Chapter Forty Three Alas dose ng tanghali ang flight ni Yoko at usapan nila ni Travis ay dapat alas siete pa lang ay nakahanda na ang mga bagahe niya dahil alas otso siya nito susunduin. Natapat naman kasi ng Biyernes ang flight niya kaya alam nilang dalawa na traffic sa mga dadaanan nila kahit magshortcut pa sila. "Paakyat na ako riyan. Naka-ready na ba ang mga dadalhin mo?" tanong ni Travis sa kanya. Naka-loud speaker lang ang phone ni Yoko dahil kasalukuyan pa lamang niyang isinasara ang zipper ng pangatlong maleta niya. "Patapos na. Sandali, magsa-sapatos na lang ako," hingal na hingal na sagot ni Yoko sa nobyo. "Okay, good. Ang galing talaga ng baby ko na 'yan. Mamimiss ko 'yan," tugon pa ni Travis. "Heh!" inis na tugon lang ni Yoko sa nobyo. Agad siyang naglagay ng powde

