Chapter 2

3429 Words
(Arkyv’s POV) "Hi, guys? I'm already here." Napalingon agad kami sa pinto ng may magsalita doon at hindi namin inaasahan na pumasok na pala ang hinihintay naming bisita. Nako nandyan na si Mam Violet, siguradong masesermonan na naman kami niyan. Anyway, siya ang manager ni Fear at siya rin ang taga-sermon sa amin kapag wala ang mga magulang namin. Ako na ang sumalubong sa kanya dahil may mga dala siyang pagkain ng pumasok siya dito, kinuha ko lang din agad ang mga ‘yon saka ko iyon inilapag sa mesang kaharap namin. Nilinis rin naman agad ni Erlon ang mesa at naupo lang din agad si Ms. Violet sa single couch na nasa center namin. "Hello Daun," bati niya agad kay Daun na nakaupo sa kanan niya. Tinanguan lang din naman siya ni Daun pero kahit na ganoon lang ang gawin ni Daun ay malawak na ang ngiti ni Ms Violet doon. Sa katunayan nga ay si Daun lang talaga ang paborito niya sa amin, sa aming apat naman ay wala siyang pakialam. Kung hindi nga lang niya talent si Fear malamang ay wala rin siyang pakialam dyan. "So gaya nga ng sabi ko kay Fear. Nandito ako ngayon dahil may nag-offer sa akin ng bagong project, mula ang project na ito sa isang kilalang publishing house at gusto nilang gawan ng coffe table book si Fear. Now, if Fear agreed with this project at kapag natapos na namin ang paguusap tungkol dito. I want you to join the photoshoot for that book and the interviews, lalong-lalo ka na Daun ha? Hindi naman kayo mahihirapan sa lahat, its just all about him and his life. Nakausap ko na rin naman ang mga parents niyong lima at ang sabi nila ay kayo na lang daw ang mag-desisyon sa lahat," mahabang paliwanag sa amin ni Manager Vio. "Kaylangan ba talaga ‘yon?" agad na angal ni Daun. Naku, for all I know siya ang unang-unang aayaw sa amin. Kilala na namin siya, hindi niya gusto ang mga ganyang bagay. Hindi niya nga rin gustong nai-involve sa showbiz life ng Kuya niya. "For his career Daun, kaylangan to. Marami ang nagsusulputang mga baguhang modelo dyan sa tabi-tabi, kaylangang maging consistent ang kasikatan at exposure ng Kuya mo sa mga tao para hindi siya malaos," muling paliwanag ni manager Vio. Alam naman namin na pangarap ni Fear ito, pero knowing Daun? Malabo mo talaga siyang mapasama sa mga ganyang bagay. She's a beautiful girl in a man's shoes and clothes. She’s a boyish, tiboom, magandang babae na lalaki pumorma, kumilos at kung ano-ano pa na tipo ng babae. Daun is a girl with a man's heart, lalaki talaga siya kung titingnan at hinding hindi mo siya kakikitaan ng interes sa mga bagay na pangbabae. "Makakasira naman lalo ng career niya kapag nalaman ng lahat na may kapatid siyang tulad ko. Just look at me, babae ba ako sa paningin mo? Isa pa anong sasabihin ko sa interview na ‘yon? Na isa akong dakilang bully? Na kahihiyan ako sa pamilya? Tsk," Daun said saka siya agad na umalis sa harapan namin. Natigilan din kami kaagad dahil doon saka kami nagkatinginan. Sa totoo lang ay hindi naman talaga tiboom si Daun, hindi siya tomboy na nagkakagusto sa babae. Hindi rin siya iyong tipong magpapagupit na tulad sa mga lalaki, talagang parang lalaki lang siyang kumilos, manamit at magsalita pero babae pa rin naman siya. Kapag usapang girls things minsan ay diring-diri siya lalo na kapag lovelife na ang usapan, pero minsan ay makikita mo pa rin naman sa kanya na babae pa rin siya. Nakakatawa na lang din talaga siya minsan. "Kakausapin pa namin siya Manager Vio. Alam niyo naman ang kapatid kong ‘yon, ako na ang bahala sa kanya,” mayamaya ay sabi ni Fear. Napabuntunghininga na lang din kami ng sabay-sabay saka kami nagtawanan. "Muka ngang mahihirapan tayo sa kanya, pero that's the purpose kaya ko sinabi ng maaga sa inyo ang mga ito, ikaw na ang bahala sa kanya, Fear. Hindi kita pipilitin dito kung hindi ‘to para sa career mo," manager Vio said again. "Kami na ang bahala sa kanya, huwag ka ng magalala manager," Fear said again. "Sige Fear, mauuna na ako, marami pa akong gagawin. Magiingat kayo,” manager Vio said again. "Bye Manager Vio," pagpapaalam namin sa kanya saka siya agad na umalis. Nagkatinginan na lang din naman kami sabay buntunghininga pagka-alis na pagka-alis ni manager Vio. Wala naman kasi kaming magagawa tungkol dito, kung ayaw ni Daun, ayaw niya, ganyan na siya mula pa noon hanggang ngayon. At kami? Wala na kaming magagawa kung hindi ang tanggapin na lang ‘yon. Sa aming lahat Daun is the youngest, pero siya pa ang pinakamakalokohan, pinaka-sakit ng ulo, pinaka-pasaway, pinaka-sira-ulo at siya ‘yong walang sinusunod. Bata pa lang ay ganoon na siya, Varcon e, thats the saying. May magbabawal ba sa kanya, may magtatangka bang kalabanin siya? Wala. Ganoon siya lumaki, at sinisiguro ng lahat sa pamilya nila na lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, plus pa na nagiisa siyang babae sa angkan nila. Iyon nga lang para siyang lalaki pumorma, ewan, sa palagay ko nga ay mababaliw na ako dyan kay Daun. "Arkyv?" nilingon ko agad si Fear ng marinig ko na tawagin niya ako. Hawak ko rin ang gitara ko at nakaupo lang ako sa may sala ng penthouse namin. "Bakit?" I answered. Lumapit lang naman siya sa akin saka siya naupo sa harapan ko, itinigil ko lang din naman agad ang pagtugtog ko para pakinggan ang anumang sasabihin niya. "Alam kong gusto mo si Daun. Wala akong magagawa sa bagay na ‘yon, pero gusto ko lang malaman kung kaya mo ba siyang ipaglaban." Napatitig lang din ako kay Fear ng sabihin niya iyon sa akin, tiningnan ko lang din naman siya sa mga mata niya saka ako agad na ngumisi sa kanya. "Just trust me Fear, trust me, ilalaban natin siya. Hindi tayo papayag na wala tayong gagawin," agad kong sagot sa kanya para pakalmahin din siya. "I trust you, Arkyv. Alam kong kasama ko kayo sa laban na ito, alam ko na ilalaban natin siya." Ngumisi na lang din akong muli sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Magtiwala ka sa akin Fear, hindi natin hahayaan na mawala sa atin si Daun. Ipaglalaban natin siya sa kahit na anong paraan at kahit pa kanino. Daun is ours, at hinding-hindi masisira ang DFEAR, hinding-hindi tayo magkukulang, ipinapangako ko yan. ---------------------------------- Nakakapanibago rin pala dahil ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng major warning after two months. Dati kasi ay halos every week may major warning kami. Major warning is also given to someone na sinuway o kinalaban kami intentionally. Sila ‘yong mga may lakas ng loob na kalabanin kami at ngayon ay si labo naman ang nasa major warning. Ang swerte nga niya kung tutuusin dahil sa ngayon ay si Daun ang game master niya na hindi pa nangyayari kahit na noon pa man. Major warning din ang pinakamataas na warning na ipinapataw ng grupo namin sa sinumang gusto naming patawan nito. Ang pinakaunang warning namin ay tinatawag naming warning 1, sunod ay warning 2 at ang warning 3 ang pinaka-malala mong kahahantungan. Pero major warning talaga ang tawag sa pinaka-espesyal naming warning sa lahat, but it means hell to anyone. Sa ngayon ay nakatanaw lang din kami ni Daun sa malawak na ground ng school mula dito sa building na kinaroroonan namin, nandito kasi ang room namin. Hinihintay pa rin kasi namin ‘yong tatlong mokong na may pinuntahan pa. "Si labo o," I said to Daun saka ko agad na itinuro sa kanya ang naglalakad na salamin. Kumunot naman agad ang noo niya ng makita ang itinuro ko sa kanya, kanina naman ay naka-poker face lang siya, nakakasira siguro ng umaga para sa kanya ang lalaking ‘yon. "Nandito na kami." Nilingon namin ni Daun ‘yong tatlo na kararating lang saka siya lumingon ulit kay labo. Marahil ay tinitingnan niya kung anong gagawin ng salamin na iyon, naipakalat na kasi sa lahat ang magandang balita kanina pa. Nakalagay sa mga papel na ipinamigay ng mga fans club namin ang muka ni labo na may nakalagay na major warning. Ganoon kasi sila kapag may ibinabang utos si Duchess ay sila ng nagpapakalat noon sa lahat. Parang VIP din tuloy si labo dahil nakalagay din sa papel ang utos ni Daun na only Dauntless can touch him. Hindi ko rin alam kung bakit may ganon pa pero parang gusto ko na lang ding malagay sa kalagayan ni labo ngayon. Basta ba pagtutuunan ako ng pansin ni Daun ay willing akong magpabugbog sa kanya, kaya lang sa kalagayan namin ngayon ay malabo ‘yon. Mabubugbog ako niyan pero hindi ako pagtutuunan niyan ng pansin na higit pa sa kaibigan. Sa totoo lang, lahat ng nandito sa academy ay umiiwas sa kanya, ultimo nga ang mga teachers and staff dito ay ilag sa kanya. Pero si labo ay walang pakielam, iba siya sa lahat ng mga newbie na pumasok dito. Karaniwan kasi sa kanila ay agad na napapatiklop pero iba siya. Inalam na din namin lahat ng tungkol sa kanya sa loob at labas ng school, ayon na rin sa utos ni Daun at sinisigurado ko na na hinding-hindi na siya matatahimik simula ngayon. "Lumakad na kayo," Daun said to them saka siya lumakad ng hindi na namin matanaw si labo. Sumunod na lang din naman agad ako sa kanya at pumasok na lang din naman ‘yong tatlo sa room namin. Abangan na lang din ni labo kung saan kami pupunta, basta ang alam ko lang ay simula pa lang ito ng hagupit ni Daun sa mga susunod na araw mas lalala pa ang lahat. Tingnan na lang din natin kung hanggang saan tatagal si labo. Habang naglalakad naman kami sa ground papunta sa building kung nasaan ang room ni labo ay pinagtitinginan kami ng lahat. Walang makalapit at makasigaw sa kanila kahit parang gusto na nila akong gahasain dito pa lang. Tama lang yan dahil hinding hindi nila gugustuhin kapag nagalit si Daun sa kanila. Sumenyas din mayamaya si Daun ng alis sa lahat ng nakamasid sa amin na ginawa naman agad nila, marahil ay napapansin niyang dumadami na naman sila. Minsan nga naiisip ko ng selosa talaga si Daun, siguro ayaw niya lang na may nakatingin sa akin. Syempre joke lang ‘yon, secret lang natin to. Natawa na lang din ako sa sarili kong iniisip saka ako agad na napaiwas ng tingin ng ma-realize kong nakatitig pala ako sa kanya, pero nagulat na lang din ako ng may dumapong kamao sa muka ko. "Aray ko! Bakit ba?" agad kong hiyaw kay Daun na masama lang din ang tingin sa akin. Napatigil din kami sa paglalakad namin habang sapo-sapo ko ang pisngi kong sinuntok niya. "G*g*, titig na titig ka kaya sa aking walangya ka.Tutunawin mo ba ako? Hindi ako ice cream, kanina ka pa rin na parang tangang nakangiti dyan! Nababaliw ka na ba?" singhal ni Daun sa akin dahilan para matawa na lang ako. "Masama ba? --- Aray ko naman, Daun!" hiyaw kong muli sa kanya. Napatalon-talon din ako ng sipain niya ako sa binti, aray ko naman talaga. Babae ba talaga siya? Parang lalaki e, ang sakit pa naman niyang manipa at manuntok. "Hintayin mo ko! Daun?" hiyaw ko sa kanya ng iwan niya na ako. Tumakbo na lang din ako kaagad palapit sa kanya kahit na masakit ang binti ko. Seryoso ba siya, iiwan niya talaga ako dito? Alam naman niyang kukuyugin ako ng mga babae na yan dyan sa tabi-tabi. Nakahinga na lang din ako ng maluwag ng maabutan ko si Daun na seryoso lang din naman. Nag-focus na lang din ako sa paglalakad dahil ayaw ko ng masipa at masuntok. Hindi naman nagtagal at ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin kami sa building nila labo na pakay talaga namin. Nag-elevator din kami paakyat sa building nila para mabilis saka kami dali-daling bumaba pagdating sa palapag na ‘yon. Kumatok na lang din agad ako pagtapat namin sa room nila dahil sarado na ang pinto, indikasyon na nagsisimula na ang klase. Pagsilip naman ng teacher nila ay ngumiti pa siya sa amin saka niya binuksan ng mas malaki ang pinto. "Okay class you have new classmates," the professor announce to the class. Hindi naman na pinatapos ni Daun ang professor sa anumang sasabihin niya, pumasok na lang din kaagad siya kaya sumunod na lang din kaagad ako. Hindi na rin naman namin kinailangan na magpakilala pa, kilala naman na nila kami. Humanap na lang din agad kami ng mauupuan namin. Kitang-kita ko rin na gustong-gusto ng magwala ng mga babae at lalaking kaklase ni labo pero hindi nila magawa dahil kay Daun. Ang iba naman nilang kaklase ay tulala lang sa kanya. Si labo naman ay wala paring pakialam, masama lang din ang tingin niya sa amin. Sumunod na lang din ako kay Daun ng lumakad na ulit siya. Pumunta rin siya sa likuran dahil sa huli nakaupo si labo at wala siyang katabing kahit sino sa mga kaklase niya. Lahat kasi ng kaklase niya ay naipon sa unahan at siya lang ang naiwan sa likod, marahil ay umiiwas sila sa kanya dahil sa major warning. Naupo na lang din kami ni Daun sa tabi ni labo, pinagitnaan na lang din namin siya para wala siyang kawala. Maluwag din naman dito at tahimik mga bagay na gustong gusto ni Daun, ‘yong lane kasi ng mga upuan sa unahan namin walang nakaupo at itong last lane na kinauupuan namin kami lang ding tatlo ang nakaupo dito. Hindi nag-react si labo ng maupo kami sa tabi niya, ni hindi nga siya umalis at talagang kitang-kita ko na nagmamatigas siya. "Move or die?" banta ni Daun sa mga nagtangkang tumabi sa amin at maupo sa nasa unahan naming lane. Lahat naman sila ay nagkanya-kanyang balik sa mga pwesto nila. Nagsimula na rin muling magturo ang teacher namin, tahimik din ang lahat at madalas ay si labo lang ang sumasagot sa lahat ng tanong ng teacher nila, sabagay hindi na ‘yon nakakagulat nerd siya e. Buong discussion sa morning session namin ay si labo ang bida kahit magpalit-palit ng teacher, wala rin naman kasing nakikipag-kumpitensya sa kanya dahil busy rin ang lahat sa pagtitig sa amin ni Daun. Sa totoo lang ay pwede nga siyang maging valedictorian dahil sa sobrang active nya. Tahimik lang naman si Daun kaya tahimik lang din ako, dapat kasi dito na lang siya sa tabi ko para may kausap ako. "You may now take your break," our last professor said for this morning. Nagsipagtayuan naman agad ang mga kaklase namin saka sila nagkanya-kanya ng paglabas. Kami naman ni Daun ay hindi pa rin tumatayo, malamang ay hinihintay ni Daun si labo, na nananatili pa ring nakaupo. At hindi nga ako nagkamali sa hinala ko dahil ng tumayo si labo mayamaya ay saka lang tumayo si Daun kaya tumayo na lang din ako. Malapit na nga din talaga akong magselos sa labo na yan. Ngayon lang kasi ginawa ito ni Daun, her efforts are also shocking. Imagine talagang gumamit siya ng connections para paimbestigahan si labo at ngayon ay kasama naman namin siya sa section nila. Hindi na lang din ako nagsalita at lumakad na kami kasunod ni labo. Tahimik lang din naman kasi si Daun, pero ganito lang ba kami maghapon? susundan lang ba talaga namin si labo lagi? Habang naglalakad kami ay kagaya pa rin ng dati ang lahat, tumatabi pa rin sila at hanggang makarating kami sa cafeteria ay ganoon sila. Pagdating naman namin doon ay naupo lang din kami sa inupuan ni labo, tinext ko na lang din naman agad ‘yong tatlong tukmol para pumunta na agad sila dito. "Wala ba kayong balak na iwan ako?" Walang sumagot sa amin ni Daun sa sinabi ni labo, nakatingin lang si Daun sa kanya at napatingin lang din ako sa kanya bago ko muling tiningnan ang cellphone ko. Mayamaya lang din naman ay tumayo si labo at umorder ng pagkain niya. Tumayo na lang din naman kami ni Daun saka kami umorder ng pagkain namin, pero binigyan agad kami ng pagkain ng mga nasa counter at pati ang order ni labo ay ibinigay na rin nila. Pagbalik namin sa mesa namin ay hindi sumunod sa amin si labo, sa ibang mesa na siya naupo kung saan may mga nakaupo na sa ibang upuan. Agad din namang sumunod si Daun sa kanya. "Alis dyan!" Daun said sa mga nakaupo sa table na inupuan ni labo. Umalis din naman kaagad ang mga nakaupo sa mesa na ‘yon maliban kay labo, doon na lang din kami naupo saktong-sakto namang dating rin noong tatlo. Umorder din naman agad sila ng mga pagkain nila at saka sila naupo sa tabi namin. "Whoah! Bago ba nating miyembro si labo?" bati ni Fear sa kasama namin. Ginulo niya rin agad ang buhok ni labo na wala pa rin namang pakialam sa amin, si Ravon naman ay lumapit lang din sa kanya at saka niya sinakal si labo gamit ang bisig niya. "Welcome to the club, labo!" hiyaw rin ni Ravon. "Don't touch him, you idiots!" hiyaw naman ni Daun sa dalawang mokong. Napalayo rin naman agad si Ravon at Fear kay labo dahil sa sinabi ni Daun, at tinawanan lang din naman naman namin sila ni Erlon. "Ito naman wine-welcome lang si labo e,” pangangatwiran ni Fear. "Manahimik ka Fear," singhal ni Daun sa kakambal niya. "Ito na nga, tatahimik na." Nanahimik na lang din naman sila saka kami nagsimulang kumain, mayamaya lang din naman ay nagsimula na sila ng kanya-kanya nilang kalokohan habang si labo, ako at si Daun ay tahimik pa rin. "Napaka-tahimik naman nitong si labo, ka-tropa mo talaga yang dalawa ano? Ha?" Ravon said to labo. Sinakal na naman siya ni Ravon, habang tatawa-tawa ang mokong at wala pa rin namang reaksyon si labo. Natawa lang din naman kami nina Erlon at Fear ng may lumipad na chocolate cake sa muka ni Ravon. Habang si Ravon naman doon ay na-estatwa na lang. Wait? Chocolate cake. "Chocolate cake ko! Akin yan Daun eh!" hiyaw ko at napatulala na lang din ako sa cake ko na nasa muka ni Ravon. Ang tulalang si Ravon naman bigla na lang ding natawa sa angal ko at lalo namang nagtawanan sina Erlon at Fear, habang nakatingin lang sa amin si labo. Si Daun naman ay pangisi-ngisi lang din doon sa tabi ni labo. "Cake ko ‘yon e,” muli kong reklamo. "Tumawa ka pa!” hiyaw sa akin ni Ravon. Hindi naman tumitigil sa pagtawa sina Erlon at Fear kaya, binato ko ng kutsara si Erlon at binato ko ng tissue si Fear na gamit na. Mga walanghiyang ‘to. "Kapag natamaan kami ay malilintikan kayo sa akin," banta sa amin ni Daun. Dahil naman doon ay nanahimik na muli kami, bumalik na lang din sa kanya-kanyang kalokohan iyong tatlo doon. Hindi rin naman nagtagal at nag-bell na. Humiwalay lang din kami kay Daun at labo dahil nagbibihis kami para sa P.E namin si Daun naman ay hindi pa rin iniiwan si labo. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon siya kahigpit kay labo pero hinahayaan ko na lang din naman siya. "Curious ako kay labo,” mayamaya ay sabi ni Erlon na seryosong-seryoso pa. Tahimik kasi kami tapos bigla siyang nagsalita ng ganoon. "Ako rin," sang-ayon naman ni Fear sa kanya. Tiningnan ko lang din naman sila saka kami nagkatinginan ni Ravon. "Gusto kong imbestigahan siya ulit," Ravon said also. Napalingon din kaming tatlo sa kanya. "Masama ang kutob ko sa lalaking ‘yon," Ravon said again. Seryoso rin si Ravon sa sinabi niyang iyon, mukang tototohanin niya ang balak niya. "Keep an eye on that nerd and on Daun, Arkyv. Kapag napahamak si Daun ay mananagot ka sa akin," muling sabi ni Ravon. Napangisi na lang din naman ako sa sinabi niya. "Ako na ang bahala sa kanya, hindi mo ako kaylangang pagbantaan, hinding-hindi ko hahayaang mapahamak si Daun," agad ko namang sagot sa kanya. "Good," Ravon said saka niya ako tinapik sa balikat. "We'll guard you also from afar," dagdag pa ni Fear kaya tumango na lang ako. Pagkatapos naman naming magusap-usap ay naghiwa-hiwalay na agad kami. Hindi naman mawala sa isip ko ang sinabi ng mga kasama ko sa akin kanina, dahil doon ay napaisip din ako, sino nga kaya si labo? Bakit nga kaya siya nagkaroon ng major warning? Ano nga kayang dahilan ni Daun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD