Pagkatapos naming bumalik sa Main Association, agad kong hinanap si Eireen. Hindi ko pa man siya nakikita, alam kong kailangan ko siyang makausap tungkol sa nangyari sa laboratory dahil may isang bagay na hindi ko kayang i-ignore. Hindi 'yong sample ang pinaka-bothering sa akin, kahit alam kong may danger 'yon at kailangan ng proper investigation. 'Yong girlfriend ni Papa. Nakita ko ang reaction niya nang mapansin niya ako. Hindi iyon simpleng curiosity o pagiging protective sa boyfriend niya, dahil may something sa tingin niya sa akin na hindi ko ma-explain. Para bang noong unang makita niya ako, may isang bagay siyang agad na napansin na hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung galit ba siya, nag-aalala, o may ibang dahilan kung bakit parang hindi niya ako gustong malapit sa Papa ko. "AA

