Prologue
"Ahhhhhh'' sigaw ko.
Nakatulog pala ako. 'teka! bakit wala akong makita ang dilim habang ramdam kong nakagapos ang mga kamay at paa ko ni mismong hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi kaya----'
*DOOR KNOB*
"BOSSING?!"
"KING!"
"MAGESTY!"
Ha ano rawwww?
Sabay sabay ang boses nila kaya hindi ko masyadong naintindihan. Sinubukan ko namang galawin Ang braso ko pero mahigpit ang pagkakatali nito mula sa likuran ng upuan.
@___@
"Gising na ata Siya, King!!!" Mungkahi ng isang lalaki.
Manghuhula ba ang lalaking iyon?
"Tangek ka talaga Helmet!"
"Anak ng Kailangan talaga Batukan mo ko Kama!"
bigla ay may naalala ako, sila iyong huling Kausap kong Nakabonet tapos biglang bumaba para habulin ako dahilan natuluyan akong madakip.
"SINO KAYO? AT ANONG KAILANGAN NIYO SAAKIN?WALA NAMAN AKONG NATATANDAAN NA MAY ATRASO O UTANG AKO SA INYO AH! WAHHHH" Sumbat ko sa kanila na hindi makatiis sa pananahimik.
"KUNG RAMSOMED HINIHINGI NIYO SORRY WALANG TUTUBOS SAAKIN KAPALIT NG PERA!WALA NGA KO NI BARYA EH!!" Dagdag ko pa para malaman nilang wala kong perang maibabato sa kanila.
"Pffffft." Narinig kong Pigil Bungisngis ng Dalawang boses.
Bakit Hindi nalang nila Ilabas, nahiya pa siya ni hindi nga sila nahiyang kidnapin ako sa daan tsaka ang alam ko nakakamatay ang pagpigil ng tawa baka sakaling utot ang maging kalabasan.
"PAKAWALAN NIYO KO DITO! DAHIL WALA KAYONG MAPAPALA SAAKIN! BAKA NAGKAMALI LANG KAYO NG NAKIDNAP DAHIL HINDI NAMAN AKO MAYAMAN KAYA PAKAWALAN NIYO KO DITO!" Halos mapaos ang boses ko mailabas lang ang gusto kong sabihin sa kanila kasabay ng pagpupumiglas ko sa pagkakatali ng mga braso ko.
Ramdam kong pinagpapawisan nako.
"f**k up! That woman!" Mura ng kung sino gamit ang baritonong boses.
"Bossing?!" Rinig kong pagtawag ng Isa kasabay ng mga yabag na Paa.
"Both of you---facking Get out!" Utos ulit ng kung sino gamit ang maawtoridad na boses.
"Sige King, Mukhang nauna na si Zhe!" Tugon ng isa na sa pagkakalala ko ay nagngangalang Helmet.
Sino ba sila Parang Sunod-sunuran Sa Hari?
"Areglado Bossing!" Sagot naman ng isa mukhang siya iyong tinutukoy na kama dahil pareho ang boses nila kapag nagsasalita.
Narinig ko nalamang ang pagdagundong ng bakal nasa tingin ko ay pintuang nilabasan ng dalawa matapos pag-utusan ng kung sino dahilan na maging kabado ako. Anong binabalak ng lalaking ito? Bakit gusto niyang mapag-isa kaming dalawa? Hindi kaya gusto niya kong gahasain?!
"WAHHH TULUNGAN NIYO KO! PAKAWALAN NIYO KO DITO TUL---" naputol ang paghingi ko ng tulong.
"Shut your f*****g mouth, or I will not hesitate to kill you at instance, woman." Malamig nasaway niya saakin.
"IKAW PALA ANG BOSS NILA HA? PARA SABIHIN KO SAYO WALA KANG MAPAPALA SAAKIN DAHIL MAHIRAP LANG AKO KATUNAYAN NGA NAGTRATRABAHO AKO, KULANG PA NGA SWELDO SA KINIKITA KO PARA SA PAG-AARAL KO AT PURO NA KAMALASAN NANGYAYARI SA BUHAY KO NGAYON!" halos lumabas na litid ng ugat ko sa walang tigil na pagsigaw sa harapan niya. Pinipigilan kong hindi maluha sa mga oras nato pero hindi talaga kinaya ng sistema ko.
"Tsk!" Masungit nahasik niya.
"Alam, mo bang ang Sakit na ng PUSO KO!....NAPAPAGOD rin ako...PAGOD NA ANG PUSO KO....PAGOD NAKO KAKAMAHAL SA KANYA!...KUNG GANUN RIN NAMAN PALA IGAGANTI NIYA....SOBRANG HIRAP AT SAKIT.....Hirap nako.....A-ANG SAKIT NA ALAM MO BA YUN HA? PINALAMPAS KO YUNG UNA , PANGALAWA PERO YUNG PANG HULI HINDI NA! INIWAN NA NGA KO NG MGA MAHAL KO SA BUHAY TANGING BESTFRIEND KO NALANG ANG NANDIYAN SA TABI KO!" Mungkahi ko kahit alam kong walang kwenta para pakinggan niya dahil hindi niya mauunawaan ang nararamdaman ko sa mga oras nato.
"I'm not asking, dimwit!"
"3 YEARS ANG SAKIT NILOKO NIYA KO AT PINAGPALIT NIYA KO SA MALANDING BABAE NA YUN MINAHAL KO NAMAN SIYA AH PERO BAKIT NIYA K----- "
Naputol muli ang pagtatalambuhay ko matapos marinig ang kasa ng baril na dumagundong sa buong paligid dahilan na mapalunok ako.
O___O
"I won't make it painless, woman!" makabuluhang sambit niya.
"A-anong gusto mong gawin sakin?" Tarantang tanong ko.
" I want to kill you instanty," mabilis natugon niya.
"B-bakit? Bakit mo ko gustong patayin? Ano bang atraso ko sayo? Boss! King! o Kung sino ka mang diyos pursanto ka!" Pangangatwiran ko.
''Do you wish to die?" Tanong niya.
baka naman kasi Alien siya?
''A-ALIEN KA BA?''tanong ko pabalik.
''Tsk!'' Hasik niya.
O.O
omyghoddd Alien nga siya.
''Waaaaa-------''
"Shut your f*****g scream, woman." Mura niya sa kawalan.
TyT
"HINDI KO NA ALAM ANO DAPAT KONG GAGAWIN!" Sigaw ko.
"Die." Komento niya.
"PWEDE BA WAG KANG SUMABAT NAG-IISIP PAKO DITO EH! TAPOS SASABAT KA YAN TULOY DI AKO MAKAPAG-ISIP NG TAMA!" Paninisi ko sa kanya.
"Tsk! What an Absent Minded."
"ANONG ABSENT MINDED! NI HINDI NAMAN AKO PALA ABSENT SA SKWELAHAN!" Mabilis natanggi ko sa sa sinabi niya.
"The hell, what's wrong with your head woman?!"
Kahit di ko makita ang reactions niya dahil nakapiring ang mga mata ko ay ramdam kong galit na siya. Malaki ba ang naging atraso ko para ganituhin niya ko.
"Maayos naman ang utak ko, Mister!" Sagot ko sa naging tanong niya.
"Why i'm minding to talk with a dimwit like you!" Saad niya kasabay ng pagdagundong ng mga yabag ng sapatos.
"Eh? Inaano ba kita? Tsaka sinasagot naman kita batay sa katanungan mo!" Pangatwiran ko.
"You're getting into my nerves!"pikon nasambit niya habang nagiging palapit ang mga yabag sa kinauupuan ko.
"ANONG BINABALAK MO?!" tanong ko dahilan na mapaatras ako dala ang upuan.
Hindi ko na narinig ang pagtugon niya niya tanging paghinto ng mga yabag ng sapatos habang ramdam kong nasa harapan ko na siya.
"let's end here." Huling bilin niya.
*BANG*
"WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH"' nakakabinging sigaw ko.
katapusan ko na.
Patay nako?
Diyos ko.
Ito na nga ba Sinasabi ko. ang Aga naman ata para kunin niyo ko. alam niyong Marami pa kong Pangarap. hindi pa nga ko nakakapagtapos---Tapos hanggang dito nalang pala ang buhay ko. ang Saklap naman pala ng Kapalaran ko.
Naramdaman kong walang kirot natumama saakin. Siguro nga ganito ang pakiramdam ng nasa kabilang buhay. Dahilan na imulat ko ang mga mata ko para salubungin ang panibagong buhay.
-_-
o_O
''T-TEKA! SINUNDO MO NA BA KO?" Tanong ko sa Matangkad na lalaking nakatayo sa harapan ko. "BAKIT NAKAITIM KA? HUWAG MONG SABIHIN SA EMPIYERNO MO KO DADALHIN?!" Sabat ko dahilan na lumukot ang noo niya. Animo hindi nagustuhan ang sinabi ko.
Sa totoo namang nakaitim siya mula sa sapatos, slacks pati sa long sleeves na hapit sa buong katawan niya.
"IKAW SI KAMATAYAN, HINDI BA?" Paninigurado ko.
"What nonsense are you talking about?!" Inis na anas niya bago ako tapunan ng matalim na tingin.
"Teka..." pinanliitan ko siya ng mga mata.
Familiar siya. Hindi ko pa masyadong malinaw maaninag dahil malabo ng kaunti ang paningin ko dulot ng piring kanina.
"Do you remember your f*****g wrong send and you're the f*****g Sender!"Paninisi niya.
"Halah! Ikaw pala iyon!" gulat na reaksyon ko, hindi makapaniwalang totohanin ng lalaking nagmura sakin sa kabilang linya ang binanta niya, walang dudang siya nga iyong lalaking namali ko ng pagsend sa text na dapat kay Ian mapunta.
Bumalik ang pangingilala ko sa lalaki mala-Enrique-----
"Teka nga! Familiar Ka--- IKaw yung Walang Modong naghatid saakin sa Tulay!!" Mabilis nabulalas ko ng makilala siya.
Ibig sabihin, Iisang tao lang pala sila.
"I regret, hoping you in my car." Mabilis na pananaboy niya sa nakaraan.
"Hindi ko lubos akalain aabot sa ganito, pwede bang palampasin nalang natin ang nangyari, alam kong nagkamali ako kaya humihingi ako ng tawad sa maling mensaheng natanggap mo." Pagpapakumbaba ko.
Sa halip na sagutin niya ko ay bigla niya kong tinalikuran kaya naalarma ako ng magsimula siyang humakbang. 'huwag niyang sabihing Iiwan niya ko rito---Hindi pwede to Ayaw kong maiwan dito gusto ko ng umuwi!'
"Hoy! Panagutan mo ko!!" Tawag ko sa kanya dahilan na mapahinto siya. May Mali ba sa sinabi ko? Dahil kita ng mga mata ko ang panlulumo ng kamao niya.
"What did you say?" Tanong niya pabalik.
Kahit naging malinaw ang sinabi ko sa kanya dahil kami lang naman dalawa ang nandito sa loob ng bodega.
"Sabing Panagutan mo kong Lalaki ka!!" Sigaw ko sa kanya pabalik at kasabay ng pag bukas ng pinto ay ang pagluwa ng tatlong magigiting natauhan niya.
"BOSS NA-------" bungad sana ng Isang may Earing sa tenga.
"Take care of her!" Habilin niya sa kanilang tatlo.
Anong gagawin nila? kinabahan ulit ako. parang may biglang sumagi sa isip ko. Iyong gaya sa palabas na napapanood ko, matapos kang gahasain ay tsaka nila ipapatapon sa ilog o sa kung saan ang buong katawan mo nang magsimula siyang Maglakad ay mas nangamba ako.
"Hoy! Huwag mo kong Iwan dito Matapos ng Ginawa mo Hindi mo ko Pananagutan!!" Naluluhang sabi ko sa kanya ayaw ko sa kanila Natatakot Ako Bakit parang ang dali nilang ipamigay ako.
Ito na ba yun?
"Anak ng! May Nangyari ba na Hindi namin Alam King?" Sabat ng Isa mula sa likuran ng may hikaw na lalaki.
Huwag nilang sabihin hindi nila alam ang nangyari kanina saakin? Bago ako napunta sa sitwasyong Ito.
(AUTHOR NOTE: SO THAT'S THE PROLOGUE ;-) hope you like it. )
Please Comment and Votes :)
~Sakka-san?