(Triz's POV) Si Elly na ang nagkwento kila Tita ng nangyari and I remain quiet, hindi rin ako umaalis sa tabi ni Daun dahil si Forest ang nagsabi sa akin na manatili ako dito. Kapag kasi may gagawin para kay Daun ay siya ang gumagawa ng lahat mula dito hanggang sa imbestigasyon. Sa ngayon naman ay nandito siya, nananatili rin siyang tahimik habang nakaupo siya sa tabi ko, and we both watch Daun na sa ngayon ay mas payapa na ang muka, unlike kanina na talagang mababakas na takot na takot siya. Sa totoo lang lahat talaga kami ay nagulat sa ginawa niya hindi talaga namin inaasahan na susuntukin niya si Kyrre. Pagkatapos nga ni Elly na mag-kwento sa kanila ay natahimik na lang din sila at ganoon din si Belinda. Siguro nararamdaman din nila na hanggang ngayon ay galit na galit pa rin si Fores

