Pagpasok namin sa elevator, tahimik lang ako habang nakatayo sa tabi ng girlfriend ko. Hindi ko na siya tinanong tungkol sa nangyari sa laboratory dahil alam kong napag-usapan na namin iyon, pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang mukha ni Amire. Hindi ko alam kung bakit parang may parte sa akin na ayaw siyang mawala sa isip ko kahit ilang minuto pa lang kaming nagkakilala. "You're quiet." Napatingin ako sa girlfriend ko. Nakatingin siya sa akin nang diretso, at kahit hindi niya pa sinasabi ang tanong niya, alam ko na agad kung ano ang iniisip niya. Hindi siya sanay na tahimik ako kapag kasama niya ako, lalo na kapag may dinner kaming pinaplano. "I'm thinking." "About her?" Hindi ako agad sumagot. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya tiningnan nang diretso, da

