(Daun's POV) Hanggang ngayon ay hindi ako mapalagay sa mga narinig ko, pinagiisipan ko pa ring mabuti ang mga narinig kong pinaguusapan nila kanina pero ayoko ring magpahalata sa kanila. Kung tutuusin naman kasi ay may punto rin si Dad, tama ang sinabi niya na mas mabuting mag-civil wedding muna kami bago kami mag-church wedding. Syempre, kahit ako ang tanungin mas gugustuhin ko rin na walang gulo sa kasal ko. Kaya lang ang tanong ay kaya ba namin? Kaya ko na ba? Kaya ko na bang maging asawa at ina in the future? Jusko, mag-boyfriend nga ay hindi ko makaya noon. Ang weird lang, isipin ko pa lang kasi na mangyayari ‘yon naba-baliw na ako. Kaya lang, kaylangan din naming gawin ‘yon kung hindi ay mahihirapan si Kyrre na kunin ang lahat ng mana niya. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang

