(Daun's POV) "Aminin mo nami-miss mo na si Triz ano?" kantiyaw ni Erlon sa akin sa ka sila nagtawanan. I just roll my eyes to them at saka ko sila tiningnan ng masama. Bakit ko ba naisip pa na bumalik sa bahay? Bakit ko naisip bumalik sa kanila para lang asarin nila ako? Bakit ko naisip pumasok ngayon para asarin lang nitong si Erlon? "Nakakahalata na ko sa’yo, Erlon. Habang tumatagal kumakapal ang muka mo na asar-asarin ako. May problema ka ba sa akin Erlon? Baka meron sabihin mo na, pagusapan natin ngayon," seryoso kong sabi sa kanya saka ako sumandal sa inuupuan ko at tinaasan ko rin agad siya ng kilay. Ngumiti naman agad siya sa akin saka siya napakamot sa ulo niya. "Syempre joke lang naman ‘yon, ano ka ba naman boss Daun?" Erlon answered. Nagtawanan muli silang lahat, dahil doon

