(Dauntless's POV)
I won't stop until you put down your guard labo, akala mo ba ay madadala mo ako niyang coldness at pa-nerd nerd mo kuno? Hindi no, for all I know isa ka rin lang naman sa mga naghahabol sa akin at nangangarap na mapansin ko. Kung ganon lang din naman ang intensyon mo ay pagbibigyan kita, I will make your life a living hell.
"Xyville?"
Nilingon agad namin ‘yong babaeng tumawag kay labo saka ako napatingin kay labo. Iyon ba ang pangalan niya? ang pangit naman ng pangalan ng labo na ‘to kasing labo niya. Napakunot na lang din ang noo ko dahil doon, at mas napakunot ang noo ko ng mapansin kong nag-alangan ang babaeng nerd na ‘yon na lumapit kay labo pagkakita niya sa akin na kasama ni labo. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko tinatantanan ang mokong na salamin.
"Why?" agad kong tanong sa kanya na lalo niyang ikinatahimik.
Ako na ang nagtanong dahil mukang importante rin naman ang sadya niya kay labo, hindi rin naman kasi nagsasalita ang kasama ko. Wait? magco-confess ba siya ng feelings dito? Ang pangit-pangit naman nitong mokong na ‘to.
"Kung magko-confess ka ng feelings huwag na, umalis ka na lang," I said again.
Bahagya naman siyang namula dahil sa sinabi ko sabay tungo kaya muling nangunot ang noo ko. Sinasabi ko na nga ba, nilingon ko si labo dahil hindi ako makapaniwala sa inasal ang babaeng salamin. Ano bang gwapo sa isang to?
"What is it Belinda?" mayamaya ay tanong ni labo sa kanya.
Seryoso lang talaga lagi ang mokong na ‘to. Hindi siya marunong ngumiti at siya ‘yong tipo ng tao na walang pakialam sa paligid niya. Kahit pa siguro may magsaksakan sa tabi niya ay wala siyang pakialam hanggat hindi siya nadadamay. Sa totoo lang nga ay hindi siya mukang 20 years old na tao, muka siyang 25 years old na dahil ang mature niya ng tingnan.
"I-ibibigay ko lang sana ‘yong libro na hinihiram mo sa akin," agad na sagot ng babaeng salamin sa tanong ni labo.
Iniabot niya rin kaagad ang libro na tinutukoy niya na kinuha ko rin naman kaagad.
"Layas na," tipid kong sabi sa kanya pagkakuha ko ng libro na ibinigay niya.
Bigla din namang kumaripas ng alis si Belinda kaya hindi ko na siya pinansin at tiningnan ko na lang din agad ang libro.
"Matalino ka na hindi mo na kaylangan to," I just said to him saka ko agad na itinapon ang libro.
Napakunot din ang noo ko ng mapansin kong may nalaglag na papel mula sa libro ng bumagsak ito sa lupa.
"Ano ‘yon?” agad kong tanong sa kanya.
Kukunin ko na sana ang papel na nalaglag sa lupa kaya lang ay mabilis niya akong hinawi kaya napatigil na lang din ako.
"What the hell bakit mo tinapon?" hiyaw ni labo sa akin.
Napatingin na lang din naman ako sa kanya at siya naman ang dumampot ng libro. Kitang-kita ko na nanlalaki rin ang mga mata niya sa akin, marahil ay sa inis kaya natawa ako.
"Whoah! Very cool reaction," puna ko sa kanya.
Nginisian ko rin agad siya and I just hear him sigh habang natatawa pa rin ako sa kanya. Hindi niya na rin naman ako pinansin at lumakad na siyang muli papunta sa room namin kaya sumunod na lang din agad ako sa kanya. Pagdating naman namin sa room ay handa na ang teacher at ang quiz, mayamaya lang din naman ay pumasok na rin si Arkyv.
"You’re five minutes late Mr. Xyville," puna ng teacher namin kay labo kaya napatigil kami sa pagupo namin.
"Ako lang ba? Tatlo kami, Mrs. Enrique," agad na sagot ni labo sa kanya.
Napalunok lang din naman agad ang teacher namin dahil sa sinabi ni labo, ni hindi niya alam kung paano siya magre-react sa sagot ni labo sa kanya. Takot niya lang din kasi sa amin ni Arkyv.
"Quiz na," sabad ko sa usapan nila saka ako naupo.
Hindi naman na nagsalita ang prof namin at kumilos na lang din siya kaagad. Itinaas ko na lang din ang isa kong paa sa upuan na nasa harapan ko, habang naghihintay ako ng papers. Tahimik lang din naman na naupo si labo gaya ng dati at si Arkyv ay wala ring pakialam sa mga nangyayari.
"Pakopya ako Daun a," mayamaya ay dinig kong bulong ni Arkyv sa akin kahit nasa gitna namin si Labo.
Tiningnan ko lang din naman siya at agad din naman siyang ngumiti sa akin, nanguuto na naman ang mokong na ‘to.
"Kay labo ka mangopya, matalino yan," agad kong sagot sa kanya.
"Ayoko sa’yo na lang," muli niyang sagot sa akin.
"Muka ba kong sasali sa quiz nila? Suntukin kaya kita dyan," singhal ko kay Arkyv sa inis ko sa kanya.
Inambahan ko rin siya ng suntok na ikinatigil niya rin kaagad. Ang kulit din talaga ng apog ng isang to, napatigil na lang din naman ako sa pagtingin ng masama sa kanya dahil nakita ko rin na nasa harap na namin si Mam.
"One seat apart," agad niyang sabi sa amin.
"Gusto mo bang mag-one seat apart yang ngipin mo?" inis kong sagot sa kanya.
Ikinagulat niya naman iyon saka siya agad na napaatras, tinabig lang din naman ako ni labo ng tumayo ako at lumipat agad siya ng upuan kaya sumunod agad ako sa kanya.
"One seat apart," agad ding sabi ni labo sa akin.
"Hahampasin kita ng silya o magtatabi tayo sa silya? You choose," agad kong sagot sa kanya.
Hindi naman natinag si labo sa banta ko sa kanya at pinili niya pa ring lumipat sa silya na kasunod ng silya na nasa gitna namin, ginaya lang din naman siya ni Arkyv. Ako naman ay naupo na lang din sa inalisan niyang silya para magkatabi pa rin kami, akala niya naman ay tatantanan ko siya. Dahil naman doon ay tumayo ulit siya pero hindi na siya nakalipat dahil inilabas ko na agad ang armas kong posas at ipinosas ko siya sa akin, saka ko inihagis kay Arkyv ang susi ng posas.
"What the hell?" hiyaw niya sa akin.
"Mainis ka lang labo," nakangisi kong sagot sa hiyaw niya saka ako nakipagtagisan ng tingin sa kanya.
Wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang maupo din habang si Mrs. Enrique naman ay wala na ring nagawa kung hindi ang ituloy ang quiz namin.
"Let's start," Mrs. Enrique said.
Nagsimula na lang din kaming mag-quiz matapos naming kumuha ng test papers sa professor namin. At dahil naka-posas kami ay ginamit ni labo ang kaliwang kamay niya bilang panulat dahil naka-posas ang kanan niyang kamay sa kaliwa kong kamay. Kanang kamay ko naman ang ginamit ko na pansulat.
Nakakamangha lang din na makita na kaya niyang gamitin na panulat ang pareho niyang kamay gaya ko, ang cool. Hindi na ako nagsalita pa at nagsagot na lang din ng magsimula na siyang sagutan ang quiz niya. Kanya-kanya na rin naman ng mundo ang lahat at wala ng pakielamanan. Binilisan ko na lang din naman ang pagsasagot at nauna na rin akong magtaas ng kamay, para ipakitang tapos na ako. Sumunod lang din naman sa akin si labo saka sumunod si Arkyv. Napansin ko rin agad na napatingin pa sa akin si labo ng makita niya akong naunang magtaas ng kamay sa kanya, kaya tiningnan ko lang din siya saka ko siya nginisian. Magugustuhan mo talaga lahat ng gagawin ko labo, maghintay ka lang.
----------
Until the end of the class ay naka-posas lang kami ni labo, nakakaya niya naman kasing kumilos ng hindi ginagamit ang kanang kamay niya at ganoon din naman ako kaya walang problema. Si Arkyv naman ay natulog pagkatapos ng quiz, at ako lang ang nakipag-tagisan kay labo. Buong afternoon session naman ay napakasama lang ng tingin niya sa akin, siguro ayaw niya na nauungusan siya at natatalo.
"Class dismiss."
Tumayo na ako at agad na nag-inat pagkasabi noon ng last professor namin para sa araw na ito, sa totoo lang ay kanina pa ako naiinip sa klase na ito at kanina pa ako inaantok. Napalingon lang din naman ako sa katabi ko ng sumama ang kamay niya sa pagtaas ko ng kamay ko. Tinawanan ko na lang din siya saka ko siya hinayaan na mag-ayos ng gamit niya saka ako nag-ayos ng gamit ko. Binato ko na lang din agad si Arkyv ng binilog kong papel para magising na siya.
"What the hell?” hiyaw niya ng pagkalakas-lakas sabay tayo na ikinagulat din naman ng mga kaklase naming naiwan.
Tinawanan ko lang din naman siya at saka lang din siya napalingon sa akin kaya agad ko rin siyang sinapok, napahawak lang din naman agad siya sa likod ng ulo niya dahil sa ginawa ko.
"Uwian na, baliw ka talaga," sermon ko sa kanya.
Tumayo na lang din naman siya saka siya natawa habang kakamot-kamot pa siya ng ulo. Agad din siyang nag-inat saka siya agad na nagsukbit ng bag. Nagsimula na lang din naman akong naglakad pero napatigil din ako dahil hindi lumakad ang naka-posas sa akin.
"Belinda?"
Napalingon din agad ako sa tinawag ni labo.
"Uy? nandito pala ‘yong isang walking salamin, naks. hindi kita nakilala ah," agad kong sabad sa kanila.
Nagtawanan naman agad ‘yong mga kaklase nila na naririto pa kasama namin.
"Magsilayas na kayo, at ikaw? Layas na,” agad kong singhal sa kanila na ikinagulat din nila.
Dali-dali rin naman silang umalis at ganoon din si Belinda marahil ay dahil na rin sa takot at pagka-pahiya. Lumakad na rin akong muli at napasunod din naman agad si labo sa akin, alam din naman niyang masasaktan siya kung hindi siya susunod sa akin. Nag-salpak na lang din ako ng earphone sa tenga para wala akong marinig na ingay, hanggang sa makarating na kami ng carpark.
"Arkyv?"
Nilingon ko si Arkyv matapos ko siyang tawagin pero dire-diretso lang naman siya sa kotse niya kaya sinapok ko siyang muli.
"Aray ko naman Daun! Bakit ba?" agad niyang angal sabay himas sa likod ng ulo niya.
Abat talagang nagrereklamo pa siya ha.
"Ang susi?" singhal kong muli sa kanya.
"Anong susi?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Iyong susi nito," hiyaw ko sa kanya saka ko agad na itinuro ang posas samin ni labo.
Tiningnan din naman agad iyon ni Arkyv saka siya agad na nataranta.
"What the hell?" hiyaw niya saka niya agad na kinalkal ang gamit niya.
Ultimo damit niya ay kinalkal niya na rin pero wala siyang nakuhang susi. Kaya agad ko siyang tiningnan ng masama.
"Hanapin mo!" hiyaw ko sa kanya na ginawa niya naman kaagad.
Tumakbo agad siya ng hindi nagpapaalam, babalik siguro siya sa room. Nananatili naman akong nakatayo sa may kotse ko at nananatili namang katabi ko si labo.
"It seems that it turns to be my luck now.”
Dinig kong sabi ng katabi ko dahilan para mapalingon agad ako sa kanya, nginisian niya lang din naman agad ako.
"Luck your face," singhal ko sa kanya.
Natawa lang din naman siya sa akin bago siya sumandal sa kotse ko habang nananatili akong nakaharap sa dinaanan ni Arkyv.
"Why are you doing this Varcon? Are you hurt?" he asks me.
Napatingin din naman agad ako sa kanya at agad ding napakunot ang noo ko dahil doon.
"Hurt? For what? Why?" nakangisi ko ring tanong sa kanya.
"Hindi ka marahil makapaniwala na sa kabila ng maraming taong nagkakandarapa sa’yo ay may taong hindi kabilang sa kanila," he said again.
Tumahimik na lang din naman ako at tiningnan ko lang din siya. How dare him? Sino ba sa inaakala niya ang kausap niya?
"Sino ka ba sa tingin mo? Hindi mo ba matanggap na isa ka lang walang kwentang tao katulad ng mga kaibigan mo sa pangingin ko? Na isa kang walang kwentang tao na walang ginawa kung hindi ang mang-apak ng mga tao at manira ng buhay nila. Alam mo para sa akin isa ka lang mahinang tao na walang magawang matino kaya ka ganyan, sana nga ay nagpakamatay ka na lang kung wala kang magawa sa buhay mo, ‘di sana nagkasilbi ka pa sa lupa."
My fist clenched and it landed on his face matapos niyang sabihin iyon sa sobrang galit ko sa kanya. Tumulo din naman agad ang dugo sa gilid ng labi niya ng lumingon muli siya sa akin, pero tumawa lang din agad siya.
"Masakit? Masakit malaman ang katotohanan hindi ba? Sa tingin mo ba malakas ka na niyan? Kinatatakutan? Mahina ka pa rin, wala ka pa ring kwentang tao in the end," pagpapatuloy niya sa pangungutya sa akin.
"You don't know anything!" hiyaw ko sa kanya.
And this time ay siya naman ang napatitig sa akin, blangkong blangko ang mga mata niya na nakatingin sa akin habang nagpupuyos ako sa galit.
"Wala kang alam, wala kang alam na kahit isa tungkol sa akin. Ang alam mo lang ay gago ako, pero wala ka ng ibang alam bukod doon,” muli kong hiyaw sa kanya.
"Talaga lang ha?" nakangisi niyang sagot sa akin.
Hindi na ako nagsalita at ganoon din naman siya pero nakangisi pa rin siya sa akin habang matatalim na tingin naman ang ipinupukol ko sa kanya. Hindi mo alam kung anong dahilan kaya tumahimik ka, wala kang alam sa akin.
"Nandito na ang susi, Daun?" mayamaya ay pukaw ni Arkyv ng atensyon ko dahilan para mapalingon agad ako sa kanya.
Tinanggal din naman agad niya ang posas sa kamay namin ni labo.
"Xyville 1, Dauntless 0," Xyville said again saka siya agad na umalis.
Hindi naman na ako nagsalita at napatingin na lang din ako sa dinaanan niya paalis habang nakatingin lang din naman si Arkyv sa akin. How dare you Xyville? Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin.
----------------------------------
Pinapanood ko lang muli si labo mula dito sa malayo, habang kasama niya si Belinda. Nasa garden sila ngayon at nagla-lunch habang nagaaral. Casual lang siya, gaya ng usual na siya pero nakikipag-usap siya kay Belinda. Si Belinda lang ang nakikita kong kinakausap niya rito at wala ng iba pa, marahil ay dahil one week pa lang din siya dito sa academy. Si Belinda lang din ang nagtatangkang makipag-usap sa kanya sa kabila ng major warning namin sa kanya, siguro ay dahil pareho silang newbie.
Sa totoo lang lahat ng sinabi niya ay nag-echo sa tenga ko, paulit-ulit na sumasagi sa isip ko lahat ng sinabi niya. Hindi ‘yon nawawala hanggang sa ngayon. Sa totoo lang din ay wala siyang karapatan na sabihin sa akin ang mga bagay na ‘yon, dahil hindi niya naman ako kilala. Ngunit hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang mga sinabi niya, marahil ay dahil siya lang din naman ang nagtangkang magsalita sa akin ng ganoon.
Mayamaya lang din naman ay tumunog na ang bell kaya pumasok na ako at naupo sa upuan ko dito sa room nina labo. Sinabihan ko na lang din si Arkyv na hayaan na sa akin si labo kaya hindi na namin siya kaklase ngayon. Bumalik na lang din siya sa dati naming klase. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na ang lahat even Belinda and labo at kasunod din nila ang teacher namin.
"Xyville, Dauntless and Arkyv perfect the quiz," agad na sabi ng professor namin sa buong klase pagpasok na pagpasok niya.
Siya pala ‘yong teacher namin na nagpa-quiz kahapon, sino nga siya? Hindi ko na pinilit pang alalahanin ang pangalan niya at nanatili na lang din akong tahimik. Narinig ko rin na binati ni Belinda si labo, pero hindi nagsalita si labo at naupo lang siya sa tabi ko at sa tabi niya ay naupo si Belinda.
"Leave that seat," banta ko kay Belinda.
Ang lakas ng loob niya na maupo sa tabi ni labo ha.
"Don't listen to her, ako ang bahala sa’yo," Xyville said to her.
"Okay lang Xyville," agad na sagot ni Belinda sa kanya.
Tumayo na rin siya para sana umalis na but labo stop her by holding her wrist, kaya hinila ko rin agad ang kamay ni labo para mabitawan niya si Belinda.
"Lipat," nagbabanta kong sabi kay Belinda.
Nanginig din naman agad siya sa takot at agad na namutla ang muka niya kaya dali-dali rin siyang lumipat ng upuan. Labo then look at me with his raging eyes kaya nginisin ko lang din naman siya.
"I'll show you why I’m like this. Nagtatanong ka kahapon hindi ba? And oh by the way, its Dauntless 1 and Xyville 0," bulong ko sa katabi ko na masamang-masama lang ang tingin sa akin.
"You’re still showing how worthless you are, coward b***h," pangungutya niyang muli sa akin.
Ngumisi lang ako doon habang nagngangalit pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Maglaban na lang tayo ng patas, and you cant say no to me, Xyville," muli kong sabi sa kanya.
"Deal and I’ll show you I’ll win," agad niyang sagot.
Ngumisi lang akong muli sa kanya saka ako naupo ng maayos at lahat naman ng mga kaklase namin na nakatingin sa amin ay agad ding napalingon sa unahan. Nauutal-utal pa na nagsimula ng discussion ang teacher namin, pero hindi ko na sila pinansin pa. Nandito lang ako dahil ipapakita ko sa labo na ito ang hinahanap niya at wala na akong pakialam sa iba pa.
Hindi naman nagtagal ay natapos na ang afternoon session na kami lang din ni labo ang sumasagot. Lalo naman siyang inis na inis sa akin kapag natatalo ko siya o nauunahan, minsan ay nakikipag-debate rin siya sa akin pero hindi naman siya nananalo. Simula ngayon ay tatalunin ko ang lahat ng records mo labo, sisiguruhin kong nandito na ang bangungot mo.
Matapos ang klase ay sabay rin kaming lumabas ng room namin at sabay rin kaming bumaba ng building namin. Hanggang sa carpark ay sabay rin kaming naglalakad kahit na tahimik kami pareho. Dumiretso lang din siya sa gate palabas ng school kaya sumunod agad ako sa kanya, inihabilin ko na lang din kay Fear na magta-taxi na lang ako pauwi.
"Why are you still following me? Titingnan mo ba kung anong buhay meron ako sa labas ng school? gagamitin mo rin ba ‘yon para talunin ako? Dyan ka naman magaling hindi ba? Pero kahit anong gawin mo, hindi ako matatalo, sinisiguro ko sa’yo yan," he said kaya napangisi na lang din ako sa kanya.
"Why would I do that? Hindi ba sabi ko sa’yo maglalaban tayo ng patas?" agad ko namang sagot sa kanya.
"Alam mo kung bakit matatalo ka sa akin?" he ask kaya nilingon ko agad siya.
Dahil ba galit na galit siya sa akin? Ganoon ba ‘yon?
"Dahil ba mas muka pa akong lalaki sa’yo kapag nagkataon ganoon ba?" natatawa kong sagot sa kanya.
"Dahil masama ang ugali mo, at dahil masama ang ugali mo ay ikaw rin ang babali sa deal na sinasabi mo," he said again.
Muli naman akong natawa sa kanya saka ako napangisi.
"Ganoon ba? Ikaw naman alam mo kung anong mali sa’yo? Bobo ka, bakit naman ako gagawa ng hakbang na ikakatalo ko aber? Hinding-hindi ako matatalo ano," tanging sagot ko sa kanya.
Hindi ko na rin siya pinansin matapos kong sabihin iyon, naglakad na lang din ako kasabay niya na tahimik lang din naman. Sa totoo lang ay may isang bagay talaga akong nais malaman mula sa walking salamin na ‘to.
"Bakit nga pala galit na galit ka sa akin?" mayamaya ay tanong ko sa kanya.
"Wala ka kasing kwentang tao, galit ako sa mga tulad mo, sa inyo ng mga kaibigan mo. Hindi mo na dapat tinatanong yan hindi ba? Alam mo na dapat ‘yon," he answered.
“Now I know. Oo nga tama ka, ganoon talaga kami,” pag-amin ko.
Napatango na lang din ako dahil sa sinabi niya at hindi na ako muling nagsalita. Totoo naman ang sinabi niya, aminado naman ako na sira-ulo talaga kami, aminado rin ako na basura ang ugaling meron kami. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng iba tungkol sa amin, and its understandable. But he’s the first person na nagsabi ng ganyan sa akin ng harap-harapan, he’s the first person na naglakas loob na ganyanin ako, at siya lang ang tanging tao na ganyan sa akin.
Napatunghay ako mula sa pagtungo habang nakatitig lang ako sa nilalakaran ko, at saktong-sakto naman na napailag akong bigla ng makita ko ang paparating na bike. Ngunit hindi rin ako nakaiwas kaagad dahilan para masagi pa rin ako at agad akong bumagsak dahil doon. Napatitig na lang din ako sa likuran ng kasama ko na patuloy pa rin sa paglalakad habang nakasalampak ako sa semento.
"Hoy miss mag-ingat ka nga, kung magpapakamatay ka huwag mo kong idamay!" dinig kong hiyaw ng kung sino kaya agad akong napalingon.
“Fvck you! I’ll sue you!” hiyaw ko rin sa kanya.
I also tried standing up but I failed at iniwan din naman agad ako ng walanghiyang naka-bike na ‘yon. Humanda siya sa akin oras na malaman ko kung sino siya. Napatingin na lang akong muli sa kasama ko na dire-diretso pa ring naglalakad, ni hindi niya na ako nilingon, kaya alam kong wala ng pagasang matulungan niya ako.
At bakit ba ako umaasa na tutulungan niya ako? For all I know masaya siya na ganito ang nangyari sa akin. Iniisip niya marahil na karma siguro sa akin ito, but sometimes I felt like he’s right. He sometimes hurt my ego dahil siya lang talaga ang kaisa-isang taong walang pakialam sa akin, kahit halos lahat ay handang ibigay sa akin ang lahat. Ganito pala ang pakiramdam? Bakit ko kaya nararamdaman ang ganitong bagay?