(Daun’s POV) “Pwede ba kaming sumunod? Ang daya niyo naman!” muling reklamo ni Triz sa amin habang kausap sila ni Arkyv at Belle kaya agad akong napatingin sa dalawa, saka kay Forest at Kyrro na naglalaro sa may pool. “Sira-ulo ba kayo?” singhal ko sa dalawa na halos pabulong lang saka ko sila pinanlakihan ng mata habang katabi ko si Kyrre. Agad ding napakamot ng ulo si Arkyv at sinenyasan lang ni Belle si Triz ng tahimik. Mayamaya ay inayos rin ni Belle ang camera para makita kami kaya sinimangutan ko lang ang mga kausap nila na nasa bahay. “Humanap kayo ng sarili niyong pupuntahan huwag kayong makapunta-punta dito,” banta ko sa kanila na agad ding nilang ikinakamot sa mga ulo nila. Muli rin akong napalingon sa dalawa sa pool na hanggang ngayon ay masaya pa rin na naglalaro. “Sorry na

