Treinta y cuatro

1268 Words
"Ano ang dapat hindi ko malaman, dad at mommy?" seryoso kong pagtatanong sa magulang ko nang tignan ko sila hindi ako makapaniwalang nabuhay ako sa ilang taon na walang alam sa totoong nangyari sa akin. Baka totoo ang sinabi sa akin nina Eireen, Drake at Harold lalo na't—may anak kami ng babaeng tinutukoy nilang Heiley at si Amire 'yon, 20 years hindi ko alam na may anak ako—may nangungulila akong anak sa nakalipas na taon. Hindi ko siya nakitang pinanganak, naglakad, at magsalita wala siyang naka-gisnang magulang kung iisipin sa tunay nitong edad 200 years. Napatingin ako sa kapatid ko nang magsalita siya sa amin tinignan pa niya ang magulang namin. "Ex mo si Heiley na isang bampira, bro kaibigan mo siya kasama nung Eireen, at Drake na nakita namin noon sa hospital hindi ako pwede magkamali parang hindi sila tumanda dahil sa kanilang pagkatao." sagot ng kapatid ko nabaling naman ang tingin ko sa magulang ko. "Anak!!!" tawag ng magulang namin sa kapatid ko. Nagulat ako sa sigaw ni mommy at daddy sumersoyoso ang mukha ko sa harap nila nang tumingin sila sa akin. "Hindi ko ba pwedeng malaman ang tungkol kay Heiley, mommy? May ginawa ba siya sa pamilya natin para ito ang sukli mo sa kanya?" tanong ko sa mommy ko. "Alam nyo ba—" putol ko nang magsalita si daddy. "Kalahi niya ang pumatay sa ninuno natin! Isang hindi pang-karaniwang bampira at abilidad!" sigaw ng daddy ko sa akin dahil lang dun? "Sabi mo nga, KALAHI! Hindi siya kasali sa gumawa ng pagkamatay nila isisi nyo sa kanya ang nangyari sa ninuno natin? Kuya, mahal ko ba ang tinutukoy nyong Heiley kaya humingi pa kayo ng tulong para mawala ang alaala ko? Na-aksidente ba talaga ako?" tanong ko sa pamilya ko naupo ako, paano si Amire nabuhay nang wala ang ina niya. Ang alam ko, kapag nabuntis ang isang bampira nahihigop ng sanggol ang lakas ng ina kaya namamatay ang inang bampira kapag pinanganak ang sanggol. "Sobra, Leo babalikan mo siya pagkatapos mo mag-bakasyon sa trabaho nun uuwi ka dapat sa Pilipinas kaso, na-aksidente ka at inalis ni Sheena ang alaala mo gamit ng kaibigan niyang mangkukulam." sabi ng kapatid ko at sino si Sheena sa buhay noong panahon na 'yon ang alam ko nakilala ko siya sa trabaho. "Kaibigan mo daw siya noon at niligawan mo daw siya kaso kasabay nun niligawan mo si Heiley hindi ako naniniwala dun dahil si Heiley ang mahal mo at hindi siya inakit ka daw nito para mag-higanti sa pagkamatay ng pamilya nito walang katotohanan ng sinabi niya sa atin, mom nakausap ko ang magulang ni Heiley noon mahal nyo ang isa't-isa ni Heiley." sabi naman ng kapatid ko. Naupo ako sa sahig at sinabunutan ang buhok ko. May mga alaalang bumabalik sa akin nang may banggitin sila sa akin. "Ano pa ang dapat kong malaman?" tanong ko ulit sa kanila. Inangat ko ang ulo ko at tumitig ako sa pamilya ko. "...." "...." "...." "'Yon lang?" sagot ko sa kanila. "..." "Tapos nagka-gustuhan na kayong dalawa ni Sheena," sabi ng kapatid ko sa akin umiwas na lang siya. "Hindi kasalanan nung Heiley na kalahi nito ang pumatay sa ninuno natin, dad at mommy ibig bang sabihin kapag pinatay ng lobo ang kapatid ko magagalit na rin kayo sa kalahi nito?" tanong ko. "...." "Wala kayong masagot dahil totoo, hindi lahat ng nilalang masasama kung saan ako nag-tratrabaho iba't-ibang nilalang nasasalsmuha ko masasama ba sila?" sagot ko sa kanilang hinaing sa kanilang nararamdaman. "Si Sheena, ang lahi niya maraming pinatay noon na katulad natin pero, bakit hindi nyo siya sinisisi?" pahayag ko sa magulang umiwas sila ng tingin ngayon nilalabas ko ang gusto nila malaman. "..." "...." "Wala kayong masisisi dahil namatay na sila? Kaya sa sinasabi nyong Heiley sa kanya nyo sinisisi ang lahat." sabi ko. "Wala na ang Heiley na 'yon ngayon alam nyo ba kung, bakit?" nasabi ko na lang sa kanila. "...." "..." "Leo, tama na ang nalaman mo ang totoo kung bakit ka nawalan ng alaala mali man ang nangyari." nasabi ng magulang ko. "May apo na kayo sa kanya sabi nila Eireen kaso hindi ko alam kung sino, at ewan ko na lang kung tatanggapin nito ang ganyang sagot kapag narinig nito ang ginawa nyo sa amin ng ina niya." sagot ko. Hinila ako sa kamay ng mommy ko nang marinig nila ang sinabi ko. "Sino?" tanong nila sa akin. "Sino ang anak mo sa babaeng 'yon?" tanong ng mommy ko sa akin umiwas ako ng tingin dahil ayokong sabihin sa kanila kung sino mas gusto ko na sila ang maka-alam nito. "Hindi ko din alam kung sino ang anak daw namin ayoko na rin ito guluhin pa dahil may sarili na itong buhay panigurado kung ano man ang relasyon namin wala na." sagot ko sa kanila at tumayo ako ang gagawa ng paraan para bumalik ang alaala ko sasabihin ko kina Harold at Eireen ang nalaman ko tungkol kay Sheena. "Leo," tawag ng magulang ko sa akin nang lalabas na ako ng kwarto. "Hindi mababago ng paghingi nyo ng sorry ang nangyari na," pahayag ko sa magulang ko. "Ano ba ang ginawa kong mali para suklian nyo ng ganito ang buhay ko? Hindi ko man lang nakitang lumaki ang anak ko daw kay Heiley gusto ko nang tahimik na buhay ngayon huwag nyo na papakialaman ang buhay ko ngayon malaki na ako para magkaroon ng pamilya." sabi ko na lang sa magulang ko nang balingan ko sila nang tingin. "Masaya na ba kayo? Masaya na ba kayo ang taong ayaw nyo nagbigay ng buhay sa apo nyo, sana isipin nyo ang naging kalagayan ng apo nyo ngayon wala siyang nakilalang ama sobra kayo inalisan nyo pa ako ng alaala at gumamit pa kayo ng ibang tao mula ngayon wala na akong magulang na katulad nyo." sigaw ko wala na akong pakialam kung maririnig ng mga pamangkin ko sa labas ng kwarto. "Leo!" sigaw ni daddy at sinampal niya ako sa mukha. "Son..." tawag ni mommy sa akin umiiyak sa harapan namin alam kong matanda na sila maka-sarili silang magulang kahit sabihin sa ikabubuti ko ang ginawa nila. "Dad!" tawag ng kapatid ko sa daddy namin na sumampal sa mukha ko. "Mahal ko na si Sheena, pero kapag nalaman ko ang lahat ng kasinungalingan niya sa relasyon namin hindi ako mag-dadalawang-isip na makipag-hiwalay sa kanya ayoko sa mga manloloko!" sabi ko at umalis na ako hindi madaling mag-patawad lalo na nakikita ko sa mukha ng anak ko na ayaw niya sa akin at sa pamilya ko. Tuloy-tuloy akong lumabas ng bahay ng kapatid ko at tumawag ako ng grab taxi gamit ang online. Sa nakalipas na taon marami nang nagbago bumuntong-hininga na lang ako ilang minuto lang dumating na ang grab taxi pumasok ako sa loob at sinabi kung saan ako pupunta. Tahimik lang ako sa loob ng taxi nag-text ako kay Erika, Harold, Eireen pati kay Drake kahit hindi ko ito ka-vibes kung pwede kami mag-usap ng kami lang. Nang makarating ang taxi sa tapat ng hospital bumaba na ako at naglakad papasok sa loob binati pa ako ng nurses na naglalakad ngumiti lang ako sa kanila. Pumasok ako sa elevator at pinindot ko ang underground floor na ang agents at limitadong doctor lang ang pwede magpunta. Humalukipkip naman ako ng kamay ko at iniisip ang sasabihin ko sa kanila. Nang bumukas ang elevator nakita ko pa ang mga agents na nag-papatrol sa buong hallway at sumaludo pa sila sa akin nang makita ako tumango na lang ako bago hinanap sina Eireen, Drake at Harold.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD