(Triz’s POV) “Hi!” agad na bati sa akin ni Ravon nang pagmulat ko ng mata ko ay siya ang nabungaran ko. Napangiti rin ako sa kanya saka ko lang napansin na ibang lugar ang kinaroroonan ko at ibang kama ang hinihigaan ko. “Are you okay?” he ask me. Napatitig ako sa kanya saka ko lang naalala na nasa hospital ako, and that I gave birth to my son. “Is he okay? My baby is healthy right?” I ask Ravon na muli ay ikinangiti niya sa akin. “Our baby is fine, Janna. Malusog siya at ligtas kayong dalawa,” Ravon said to me saka niya agad na hinalikan ang noo ko and I just smile at him. Hindi ko na rin naiwasang mapa-iyak dahil sa sinabi niya and he hurriedly hug me. Mayamaya ay lumapit na rin sa amin sina Mom and Dad maging sina Lolo at Elly. “Congratulations!” sabay-sabay nilang bati sa amin kay

