(Triz's POV) Kanina pa akong nakatingin kay Daun habang natutulog siya at hindi ako bumababa ng sasakyan kahit kanina pa kami nandito sa lugar na pinagdalhan ko sa kanya. Mukang malaki ang problema niya ngayon, malalim ang mga mata niya and she looks so troubled. Knowing her? She wont waste a second calling me for nothing. Hinding-hindi niya ako tatawagan para lang sa kung ano-ano, and her calling me is new for me kaya alam ko na kaylangan niya ng tulong. Napatingin din agad ako sa phone ko na biglang tumunog kaya kinuha ko agad iyon at sinagot. "Hello Miss Austria? Naayos na po namin ang kalat," report sa akin ng taong tinawagan ko para linisin ang ebidensya ng pagtakas namin ni Daun. "Good. Thanks," I answered. Ibinaba ko rin agad ang tawag after that and I rest my back on the seat

