Chapter 1
(Third person’s POV)
"Nandyan na ang DFEAR!"
Hiyaw ng isang estudyante ng makita nito ang kilalang-kilala nilang sasakyan na papasok na ng academy, dahilan para magkagulo ang lahat ng mga estudyante sa DFEAR academy. Ang DFEAR Academy ay isang paaralan na ipinangalan sa mismong DFEAR ng kani-kanilang mga magulang na magkakasosyo sa negosyo. Alam kong nagtataka kayo kung sino sila pero ang DFEAR ang limang pinakasikat na mag-aaral ng DFEAR Academy. Sila ‘yong mga tipong tinitilian, hinahangaan, inaabangan, hinahabol-habol, kinatatakutan, iniilagan at pinagpapantasyahan ng mga umiidolo sa kanila. At sa academy na ito? Sila ang batas.
Nangunguna na sa listahan nila si Ravon Mendez, siya ang pinaka-matanda sa kanila pero siya rin ang pinaka-matinik sa mga chicks. Siya ‘yong tipong kabi-kabila ang mga nagkakandarapang babae at marami na siyang niloko, pinaiyak at winasak. Kaya kung ako sa inyo, kung ayaw niyong masaktan ay dapat kayong mag-ingat.
Ikalawa naman sa listahan nila si Arkyv Verces, isa siya sa pinakatahimik sa apat, pero siya rin ang isa sa mga pinaka-delikado, kung bakit? Walang sinuman ang nakakaalam. Sa grupo nila ay siya rin ang pinakahinahabol-habol, dahil na rin siguro iyon sa pagkasuplado niya na tila gustong-gusto rin ng mga kababaihan.
Isunod naman natin si Erlon Dela Rey na siya namang pinaka-bad boy sa kanila. Siya ‘yong tipong ang hanap palagi ay gulo, at siya ang pinaka-malakas ang trip sa kanila. Siya rin ang lalaking walang pakialam sa ibang tao basta masaya siya. Kaya kung ako sa iyo ay magi-ingat ka baka mabiktima ka rin nya.
At ang ika-apat naman na myembro ng DFEAR ay ang pinaka-sikat at pinaka-gwapo sa lahat. Asset din siya ng grupo nila lalo na at siya ay isang modelo. Siya rin ang pinaka-gwapong gwapo sa sarili sa kanila. Siya ‘yong taong hindi makuntento kapag hindi nakikita ang sarili niya sa salamin. Siya ‘yong taong conscious na conscious sa sarili na kabaligtaran naman ng kapatid niya, at siya ay si Fearless Blaze Varcon.
Curious ba kayo sa kukumpleto sa lima? Siya naman ang pinaka-namumukod tangi sa lahat, siya ‘yong tahimik pero delikado, pinakasira-ulo at pinaka-mina ng gulo, hindi pala-salita pero lahat ay kinatatakutan ang isang to. Siya rin ‘yong tipo ng tao na banggain mo na ‘yong apat na kasama niya pero huwag lang siya. At siya rin ‘yong tipong walang palalampasin kahit sino ka pa. Nagiisang babae siya sa grupo pero siya ang pinaka-matigas ang ulo. Siya si Dauntless Blaire Varcon, kakambal siya ni Fearless. At siya ang babaeng hindi marunong matakot sa kahit kanino, bagkus ay siya pa ang katatakutan mo. Hindi mo gugustuhin na mapabilang sa warning list ng kanilang grupo, kaya kung ako sa’yo ay huwag na huwag mo silang babanggain kung hindi ay tapos na ang maliligayang araw mo.
(Ravon's POV)
"Ravon!"
“Arkyv baby! Marry me!"
"Look at me, Erlon!"
"DFEAR!"
Natawa na lang akong muli dahil sa malalakas na hiyaw ng mga kababaihan na nagaabang sa amin dito sa gate ng academy. Hindi lang kababaihan ang makikita mo dyan kundi pati na rin ang mga kalalakihan na tinamaan din sa amin. Iba talaga ang alindog ng isang Ravon.
Hindi ko na rin naman sila pinansin dahil lalo lang silang magiingay, at saktong-sakto naman na natahimik ang mga naghihiyawan ng pumasok na ang kotse ng kambal na Varcon sa gate. Lahat din sila ay agad na tumabi at lumayo sa amin. Otomatikong nagbigay din sila ng daan para sa sasakyan na papasok. Nakababa na rin naman kami ng sasakyan at nakapag-park na rin kami ng kotse sa carpark, hinihintay na lang talaga namin ang kambal na Varcon.
"Dude?" hiyaw ni Fear sa amin sabay kaway pagkaparada niya ng auto nila.
Tumalon lang din naman agad si Daun palabas ng sasakyan nila saka siya lumapit sa amin, habang naiwan naman si Fear doon at siya na ang nagbaba ng hood ng auto nila saka rin siya lumapit sa amin. Automatic naman na lalong lumuwag ang daan ng lumapit si Daun sa amin. Walang makasigaw sa kanila at walang makagawa ng kahit anong ingay.
Pinanonood lang nila kami ng tahimik at para silang mga estatwa na nananatiling nakatayo sa pwesto nila. Hindi naman nagtagal ay lumapit na rin si Fear sa amin, kumaway lang din naman sila sa kanya pero walang sumigaw, bawal kasi ‘ypn lalo na at kasama namin si Daun. That's the number one rule of DFEAR squad, don't annoy Dauntless or else your life is over. Kahit kami nga ay inuupakan niyan kapag naiingayan siya, sila pa kaya? Unang nakipag-fist bump si Fear kay Arkyv, sunod kay Erlon bago pa sa akin, si Daun naman ay nakatingin lang din sa amin.
"Leave," mayamaya ay sabi ni Dauntless.
Agad din naman akong napatingin sa mga estudyante na nakapalibot sa amin at pinanood ko na lang din silang magtakbuhan palayo. Natawa na lang din ako sa kanila, talaga namang ibang klase ang pinsan kong ito. In this school Dauntless is the boss, whatever she say o kahit anong ipagawa niya sa’yo ay kaylangan mong sundin or else its play time. Bakit? Sino nga ba si Dauntless?
DFEAR stands for Dauntless, Fearless, Erlon, Arkyv and Ravon. Magkakaibigan kami simula pa lang noong mga bata pa kami, ito ay dahil na rin sa mga magulang namin na magkakasosyo sa negosyo at tinawag nila itong DFEAR group of companies. And this academy is DFEAR academy, ipinangalan din ito sa amin ng aming mga magulang ng ipatayo nila ito.
DFEAR consist of four boys and Dauntless is our only girl, pero siya ang pinakasikat sa aming apat. Kambal sila ni Fear, pinsan nila ako, at magpinsan sina Erlon at Arkyv. May banda rin kami at may gig din kami madalas sa bar ni Erlon. Masasabi ko ring sikat kami kahit saan, dinaig pa nga namin ang mga artista, isang dahilan na noon ay ang pagiging model ni Fear. Ewan ko ba naman kung bakit naging model yang tukmol na yan e kung tutuusin naman ay mas gwapo ako sa kanya. Tsk.
DFEAR was leaded by me, tutal ako naman ang pinaka-gwapo, gwapo, hot, pogi at gwapo ay tinanggap ko na ang offer nila. And DFEAR has only one rule, and that is never break our rules. Our punishment? It depends upon Dauntless. There are also 3 warnings kapag nilabag ng rules namin and the third one depends upon Dauntless also. Maimpluwensya rin ang grupo namin dahil sa alindog at karisma ko, at kapag nalaman ni Fear na sinabi ko iyon ay siguradong kokontra na naman ang tukmol kong pinsan. DFEAR is also highly honorable, well? Dahil na naman sa karisma ko yan.
"Hoy? Nangangarap ka na naman dyan! saan daw tayo mamaya?" hiyaw ni Erlon sa akin.
Napangiti na lang din ako sa kanya para asarin siya saka ko lang namalayan na nakarating na agad kami sa room namin.
"Nakatingin ka na naman kasi sa palda hay*p ka!" muling hiyaw ni Erlon sa akin.
"Tutugtog tayo di ba?" hiyaw ko rin sa kanya.
Iba talaga kapag pinaka-gwapo, palagi na lang pinagiinitan. Natahimik lang din naman kami ng mayamaya ay lingunin kami ni Daun na nakasandal sa may bintana at nakatanaw sa labas. Masama ang tingin niya kaya napakamot na lang din ako sa ulo ko. Kaylangan nating magpakumbaba, boss ‘yon eh.
"Tingnan mo ‘to Daun, sabi ko sa’yo panay palda ang inaatupag ng halimaw na ‘to eh," agad na sumbong ni Erlon kay Daun.
Tiningnan ko lang din naman siya ng masama habang nakapoker-face lang si Daun na nakatingin sa amin. Napakamot na lang din naman ng noo si Erlon dahil doon.
"Tumahimik na nga kayo, may appointment tayo mamaya puro kasi kayo babae eh," sabad ni Arkyv sa amin.
Nagkatinginan lang din naman kami ni Erlon saka kami napalingon kay Arkyv na nakatingin lang din sa amin. Wait, hindi ba sa bar? Saan kaya?
"Basta, mamaya na," singhal niyang muli sa amin.
Bumalik din agad siya sa pagtungo niya sa desk niya habang si Daun ay bumalik na sa pagtanaw niya sa bintana. Natahimik na lang din naman kami ni Erlon habang busy pa rin naman si Fear sa salamin na hawak niya.
(Dauntless's POV)
"Saan ka pupunta, Daun?" agad na tanong sa akin ni Fear ng marahil ay mapansin niyang naglakad ako palapit sa pinto.
"Diyan lang," tipid kong sagot sa kanya saka ako tuluyang lumabas.
Dire-diretso lang din naman akong naglakad at dahil doon ay agad na nagpulasan ang mga estudyanteng nakakalat sa paligid. Napaka-boring naman kasi ng ganitong buhay. Wala na bang bago? Wala bang mas masaya bukod sa panti-trip? Nakakainip naman ‘yong ganoon, paulit-ulit na lang.
"Hoy? Kinakausap kita ‘di ba?"
Napalingon agad ako sa puno na malapit sa music room na pupuntahan ko sana, ng may marinig akong sumigaw mula doon. Nakita ko rin naman kaagad na may apat na lalaking pinagti-tripan ang lalaking nakaupo sa ilalim ng puno at nagbabasa ng libro. He’s a typical nerd, kung titingnan mo siya. Marahil ay newbie, hindi niya kasi alam na bawal dito.
Makanood na nga lang muna tingnan natin kung anong gagawin niya. Sumandal na lang ako sa puno na malapit sa akin habang patuloy sila sa pantitrip sa lalaking ‘yon. Hindi naman sila pinapansin noong lalaki at hindi rin sila nito pinapatulan, nakakatawa lang tuloy sila.
"Hoy? Saan ka pupunta?" hiyaw ng isa sa apat ng tumayo na ang lalaki at hindi pa rin sila pinansin.
Sinundan pa rin naman siya ng isang lalaki at pinagbabatukan siya, sinipa rin naman agad siya noong isang lalaki at kinuha pa noong isa ang libro niya at inihampas iyon sa kanya. Bakit hindi man lang siya magmakaawa na tigilan na siya? Gaya ng iba? Inalis ko na lang ang likod ko mula sa pagkakasandal sa puno at saka ako lumakad palapit sa kanila. Binatukan ko rin kaagad ‘yong lalaking nalapitan ko saka ko tinadyakan ‘yong isa pa. Agad din naman silang napatingin sa akin at nakita ko rin kaagad ang gulat sa mga muka nila.
"Ano? Manti-trip pa kayo malapit dito? Mga damuho kayo? Layas!" hiyaw ko sa kanila.
Pinagtatadyakan ko rin silang muli habang hindi sila magkaintindihan sa pagmamadali nilang umalis.
"Sorry Dauntless, sorry!" agad nilang hiyaw.
Kanya-kanya na rin sila ng takbo palayo dito. Mga duwag naman pala ang lalakas ng loob na dito pa gumawa ng kalokohan. Napailing na lang ako saka ko dinampot ang libro ng lampang lalaking naiwan dito saka ko ibinigay iyon sa kanya. Kinuha niya lang din naman agad ang libro sa akin saka siya agad umalis, leaving me here, clueless.
Okay? What the hell? Naiwan na lang akong nakatanga sa kinatatayuan ko, kaya agad ko siyang hinabol ng tingin pero wala akong masabi. I was stunned at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, hindi man lang din siya nag-thank you matapos ang ginawa ko. Ang kapal ng mokong na ‘yon ah? Sino kaya ‘yon? Hindi niya ba ako kilala?
-------------------------------
Sino nga kaya ang labo na ‘yon? Hindi ko pa ulit siya nakikita matapos niya kong iwan doon sa may music room kanina. Ang kapal niya talaga, hanggang ngayon ay umiinit ang ulo sa kanya. Si Dauntless Varcon iniwan niya lang doon ng walang pasalamat? How dare him? Hindi niya ba alam na lahat dito ay nagkakandarapa na makasalamuha ako? Ang kapal talaga, humanda talaga yang si labo sa akin. Ang labo niya, kasing labo ng mata niya. Wait? Bakit ba apektado ako sa mokong na ‘yon? Weird. Hindi ba ayoko naman talaga ng atensyon ng kahit na sino?
"Hoy, Dauntless?"
Sinapak ko agad si Erlon matapos niya akong sigawan sa tenga ko na ikinagulat ko rin, agad din akong napatakip sa tenga ko saka ko siya tiningnan ng masama habang iniinda niya ang sapak ko sa kanya. Sira ulo talaga ang taong to.
"Aray! Bakit mo ko sinapak?" malakas niyang angal habang sapo-sapo niya ang pisngi niya.
Tinawanan lang din naman siya noong tatlo doon habang naglalakad na kami palabas ng academy. Tiningnan ko lang din naman siya at halatang-halata talaga sa kanya na nasaktan siya.
"Tulala ka kasi, kinakausap kaya kita," muli niyang hiyaw habang sapo-sapo niya pa rin ang pisngi niya.
Tulala ako? Bakit naman ako matutulala? Hindi na ako sumagot sa kanya at binalingan ko na lang din ang tatlong kulugo na tawa ng tawa, agad din naman silang napatigil sa pagtawa nila saka sila naglakad ng maayos na parang walang nangyari.
"Ife-feature nga si Fear sa isang magazine hindi ba? Kasali tayo sa magazine na ‘yon, its all about his life. Bullshit ka talaga Erlon, bakit ba kasi si Daun pa ang kinukulit mo?" mayamaya ay sabad ni Arkyv sa amin.
Inakbayan din agad niya si Erlon saka sila naunang lumakad sa amin kaya hindi ko na sila pinansin pa.
"Ganoon ba?" Erlon said again.
Hinayaan ko na lang din sila, at hindi ko na sila pinansin. Nagmamadali na lang din akong lumakad papunta sa carpark, susunod din naman ang mga yan kaagad, tinatamad na kasi akong maglakad. And surprisingly, nakita ko na naman si labo sa parking lot at gaya kanina ay pinagti-tripan na naman siya ng mga ‘yon. Wala talaga silang dala, pero gaya kanina pati si labo ay wala pa ring pakialam sa mga damuho na ‘yon. Teka nga? Ano bang pake ko sa kanila? Bahala na nga yang labo na yan.
"Porke tinulungan ka ni Dauntless akala mo ba titigilan ka na namin? Hindi no! Magsama kayo!"
Napatigil ako sa pagsakay sa kotse ni Fear, saka ko sila muling nilingon. Ang mga damuho na ‘to, ganon pala ha. Lumapit agad ako at agad kong pinagtatadyakan ‘yong apat na lalaking iyon saka ko dinampot sa kwelyo iyong lalaking sumigaw kanina. Nakasandal lang din naman sa kotse na malapit sa amin si labo at nakatingin lang din siya sa amin.
"Anong sabi mo?” hiyaw ko sa lalaking hawak ko na agad din niyang ikinagulat.
Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, hindi marahil siya makapaniwala na narinig ko ang sinabi niya. Ang kapal ng muka niya na magsalita sa isang Varcon ng ganyan.
"D-dauntless?"
"I warned you first, and this consume all your warnings!" hiyaw kong muli sa kanya.
Sinapak ko rin agad siya dahilan para agad siyang sumalampak sa semento, tumakbo din naman agad palayo iyong tatlo sa takot sa akin.
"Who told you to run?" harang naman ni Fear sa kanila.
"Pakawalan niyo kami, kung hindi ay sisirain namin ang pangalan niyo sa lahat!" hiyaw noong isa sa tatlong iyon na may pagbabanta sa amin.
Takot ba kami sa ganoon? Hindi lang naman sila ang nagsabi ng ganoon sa amin, ‘yong iba nga ay sinubukan pang siraan talaga kami, pero wala rin namang nangyari.
"Talaga lang ha?" hiyaw rin ni Ravon sa lalaking iyon saka niya ito sinapak.
Sinipa ko lang din naman agad ang lalaking sinapak ko palapit sa kanila saka ko pinatapos sa kanila ang apat na ‘yon. Si labo na lang din ang hinarap ko na may dugo pa sa labi. Magulo ang buhok niya at ang suot niyang polo, nagkalat din ang mga libro niya sa sahig. Ngunit kahit na ganoon ay wala siyang pakialam sa akin, inayos niya lang din agad ang sarili niya saka niya dinampot ang mga libro niya.
"Don't think that I help you again, don't be thankful, nagkataon lang ‘yon," agad kong sabi sa kanya.
Hindi naman siya nagsalita at itinuloy niya lang ang pagdampot niya sa mga gamit niya, matapos niyang gawin iyon ay ay inayos niya rin kaagad ang salamin niya at saka siya tumingin sa akin. Ngayon niya lang ako tiningnan, kahapon ay hindi man lang niya ako sinulyapan.
"Why would I do that? You’re more worst than them, I will never be thankful. Pare-pareho lang naman kayo," sagot niya sa akin saka siya agad na umalis.
What the hell? What did he say?
"What did you say?" hiyaw ko sa kanya saka ko siya tiningnan ng masama pero hindi man lang siya nasindak.
Hindi man lang siya tumingin sa akin at dire-diretso lang siyang naglakad palayo. How dare him? Ang kapal ng muka niya, wala siyang karapatan na kausapin ako ng ganoon. Humanda ka sa aking lalaki ka, simula na ngayon ng bangungot mo.
"Daun?"
Nilingon ko si Arkyv ng tawagin niya ako, nakatingin lang din naman sila sa akin kaya ikinalma ko na ang sarili ko.
"May bago tayong laruan, simula ngayon. Gagawin nating impyerno ang buhay ng lalaking iyon. Walang sinuman ang may karapatan na magsalita laban sa akin," agad kong sabi sa kanila.
Nagkatinginan lang din naman silang apat saka nila tiningnan ang papalayong si labo. Iniwan ko na lang din sila kaagad saka ako sumakay sa kotse namin ni Fear dahil sa inis ko. Humanda sa akin ang lalaking ‘yon.
(Arkyv's POV)
"Tama ba ‘to? Patay tayo kay Daun nito, alam niyo naman na ang hirap maglihim sa kanya," agad kong tanong kay Fear saka ako napahithit ng sigarilyo ko.
"Para sa kanya to Arkyv, ‘yon na lang ang isipin mo," Fear answered.
"Pero Fear, kapatid mo ‘yon, kaya mo ba na maglihim sa kanya?" I ask again.
"Ginagawa ko ‘to para sa kanya," Fear answered again.
Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Tumahimik ako kasi wala akong magawa para lang kay Daun. Kung may choice nga lang ako, at kung pwede sanang ako na lang ang sumalo ng lahat, kung pwede lang ay ako na ang gagawa noon. Kung pwede lang ay hindi na sana kami mahihirapan ng ganito, kung pwede lang ‘di sana ako na lang ang sumalo ng lahat.
"Tumahimik na kayo, nagiisip pa naman tayo ng paraan, hindi ba? May paraan pa, kaya natin ‘to," awat ni Ravon sa aming dalawa.
Ano pang paraan? Ano pang paraan ang pwedeng gawin? Meron pa ba? Kung meron pa sana nga magawan namin ng paraan ang lahat. Napabuntunghininga na lang din ako at natahimik na lang din kaming lahat, malapit na siyang mag-20, hindi pwede ang ganito.
"Arkyv? Nakuha mo na ba?"
Napalingon kami sa pinto sa lounge ng penthouse namin ng pumasok si Daun, agad din naming itinapon ang kanya-kanya naming sigarilyo saka namin itinabi ang ash tray namin. Napangiti na lang din ako sa kanya at nagpanggap na lang din ako na parang walang nangyari. Wala ka man lang kaalam-alam Daun, patawad at hindi ko masabi ang lahat.
"Oo Daun, ito na."
Iniabot ko na sa kanya ang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon na nakuha ko tungkol sa lalaking pina-imbestigahan niya. Sa totoo lang ay nawe-weirduhan din ako sa kanya, ngayon lang naman kasi siya may pina-imbestigahan sa amin. Usually kasi ay wala siyang pakialam sa pagkakakilanlan ng isang tao kahit pa nasa major warning namin sila. Ano nga kayang meron sa lalaking ‘yon?
"Siya na ba ang next target natin?" agad na tanong ni Erlon sa kanya.
"He's my business, kaya kahit kayo ay hindi niyo siya pakikialam, ako ang bahala sa kanya at kami ang magtutuos," Dauntless said na animo'y galit na galit siya sa lalaking ‘yon.
Bakit kaya? Ano kayang meron kay labo? Kung tingnan niya nga ang lalaking ‘yon kanina ay parang may kakaiba sa kanya.
"Okay! Okay!" pagsuko ni Erlon sa kanya lalo na ng tingnan siya ng masama ni Daun.
Ang galing talaga ng mga mokong na ito, akala mo talaga walang nangyari, at walang mangyayaring hindi maganda.
"Saan nga pala tayo ngayon?" mayamaya ay muling tanong ni Erlon.
"Nasa penthouse tayo Erlon. Muntanga ka talaga," singhal ni Ravon sa kanya.
Natawa lang din naman si Ravon at Fear sa kanya kaya natawa na lang din tuloy ako. Si Daun naman ay pinagbabato lang din kami ng unan na nahawakan niya saka siya natawa sa kalokohan ni Erlon.
"G*go ka Ravon ha! nagtatanong ako ng maayos," singal din ni Erlon kay Ravon na lalo naming ikinatawa.
We’re always staying in this penthouse lalo na kapag ganitong may pasok. Wala rin naman kasi madalas ang mga magulang namin kaya dito rin kami madalas, at umuuwi lang kami sa kanya-kanyang bahay kapag weekends, o kaya naman ay kapag umuuwi ang mga magulang namin galing sa mga business trip nila.
Dito ay kami lang ang magkakasama, malapit lang din ito sa academy kaya dito rin talaga kami madalas, malapit din ito sa mga madalas naming tambayan lalo na sa bar ni Erlon. At sa ngayon ay wala din kaming gig sa bar dahil nga sa meeting namin sa manager ni Fear.