Hinanap ko sa itaas si Eireen dahil ang duty niya sa ward ng mga humans.
"Nandito ba si Ms. Foster?" bungad na pagtatanong ko sa nurse station ng hospital.
"Wala siya, doc hindi pa siya pumupunta." tukoy kaagad sa akin ng nurse at tumango na lang ako bago tumalikod sa kanila.
Nasaan kaya sila?
Nag-text ako kay Zas kung nasaan ito ngayon nakatanggap naman kaagad ako ng reply kaya nagmamadali akong magpunta sa opisina niya dito sa ibabaw. Kumatok muna ako at may nagsalita sa loob binuksan ko ang pintuan, bumungad sa akin sina Zas at Eireen na magkasama.
"Magkasama lang pala kayong dalawa," sabi ko sa kanilang dalawa at sinarado kaagad ang pintuan bago ako sumandal dito.
Nakita ko na tumitig sila sa akin at pagkatapos parehas na umiling sa harapan ko.
"Ano ang tingin na 'yan?" tanong ko sa kanilang dalawa at lumapit na ako.
"Bakit mo kami hinahanap ni Eireen?" tanong ni Zas nabaling naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko pwedeng sabihin ang nalaman ko na kasama si Zas kaya tinignan ko si Eireen ng seryoso at kaagad na umiwas ng tinignan niya ako.
"Pwede mo ba kami iwanan ni Leo, Zas paki-tawag na rin sina Drake, miss Erika at Harold may importante kami pag-uusapan," banggit ni Eireen nang tignan niya si Zas nang magka-titigan sila nakamasid lang ako kung ano ang mangyayari.
Tinignan niya si Eireen at tumingin din siya sa akin.
"Tungkol ito sa laboratory ang sasabihin ko kay Erika kaya hinahanap kita wala akong alam dyan." kaila ko kaagad alam kong nabasa ni Eireen ang nasa isip ko.
"Okay?" sagot ni Zas na hindi pa rin naniniwala sa akin.
"Sige na, Zas may gusto lang ako itanong sa kanila kapag nasalubong mo si Sheena huwag banggitin na kasama natin si Leo," sabi ni Eireen nang tumitig siya kay Zas binalingan ko ng tingin ang dalawa bago umalis si Zas.
"Alam ko na ang totoo, Eireen may kasabwat na kauri mo si Sheena at ginamit nito sa akin para mawala ang alaala ko." panimula ko naman nang mabaling ang tingin ko kay Eireen.
Tumayo siya sa harapan ko at hinawakan niya ang ulo ko bumitaw siya kaagad nakita ko napangiwi siya ng lumayo.
"Isang sorcerer na gumagamit ng itim na mahika, ang gumawa ng ganito sa'yo hindi pa ako malakas katulad ni Harold at Erika para mabasa ang alaalang naka-silyado sa loob ng utak mo," bulalas ni Eireen at umupo siya sa couch inalalayan ko naman siya para umupo.
Sinabi niya sa akin na pwede may iba pang kasabwat si Sheena kung ganun ang hindi namin maisip, ano ang nagawa naming masama kay Sheena para gumawa ng hindi maganda sa akin?
Napalingon kaming dalawa sa bumukas na pintuan nakita namin sina Drake, Erika, at Harold hindi ko napigilang tumawa dahil sa kanilang itsura. Natawa na din si Eireen dahil sa itsura ng mga kaharap namin.
"Anong nangyari sa inyo at ganyan ang ganyan ang itsura nyo?" tanong ni Eireen sa kanila tumatawa pa rin kami sa kanilang tatlo.
"..."
"..."
"..."
"Ayusin nyo ang sarili nyo," sabi ni Eireen huminto naman ako sa pagtawa huminga na lang ako umusog ako nang bahagya sa tabi ng mesa.
Pumasok ang tatlo at pumunta sa banyo si Erika habang nakatayo sina Drake at Harold.
"E, bakit mo kami hinahanap 'yon ang sinabi sa amin ni Zas nang makita kami at bakit nandito si Leo may nangyari ba huwag mong sabihin may nang—" putol ni Drake nang hagisan siya nang takong ni Eireen natawa ito nang sumapol sa noo tumawa na ako dahil hindi ko napigilan.
Lumabas na sa banyo si Erika at sumunod na pumasok sa loob si Harold umatras pa nang tatapikin siya ni Erika alam kong may nakaraan sila kwento sa akin noon ni Erika pero hindi ko naisip na magkikita ulit silang dalawa. Tumahimik na lang ako sa kanilang harapan at ngumiti sa asaran nila para sila mga batang paslit.
Sumunod si Drake kay Harold nang matapos ito gumamit ng banyo hinintay lang namin siya matapos bago kami mag-usap.
"Saan nagpunta si Zas?" pagtatanong ko naman sa kanila.
Hindi ko na nakitang pumasok sa loob at sinabi ni Erika na tinawag ito ng isa sa agent sa ibaba kaya hindi nakasunod kaagad sa kanila. Hindi ko kaagad napansin ang paglabas ng banyo ni Drake umupo ito sa tabi ko nang biglaan.
Nag-kwento ako ng natuklasan ko mula sa pamilya ko at tungkol din sa ginawa sa akin ni Sheena at nang kasabwat nitong sorcerer daw. Lumapit sa akin si Harold at hinawakan ang ulo ko nasilaw ako nang makakita ako ng liwanag mula sa ibabaw. Pumikit na lang ako at nakita ko ang mga alaala hindi pamilyar sa akin hindi ko maintindihan ang sarili ko at may naramdaman akong panghihinayang saka, pangungulila sa taong kasama ko.
Nagmulat ako at bumungad sa akin ang mukha nila parang hindi makapaniwala.
"Naalis mo na ang silyado sa alaalang inalis nila sa kanya?" tanong ni Drake nagtataka naman ako reaksyon nito minasmasdan pa rin nila ako.
"Tissue oh..." sabi ni Erika at inabutan ako humawak ako sa pisngi ko hindi ako makapaniwalang may basa ang mukha ko.
"Wala na ang silyado, at alam ko na kung sino ang sorcerer na gumawa nito sa kanya dati namin kasamahan noon ang hindi ko lang mapaliwanag kung bakit kay Sheena siya umanib dahil alam ng lahat sa angkan namin na kauri ni Sheena ang pumatay sa pamilya niya niligtas siya ni Señior Dracula para mabuhay siya," sabi ni Harold sa amin pinunasan ko ng tissue ang mukha ko nabigla naman ako sa nalaman mula sa kanya.
Sinabi sa amin ni Harold kung sino ito hindi kaagad nagsalita sina Erika at Eireen kilala nila ang pangalan na binanggit nito sa amin.
"Siya kaya ang isa sa kasabwat ng boss sa gumawa ng virus?" bulalas ko na lang sa kanilang harapan napa-isip na ako marunong gumawa ng gamot ang angkan nila.
Nabaling ang tingin nila sa akin at natawa naman sila kaagad wala naman nakakatawa sa sinabi ko.
"Siya rin kaya ang kasabwat ni Sheena sa pagkalat ng virus kasi siya ang pinag-hihinalaan namin ni Amire iba ang pakiramdam namin sa kanya nung unang pagkikita pa lang namin sa totoo lang, nagagalit na ako, ano ang ginagawa ni Heiley sa kanya para galawin niya ang kahinaan nito?" pahayag ni Drake sa harapan namin at gusto ko na kaagad umalis para sabihin sa anak ko na may bumabalik na sa alaala ko.
Lahat kami nabaling ng tingin dahil sa sinabi ni Eireen at napa-isip ako sa sinabi niya. Ginamit ako ni Sheena para sa kanilang plano gusto niya mapalapit sa Association at nagpanggap na iba siya sa mga kauri niya. Hindi ko aakalain na magagawa nila ito para sa kanilang plano wala silang kamalay-malay na may madadamay sila pamilya.
"Pero, Drake hindi mo ba naisip noon niya pa ginawa ang pagkuha kay Leo kay Heiley—ibig sabihin, may balak na sila ng mga kasabwat niya na magkalat ng virus nag-plano na sila noon pa—" putol ni Eireen nang sumabat si Drake sa sinabi niya.
"Eh, kung noon pa, bakit dinamay pa niya si Leo noon wala siyang kinalaman sa Orgs natin sa Pilipinas mga civilians sila sa Baguio," sabi ni Drake natahimik silang lahat maski ako napa-isip sa sinabi nito.
May mga mata na ang kalaban sa iba't-ibang panig ng Association at Organization at sigurado natuklasan ng kalaban kung sino ako noon sa buhay ng isa sa bampira na miyembro nito.
Sinabi ko kaagad sa kanila ang nasa isip ko nabaling pa ang kanilang tingin saka, pinitik ni Harold ang kamay niya.
"Pwede, kaso, Leo mahigpit ang securities ng Organization kaya paano nila malalaman kung sino ka sa buhay ni Heiley," bulalas ni Harold sa aming lahat at nagsalita si Eireen.
"Hindi posible, Harold ang Pilipinas open na may ibang nilalang namumuhay sa mundo tanggap nila tayo panigurado ginawa ni Sheena ang ganito at nakilala niya ang kung sino ang kahinaan ng miyembro sa organization natin," sagot ni Eireen sa amin ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa pag-tanggap ng kapwa ko sa kanila nang bansang sinilangan ko.
"May pinaka-boss pa namumuno sa kanilang ginagawa ang hindi ko lang nalaman sa naiwang alaala ni Leo, naging blangko wala akong mahanap sa palagay ko gumawa na kaagad ng paaran ang demonyong 'yon kung sakaling mabuko ang kanilang ginawa kay Leo," nasabi ni Harold nagka-titigan kaming dalawa gusto ko makilala si Heiley kahit sa kwento lang.
"Oo, 'yon din ang hinala ko sa pagkalat ng virus sa buong mundo isa sa lahi ni David at nang lahi ang pinag-hihinalaan ko dahil sa natuklasan ko sa kaibigan ni David tapos malalaman ko pati si Sheena isa sa kanila tapos ang mailap na si Amire ang muntik nang mamatay sa kamay niya," sabi ni Erika sa amin lahat kami tumahimik sa sinabi niya at naalala ko ang strange kong anak na may galit sa magulang ko at sa akin.
"Putang ina siya! Mapapatay ko siya kapag inulit niya 'yon kay Amire kahit malakas pa siya sa akin—at isa siyang babae!!!" sabi ni Drake nabaling pa ang tingin niya sa akin umiwas ako nang tingin.
"Kalma! Wala dito ang kaaway mo." sagot ni Eireen sa kanya at hinawakan ang balikat nito.
"May lunas ba sa rare disease na meron ang anak ko?" tanong ko sa kanila at tumawa sila nang sabay sa sinabi ko, anong nakakatawa?
"Walang sakit ang anak mo, Leo katulad lang ito ng allergic sa mga katulad mo ang meron sa kanya walang lunas dito kundi lumayo lang ang kauri ni Drake sa kanya," sabi ni Eireen akin nakita ko na tumingin ito kay Drake.
"Parehas sila ni Heiley ng powers, Leo at walang lunas sa ganito kundi lumayo lang kami nang ilang kilometro para hindi siya mapahamak." tukoy naman ni Drake sa akin humalukipkip ako ng kamay at nag-dekwatro ako ng upo.
"May paraan kung makaka-gawa tayo ng gamot para sa ganitong bagay kaso mahirap gawin kasi ang pasyente natin ang isusugal para malaman kung magiging epektibo ang gamot," sabi ni Harold nabaling ang tingin nila sa kanya walang nag-react.
"Kaya ayaw namin sumang-ayon sa suggestion niya at noon pa niya ito sinasabi sa amin kahit pag-samahan nyo pa ang pagiging doctor mo at sorcerer namin hindi kakayanin," tugon ni Eireen sa aming lahat bumuntong-hininga na lang ako.
Hindi ko muna ito pag-tutuunan ng pansin dahil gusto kong mawala muna ang kumakalat na virus sa mundo tinulungan na kami ni Queen Maria Vero para mapadali ang pagbabago. Kapag napatunayan kong si Sheena ang dahilan kung bakit nagka-ganito ang buong mundo hindi ko siya mapapatawad.
Aayusin ko ang relasyon ko sa anak ko kapag umayos na ang sitwasyon sa buong mundo.
"Anong gagawin ngayon kung tama ang hinala nyo kay Sheena at sa kaibigan ni David?" tanong ko sa kanilang tatlo humarap sila.
"Huwag tayo magpa-halata na may nalalaman na tayo sa kanilang ginagawa kundi hindi natin malalaman ang susunod nilang gagawin." nasabi na lang ni Harold sa amin sumabat si Drake.
"Sino ang mag-mamatyag sa kanila?" pagtatanong ni Drake sa amin at kay Erika.
"Ako kay Sheena—kaming dalawa ni Leo para hindi siya maka-halata tapos ikaw sa kaibigan ni David marunong ka naman magtago ng emosyon at galaw, hindi ba? Tapos si Eireen at Harold sa buong paligid ng Association kasama si Amire alas natin siya." sagot ni Erika kumunot ang noo ko sa narinig sa kanya.
"Alas si Heiley sa Organization sa Pilipinas kaya siguro ikaw ang tinarget ni Sheena nalaman niya kung sino si Heiley ang hindi niya alam may papalit sa pwesto nito at anak nyo pa," sagot ni Eireen sa akin nang mabaling ang tingin ko.
Nang sabihin ko sa kanila ang nalaman ko pa tungkol sa ginawa ngagulang ko umalis na si Erika at Drake tinawag sila ng agent na kumatok sa pintuan. Nabaling na lang ang tingin ko sa mga kasama ko naiwan bumuntong-hininga na lang ako.