. Gwapo siya at matipuno ang pangangatawan. Kulay brown ang balat na kabaliktaran ko pero ang hindi ko magustuhan sa kanya ay ang ugali niyang bastos at arogante!
"Tingnan natin, Lorraine..." sambit niya na tila ba siguradong-sigurado siya sa sarili niya.
Hindi na ako nagsalita at hindi na rin ako lumingon. Tuluyan na akong lumabas sa malaking gate nila at ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi na ako babalik kailanman sa mansion na yun.
At dahil wala na nga akong pamasahe ay naglakad lang ako pauwi. Hindi ko naman naramdaman ang pagod dahil sa galit at inis ko kay Lumiere. Pinagsisisihan kong bumalik pa ulit ako roon. Akala ko kasi ay nasa ibang bansa pa rin siya pero hindi pala at nakabalik na pala siya ng Pinas.
Apat na taon siyang nawala at sa tingin ko ay doon niya tinapos ang kolehiyo niya. Samantalang ako, heto at hindi man lang nakapagtapos ng kursong kinuha ko.
Pagbalik ko sa bahay ay wala si Nanay kaya nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni Nene. Nakahinga naman ako ng maluwang ng makita ko siyang natutulog ng mahimbing. Walong taon pa lang si Nene, sobrang bata pa niya para maranasan ang grabeng pagpapahirap sa kanya. Hindi na nga niya maenjoy ang pagkabata niya dahil sa sakit niya at takot din sa kanya minsan ang mga kalaro niya.
"Oh, anak? Nandito ka na pala?" Ani Nanay na may dalang bigas na nasa plastik bag.
"Oo, nay. Kakarating ko lang din. Saan po kayo galing?" Tumayo na ako at dumiretso sa banyo.
"Diyan lang kay Aling Puring. Nangutang muna ako ng bigas na isasaing para sa hapunan natin," ani nanay.
"Ganun po ba. Mabuti naman po at pinautang pa tayo ni Aling Puring. Medyo mahabang na rin ang listahan natin sa kanya dahil hindi na tayo nakakabayad." Wika ko habang hinuhugasan ang aking paa.
"Ayaw na nga sana pero napakiusapan ko lang dahil sabi ko ay babayaran ko agad siya kapag natapos ko na ang labada ni Mareng Gina."
Lumabas ako ng banyo at pinunasan ko ang paa ko gamit ang tuwalyang ginagamit ko sa paa ko.
"Iuwi mo na lang ulit, nay. Dito mo na labhan para matulungan kita."
"Naku, huwag na anak. Ikaw na nga ang naglalaba ng nga damit natin e, hayaan mo na ako doon. Isa pa, obligasyon ko naman na itaguyod ko kayo." Napangiti naman ako at lumapit ako kay Nanay saka ko siya niyakap habang nasa kusina siya at nagtutubig ng sinaing.
"Nay, malaki na ako. Dalaga na ako. Kaya ko na rin po ang mga ginagawa nyo."
"Sus naman, itong anak ko. Naglambing pa. Oh, siya. Balatan mo na ang papaya doon para maluto ko na,"
"Okay po, nay..."
Sobrang swerte ko rin talaga na si Nanay dahil napakabait at maunawain niya. Sayang nga lang at maagang nawala si Tatay. Nandun ang lungkot pero kailangan namin ni Nanay magpakatatag.
Pagkatapos magluto ni Nanay ay naghain na ako sa aming munting lamesang kawayan. Ginising ko na rin si nene upang pakainin dahil iinom pa rin siya ng gamot. Maintenance niya yun na galing center. Mabuti na lang at mabait ang mga staff doon at palagi kaming binibigyan ng libreng gamot.
Alagang-alaga ni nanay si Nene at halos subuan na pero ayaw ni nene magpasubo dahil kaya naman daw niyang humawak ng kutsara.
"Kamusta ang pakiramdam mo, nene?" Tanong ko rito.
"Okay naman ako, ate. Para nga akong walang sakit, e!" Aniya at ipinagmayabang pa ang maliit na muscle niya.
"Naku, mabuti naman. Basta kapag may kakaiba kang nararamdaman, magsabi ka sa akin o kay kay nanay, ha?"
"Opo, Ate..."
Nagpatuloy na kami sa aming hapunan. Nang matapos na ay ako na rin ang nagpresenta ka nanay na maghugas ng plato. Inasikaso naman niya si Nene sa banyo.
Pagkatapos kong maghugas ay nagpunas ako ng aking kamay sa malinis na basahan na nakasabit sa gilid ng lababo namin at pumasok na rin ako sa aking munting silid. Dalawa lang kaming magkapatid. Malaki ang agwat ko kay nene dahil menopause
Baby na si Nene.
Narito na ako sa kwarto at nakahiga pero hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Lumiere kanina. Paano niya kaya nasasabi ang ganung bagay? Talagang hindi pa rin siya nagbabago. Napaka-arogante pa rin niyang lalake.
Kinabukasan ay nagpaalam ako kay nanay para pumunta naman ng bayan at maghanap ng maari kong mapasukan doon. Kahit anong trabaho ay kakayanin ko para lang makatulong sa kapatid ko.
"Nangangailangan po ba kayo ng tindera?" Tanong ko sa isang matandang babae.
"Naku, hija, pasensya ka na pero maliit lang itong tindahan ko at baka hindi kita kayanin na pasahurin.
"Ganun po ba... sige po. Salamat na lang po."
Bigo ako sa unang subok pero nagpatuloy ako sa paghahanap ng maari kong pasukan. halos yata ay napagtanungan ko na pero kahit isa sa kanila ay walang kumuha sa akin.
Laglag balikat akong umupo sa upuan sa may lilim ng punong mangga. Napatingin ako sa langit at nanalangin saglit. Hiniling ko na kung totoo man ang himala, sana ay pagalingin na niya ang kapatid ko at hindi na muling magkasakit.
Patayo na ako ng makita ko si Lumiere kaya bigla akong tumalikod.
"Ano ba ang ginagawa ng lalakeng ito dito sa bayan? Huwag niyang sabihin na namamalengke siya?" Mahinang sambit ko. Naglakad ako na halos itago ko na ang mukha ko pero tila ba nakita pa rin niya ako.
"Look who's here..." rinig ko ng boses niya pero nagkunwari akong hindi ko siya naririnig at dire-diretso lang ako sa paglalakad.
"Lorraine!" Tawag nito sa akin ng patakbo na akong maglakad.
"Lorraine!
Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya tumakbo na ako palayo sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil sa paghabol. Pakiramdam ko ay sobrang bilis ko na pero hindi pa pala dahil nagawa pa rin niya akong maabutan.
"Wala akong panahon sa'yo, Lumiere. Kaya pwede bang tigilan mo na ako?"
"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Ha?"
"Dahil may boyfriend na ako at alam kong magseselos yun kapag nakita niyang magkasama tayo!" Natigilan naman siya sa sinabi ko pero napangiwi ako ng humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Who?"
"Anong who?"
"Who is the guy, Lorraine?"
"T-tenga! Bitawan mo nga ako, Lumiere! Nasasaktan ako!"
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang lalakeng pinatulan mo!" Kahit nasasaktan ako ay nag-isip pa rin ako ng pangalan na pwede kong sabihin. s**t! Sino bang pwede!
"S-si Carlos!" Sigaw ko sa harapan niya. Sa wakas ay binitawan rin niya ang braso ko pero ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit dulot ng pagkakahawak niya.
"Carlos, what? Where does he live? What is his last name and occupation?"
"Hindi mo na kailangan pang alamin!"
"Kailangan kong alamin kaya sabihin mo! Ito ang tatandaan mo, Lorraine! Walang ibang pwedeng mag may-ari sa'yo kundi ako lang. At papatayin ko ang kung sinumang lalake na aagaw sa'yo mula sa akin."
"Hindi ko ako pagmamay-ari, Lumiere! Kaya walang aagawin sa'yo! At kung sinuman ang patulan ko ay wala ka ng pakialam dun!"
Iniwan ko na siya doon habang nakasunod ng tingin sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na siya sumunod sa akin. Pero sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng pangingilabot.