IAN P.O.V
Two Days After the Civil Married...
"s**t Hindi ko kayang Mawala si Shanna saakin." Napasabunot Ako Sa Buhok hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala siya saakin.
Siya nalang ang babaeng pinakaiingatan ko.
"Hindi ko kaya..."naluluhang sambit ko
nagsisisi ako na hindi ko kayang sabihin ang totoo dahil natatakot ako. pero siya pa mismo ang nakipag break saakin gusto ko lang naman na unawain niya rin ako na ginagawa ko to para saaming dalawa. pero sana man lang hindi siya bumitaw saaming dalawa dahil hindi ko kaya.
"Gusto ko Lang naman na pakinggan Niya Ang sasabihin ko.." Sabay lagok ng Alak na agad na gumuhit sa lalamunan ko
Nakakailang Baso na ba ako?
Ito ang araw na nakabalik ako sa pag iinom matagala ko ng tinapos ang bisyo ko ng maging Girlfriend si Shanna nangako akong magpapakabait at gagawin ang mga bagay na hindi niya gusto.
"Sir tama na po nakakarami na kayo ng inom!" saway ng bartender na kanina pa panay bigay ng hinihingi kong Alak
"Kaya ko namang bayaran to!Ano tingin mo saakin walang pera?!!" Hasik ko pabalik sa batang bartender
Ano tingin niya saakin hindi kayang bayaran tong Alak?
hindi ako ganun kahirap para pigilan ako sa pag inom.
lalong hindi rin ako lasing.
Alam ko ginagawa ko.
"Pero s----"aawat pa Sana siya ng ihagis ko Ang Bote ng alak
"Kailangan pa ba ulitin ko! kaya kong bayaran ang iniinom ko Hindi ako tatakas!" Inis na sumbat ko kaya pabalyang dinukot ko ang tatlong libo para manahimik na siya.
Istorbo masyado.
Hindi nalang manahimik at sundin ang kailangan ng Costumer.
"Sorry Sir." paumanhin nito tinapunan ko lang siya ng masamang tingin
"Hoy! Huwag ka ngang gumuwa ng Gulo rito." awat ng umiinom rin dahilan upang lumapit ito sa kinaroroonan ko rin
"Ano Paki mo." wala kong paki sa inyo ang gusto ko lang ay magpakalunod ako sa alak
"Eh Gago ka pala eh!"
handa ko na sanang lingunin ang lalaking lumapit sa gilid ko
*Bogsh*
Nang maramdaman ko nalang ang pamamanhid ng Kabilang Pisngi sa ginawa niya.
Sinuntok niya ko.
Hindi ko naman mapigilang Tumawa Sa ginawa niyang pagsuntok sa Mukha ko at binaliwala ang putok ng labi ko.
"Baliw." Natigilan naman Ako Sa sinabi Niya kaya Hindi ko napigilan na tumayo at sapakin rin siya
"Bawiin mo sinabi mo?!" Kasabay na kinuwelyuhan ko siya at balak pa sanang sapakin uli siya ng awatin na Kami ng Bouncer at sapilitan Akong palabasin sa loob ng Bar.
Pinilit ko namang maglakad papuntang Parking lot dahil wala rin namang silbi kong pinalabas na rin naman ako sa loob ng bar.
nang makarating ako sa Kotse ko ay hindi ko napilang mapasandig at mapaupo mas wala pang tutumbas na natamo kong galos ngayon Sa Sakit na binigay ko Kay Shanna natawa nalang Ako Sa kawalan Miss ko na siya Wala nakong balita Sa Kanya kamusta na kaya siya? Ano na kaya pinaggawa Niya? Dalawang Araw ko na siyang Hindi nakikitang Hindi Lumalabas Sa Bording house nila.
Pati Sa Pinagtratrabahoan Niya? Wala kong ibang mapagtanungan? Iniiwasa niya pa rin ba ko? Napayuko nalang Ako epekto ng Mga alak na ininom ko may narinig naman akong Mga Yapak na papalapit sa kinaroroonan ko at ng silipin ko dalawang Pares ng itim na sapatos
"Ian Rick Fuentabella , Tama ba ko?" Napaangat nako ng tingin sa Oras na yun at isang naka Black blazer jacket na lalaki ang bumungad saakin na may nakakalokong ngisi
" Ako nga, Ano Kailangan mo?" Paano Niya ko kilala ni ngayon ko Lang siya nakita
"I'm Tony Chris jee." Nilahad Niya naman kamay Niya Sa harap ko "Chris." pagpapa ikli niya sa pangalan pero sa halip na tanggapin ko ang kamay niya ay tinabig ko lang ito
Wala kong panahon makipag kaibigan sa hindi ko kilalang tao.
"Ano pakialam ko sayo?" Natahimik naman siya ng tumayo ako at handa na sana siyang talikuran ng makapasok sa loob ng kotse ko
"Tungkol kay Shanna Krish lawin." natigilan naman ako sa akmang pagpasok ko para harapin siyang muli
"Anong alam mo kay shan?" Hindi ko naman napigilang kwelyohan siya dahilan para magtaas siya ng kamay na sumusuko.
may nangyari bang Hindi ko alam?
"Anong ginawa mo sa Kanya?" nagtagis naman ang galit sa mga mata ko "sabihin mo nasaan Siya?" hindi ako mapapanatag pag nalamang kong may kinalaman siya kay Shanna
"Wala kong ginawa." mahinahong sagot nito dahilan para luwagan ko ang pagkaka kwelyo mula sa at dumistansiya sa kanya baka ano pang magawa ko napahilamos nalang ako sa mukha dahil sa hindi mapigilang emosyon
"Pero alam namin Kung na saan siya.." dugtong niya kaya hindi ko napigilang kwelyuhan siyang muli kung tutuusin matangkad ako kumpara sa kanya
"Anong binabalak niyo?"nagsisimula na namang may mamuong galit na ano mang oras ay hindi ko mapipigilan
"Hindi Kami Pero Kung saan na siya nakatira ngayon.." suot na naman ang nakakalokong ngiti sa kanya
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ako sa kung anong pinupunto niya
"Wala ka nga palang balita Sa kanya ngayon." Napahigpit naman Ang pagkakakwelyo ko sa kanya
"Anong gusto mong palabasin.." nanggalaiti kong sabi kanina pa ko nagpipigil sa lalaking to
"Sumama ka kung gusto mong malaman lahat." saka niya buong pwersang hinawi ang pagkakakwelyo ko
Ano nga bang gusto nilang palabasin?
Nasaan ba talaga si Shanna?
Bago pa ko makapagsalita ay may humintong sasakyan Sa tapat namin
"Sasama ko o Hindi?" alok nito na nilalahad ang nakatapat na sasakyan niya "ngayon mo pa naman malalaman Ang Mga katanungang bumabagabag sayo tungkol sa Pinakamamahal mo." Kasabay ng pagtapik nito sa balikat ko at naunang naglakad papalapit sa kotse
Hindi ako makapag isipEnglish ng Tama.
"Teka.." natigilan naman siya
"Ayos lang naman Kung Hi---" Hindi ko na siya pinatapos pa
"Sasama Ako." Sagot gusto ko malaman lahat
"Inaasahan kong Hindi ka makakatanggi." na naunang pumasok sa kotse kaya pumasok na rin Ako Sa loob ng sasakyan niya tahimik lang Kami buong biyahe kaya kinuha ko naman Ang Cellphone ko at bumungad Ang Wallpaper namin ni Shanna Kaya napangiti ako bigger naman huminto ang sinasakyan namin
"Nandito na tayo. Sumunod ka." Sumunod nalang rin Ako Sa kanya ng makababa siya
"Nasaan tayo?" Tanong ko ng pumasok sa madilim na lugar
"In the hell!" Rinig kong eccho ng noses niya Hindi nalang ako umimik
"Mr. Jee kanina ka pa hinihintay ni Mister!"sabi ng nakaharang sa pinto at may dala itong malaking baril parang bouncer sa laki ng pangangatawan
"Sige papasukin mo kami!" Saka may pinindot Sa elevator binalingan Niya naman Ako ng tingin at Sabay kaming sumakay pataas
*Ting*
Bumukas naman ang elevator.
"Sumunod ka malapit na tayo." Ang dami namang pasikot sikot Tito at madilim pa tanging yapak Lang Mga sapatos namin Ang naririnig Sa sahig bigla naman siya huminto sa Pulang pinto
Niluwa naman ng maliit na pinto Ang pares ng mata ng bumakas ito Na tanging mata Lang Ang makikita
"Kasama ko siya."sambit niya sa mga nakabantay sa Pinto
Binuksan naman nila ang Pinto kaya nakapasok Kami.
Anong klaseng lugar to?
"Mr. Jee." Napayuko naman Ang lalaking nagpasama saakin kaya napalibot Ako ng tingin may nakita naman Ako sa Hindi kalayuan na malaking Upuan kung saan may nakaupong tao Hindi ko maaninag kung anong Itsura niya dahil na rin sa suot nitong Buong Maskara
"Mister." bati nito at yumuko kaya tinignan ko lang siya sa ginawa niya
"It's you." baling naman ng dumagondong na tinig
"Ano Kailangan niyo saakin?"
"You don't have any idea of what kind of place you are right now." puna nito na nagpaatras saakin
Tama siya wala kong ideya kong anong pinasok ko ngayon.
"Ano ibig mong sabihin?"
"Hindi mo alam na Kasal na siya nung nakaraan na dalawang Araw na ang nakakalipas." Natigilan naman Ako
"Ako ba pinagloloko niyo?" Ano bang pinagsasabi nila
"Buksan mo." kasabay ng pag abot ni Chris ng Envolope saakin kahit nanginginig man sa posibilidad na tanggapin ay buong tapang ko pa ring binuksan ang envelope at nagulat sa nakita
"Inagaw na ang Girlfriend mo Ian kasal na siya sa iba." nabitawan ko naman ang hawak ko dahil sa sinabi ni Chris
"H-Hindi..." hindi makapaniwalang sambit ko
Hindi yun totoo..
Hindi magagawa ni Shanna sakin to..
Nangako kami sa isa't Isa.
Hindi pwede..
Naglalaman yun ng Kopya sa Prenuptial Aggreement nila at nakasulat Ang pangalan ni Shanna paanong?
Ang pangarap ko para saaming dalawa.
"Sinong Lalaki Ang tinutukoy mo?"
"Mr.Vlas." Bigla naman akong nanghina sa sinabi ni Chris
"M-Mr.Vlas.." hindi ko mapigilang banggitin ang sinabi ni Chris
"Mr. Vlas is a Mafia king."
"Anong Mafia?" Anong Mafia Pinag sasabi nila
"Wala kang kunting Idea sa Mafia?" nakakalokong pang iinsulto ni Chris dahilan na tapunan ko siya ng matalim na tingin hindi ko makakalimutan na siya ang dahilan kung bakit nagpauto akong sumama rito
"Bakit Hindi mo nalang diritsuhin."
"Mafia is about criminal organizations in general commonly referred to as "mafias".
"Sinasabi mo bang mamatay tao ang asawa niya?"
"As what you heard."
"Kasapi rin ba kayo ng Mafia?"
Kinakabahan na kasi ako dito gusto ko nang makaalis pero kailangan ko pang malaman ang dapat kong malaman!
"Yea. Mr. Vlas is different from me his my greatest enemy."
"Alam na ba ni shan na Isang Mafia ang asawa niya?"
"What would you thought If he Know." Kinabahan naman ako sa sinasabing nakaupong tao nakakakilabot ang Awra niya
Ano nga bang gagawin nila Kay Shanna Sa Oras na malaman niya Ang secreto niya at Kung Tama man Ang iniisip ko Hindi ko hahayaang mangyari Ang Binabalak nila Kay Shanna Pro-protektahan ko siya Sa abot ng Maka kaya ko
"Kung ganun kailangan kong mabawi sa kanya si shan baka mapahamak pa siya!" Maglalakad na Sana Ako paalis ng Bigla naman may humawak sa dalawang braso ko
"Anong ginagawa niyo?"habang pumipiglas ako
"Bilang Kapalit. Tutulungan mo kaming mapabagsak si Mr.Vlas at tutulungan ka rin namin mabawi ang babaeng hawak ni Mr.Vlas."
"Bitawan niyo ko ayaw ko ng gulo gusto ko lang bawiin si shan sa sarili kong paraan!" Pilit na pagpupumiglas ko
"Tingin mo matutumbasan mo siya ng ganun kadali." Napahinto naman Ako ng may nakatutok na malamig na Bagay Sa Gilid ng Ulo ko
"Don't make a wrong move."
napalunok ako ng may tumutok ng baril sa Sintido ko walang iba kundi si Chris.
Pagtingin ko sa buong paligid maraming tao nakapalibot na may hawak na malalaking baril
ano bang gusto nila?
At Ako pa?
Ano tong pinasok ko?
SHANNA P.O.V

10:30 pm...
~Kruuuu~Kruuuu~kruuuu
"Wahhhh gutom nako!" Hawak ko sa tyan ko Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagkukulong sa kwarto ko Hindi Muna ko Pinayagan pumasok ni lumabas man lang ng Bahay Hindi pwede Wala tuloy akong Ginawa buong maghapon
"Hindi pa rin ba siya Umuuwi? anong oras na ba?" Napatingin naman Ako Sa Relo ko 10:30 pm na pala haysss Ang tagal naman niya umuwi
Dalawang Araw na Lumipas simula ng Lumipat nako Sa Kastilyong Bahay Ni Mr. Vlas heto Ako ngayon habang Nilalaro Ang Mga Daliri ko Ay Bigla naman tumunog Ang Phone ko kaya inabot ko agad naman bumungad Ang Caller
~Calling~
Ano naman kaya Kailangan nito? Di kaya Wrong Call siya??
Bagong Numero kasi?
Hinayaan ko muna Sa unang pagkakataon hindi ko muna sinagot baka Wrong call Kung Kanino man tong Numero?
Pero Hindi Tumigil nag ring pa rin
Kanino naman kaya to?
sinagot ko nalang ng Wala siyang masabi
"Hello?" Sagot ko naman Sa kabilang linya
{ Shan... } napatahimik naman Ako ng marinig Ang boses niya
{ Kamusta ka na? } nangamusta ka pa
"Ayos lang naman ikaw?"
{ Pwede ba tayong Mag usap bukas? }
" Sorry Hindi Ako Pwede ." Tanggi ko.
{ Sasusunod na Araw?}
" Hindi rin Pwede may lakad Ako." Kahit Ang totoo Ayaw ko Lang siya makausap ng harapan
{ Kahit isang Araw Lang Shan. Hayaan mo kong makita at Makausap ka.} bago Niya pinatay Ang tawag .
'Kahit isang Araw Lang shan.'
'Kahit isang Araw Lang shan.'
'Kahit isang Araw Lang shan.'
parang may mali talaga...
~Kruuuu~Kruuuu~Kruuuu
Natigilan naman Ako Sa Pag iisip ng Kumulo tyan ko. baka siguro nga gutom lang to kaya bumaba ako.
————————————————————————————
END OF CHAPTER 14
————————————————————————————
~Sakka-san?