Chapter Forty Two "Ang seksi naman ng baby ko sa suot niya," puri pa ni Travis habang naglalakad sila ni Yoko papunta sa kotse. "Siyempre. If I have it, I will flaunt it," mabilis na tugon ni Yoko na may pagyayabang pang kasama. Napangisi naman si Travis. "Oo nga eh. Nakakagigil," komento pa ni Travis. "Gusto mo bang ako ang manggigil sa'yo?" tanong naman ni Yoko. Nginitian lang naman siya ni Travis at inakbayan pa. Ginamit nila ang kotse ni Travis papunta sa bahay ng mga magulang niyo na nasa Bulacan. "Maayos naman ba ang damit ko? Hindi naman ba ako mukhang p****k?" tanong ni Yoko pagkababa nila sa kotse. Natawa naman si Travis sa tanong sa kanya ni Yoko. Nasa tapat na kasi sila ngayon ng bahay ng mga Maghari. "Ang ganda mo. Hindi ka mukhang p****k, Yoko. Tara na?" tugon

