PROLOGUE
"Panget! Ang taba-taba mo! Baboy!"
"Patay gutom! kasing laki mo si majimbo! What an ugly fatty bítch!"
"Walanghiya, sobrang panget. Mataba na nga ang panget-panget mo pa, Ella the tabachoy!" Rinig ko ang tawanan nila.
Ilan lang iyan sa naririnig ko sa paligid ko habang sinasabuyan nila ako ng ihi rito sa loob ng cubicle. The girls behind close door were laughing nonstop, and shouting at me. They call me fat, ugly.
Hindi na bago sa akin na tinatawag nila ako ng ganoon. Dahil totoo naman ang paratang nila sa akin. Isa akong matabang babae, panget na nga sobrang taba pa. Lahat na yata ng kalait-lait na salita, sa akin tumama.
Halos hindi na magkasya sa katawan ko ang lahat ng damit ko at pilit ko pa ring sinusuot dahil wala akong choice. Gusto akong bilhan ni Mommy pero hindi ako pumapayag, bukod sa hirap akong makahanap ng damit na kasya sa akin. Masiyado ring mahal.
"Diyan ka na lang ba makukulong?" Panay katok sila sa pintuan ng cubicle.
Many students would bully me because I didn't fight back. Hinahayaan ko sila na kantyawin nila ako, pagtatawanan sa harapan ng maraming tao. Pinapahiya sa lahat. Ginagawa nila akong pulutan sa kanilang usapan. Masakit, pero tiniis ko dahil gusto kong makatapos ng pag-aaral. Gusto kong tapusin ang college degree ko. Ayaw ko na nang gulo. Alam kong pag lalaban ako, ililipat na naman ako sa ibang school. I'm tired of transferring again and again.
"Ano'ng ginagawa niyo diyan?"
Natigilan ako nang makarinig ng boses ng isang faculty na sinisita ang mga babaeng panay buhos sa akin ng kung ano-ano. Sobrang dumi na ng uniform ko. Kanina pa ako tahimik habang nakaupo sa takip ng inidoro.
"Wala Ma'm Jennifer... Girls, umalis na tayo. Baka nandiyan na ang sundo ko!"
Narinig ko ang tawanan ng mga babae saka sila nagmadaling umalis sa comfort room. Saktong uwian na sa mga oras na iyon at na isipan kong mag-comfort room muna pero sinundan pala ako ng babaeng panay bully sa akin, kaya ang nangyari uuwi na naman akong sobrang dumi.
"Ella, pakibuksan ito. Alam kong ikaw ang nandiyan!"
Panay katok ang faculty sa labas ng cubicle. Pinahid ko naman ang luha ko saka huminga ng malalim. I looked at my uniform, it was full of liquid. Sobrang dumi rin. I can smell the stinky uniform of mine. Napangiwi ako.
"Ella, open the door. You need to report this in the principal's office!"
Tumayo ako sa pagkakaupo sa nakatakip na inidoro. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang matandang faculty na nagulat sa nakikitang itsura ko ngayon. Kailangan niya pang humugot ng malalim na hininga bago ito makapagsalita.
"Samahan mo ako-"
Hindi ko na siya pinatapos dahil nagtatakbo na ako palabas ng comfort room. Mabuti na lang sa oras na iyon wala ng mga studyante dahil uwian na iyon.
Tinawag niya ako pero hindi ko na siya binalingan.
Pagkarating ko sa gate. Napahinto ako nang may humarang sa tapat ng kalsada. Isang familiar na kotse. Inangat ko ang tingin sa kotse na iyon nang may lumabas sa driver seat. Isang lalaki na nakasuot ng itim na uniporme. Maayos at pormado itong tingnan habang naglalakad palapit sa akin.
Tiningnan niya lang ang itsura ko mula ulo hanggang paa saka iniling ang kanyang ulo.
"Pumasok na kayo sa loob Maam Ella. Kanina pa naghihintay si sir sa inyo." Tikhim ng lalaki saka pinagbuksan ako ng pintuan na para bang normal na lang sa kanya na makita akong ganito ang itsura tuwing uwian.
Tahimik naman akong pumasok sa backseat. Pinigilan ko ang nangingilid kong luha.
Nang marinig kong sumirado ang pintuan sa tabi ko, sumunod na rin ang lalaking nagsundo sa akin sa pagpasok sa loob ng kotse.
Nakayuko lang ako sa backseat nang maramdaman ko na inabutan ako ng towel ng lalaki.
"Punasan niyo po ang sarili niyo, Ma'am. Baka magalit na naman iyon si sir kapag nakita kang naka ganyan."
Hinawakan ko ang towel saka pinahid ko sa sarili ko. Pinilit kong magpakatatag sa mga oras na iyon habang tinahak namin ang daan pauwi. Habang nasa byahe, inaasikaso ko sa paglinis ang sarili.
Panay kagat ako sa pang-ibabang labi ko. Malalim na huminga nang sa ganoon, maibsan ang mabigat sa damdamin.
Ilang sandali pa nakarating din kami sa bahay, pumasok kami sa matayog na gate na gawa sa bakal. Nilagay ko na lang ang towel sa balikat ko saka tumingin sa labasan kung saan nakikita ang malalaking fountain, ang golf court area, ang basketball court na sobrang linis. Hanggang sa huminto ang kotse sa malaking bahay. Isang bahay na parang palasyo o should I say, isang modern mansion.
"Nandito na tayo, Ma'am Ella."
Bumababa iyong driver saka pinagbuksan niya ako ng pintuan. Agaran naman akong bumababa saka nagdiretso na sa pagpasok sa loob ng mansyon.
"Dumiretso na lang po kayo sa library. Naghihintay si sir doon," pahabol pa nito.
Tahimik ko pa ring tinahak ang sinasabi niyang library.
"Magandang hapon, Ma'am Ella," bati sa akin ng mga bodyguards na nadadaanan ko sa bawat kanto ng mansyon.
Nakayuko lang ako at hindi pa rin umimik. Kabisado ko na ang buong mansyon kaya nakarating agad ako sa library. Kahit hindi pa ako nakabihis, kailangan kong dumiretso agad dito para puntahan ang lalaking alam kong naghihintay sa akin.
Kumatok muna ako ng tatlong beses sa labas ng library bago ko napagpasyahan na buksan ang pinto. When I opened the door. Bumungad sa akin ang maraming libro sa paligid at sa pinakagitna nu'n. May malaking lamesa roon at isang computer monitor. May lalaking nakaupo roon sa isang swevil chair. He's wearing eye glasses. It looks like he's very busy reading some papers on the table.
Hindi man lang niya ako binalingan kahit alam niyang nasa loob na ako ng library. Nakatayo lang din ako sa pintuan. Hinihintay ang sasabihin niya. Alam kong ayaw niya nang maingay at maraming tanong kapag may ginagawa siya, kaya hindi na muna ako nagsalita. Pinakiramdaman ko muna ang atmosphere sa aming dalawa.
Nandoon lang ako sa loob ng halos kalahating oras, walang ginagawa. Nakatayo lang. I'm just waiting for him to call me.
"Come here!"
Naigtad ako nang marinig ko rin ang boses niya. It took him a while before he gave me attention. Hinakbang ko ang mga paa nang dahan-dahan.
My head was bowed down, so that I don't see his face or any reactions of him. I'm only looking at the floor. I can feel my knees shaking.
"You look like a mess, Ella. What happened in your school?" buo niyang tanong.
Narinig ko na lang ang lagapak ng isang folder sa lamesa niya at ramdam ko na pinagtuonan niya ako pansin mula ulo hanggang paa.
"Tinapunan ako ng ihi saka nang kung ano-ano sa mga studyante-"
"You didn't fight back?" strikto niyang tanong.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi saka iniling ang ulo.
"Marami sila."
"And so fúcking what? Araw-araw na lang ba, ganyan ka palagi? Kung ano-ano'ng amoy na lang ang naamoy ko tuwing uwian mo. I'm so sick of it!" mariin niyang sabi.
"I'm sorry-"
"I want you to fight back. Don't be so weak."
"H-Hindi ko magagawa iyon. Mas malala pa ang ginagawa nila kapag lalaban ako. Isa pa baka ma-transfer ulit ako sa ibang University."
"Búllshit! Stop giving me that kind of reason...Look at me!" Nagulat ako nang hinampas niya ang lamesa.
Mabilis ko namang inangat ang atensyon sa kanya. Para naman akong napaso sa mga titig niya nang makasalubong ko ang nanaliksik niyang titig sa akin.
Halos manginig ang mga binti ko sa mga oras na iyon. Kinurap ko ang mga mata. Kumunot naman ang kanyang noo.
"Alam mo ba kung ano'ng papel ko rito, Ella?"
Tumango ako ng dahan-dahan.
"I-Isa k-kang G-Governor-"
"Exactly... I'm a Governor. I'm a busy person. Mas marami pang importanting asikasuhin. Maraming umaasa sa akin tapos pati problema mo ako pa ba ang gagawa ng sulusyon? Are you stupid? Huwag mo akong idamay sa katangahan mo babae!"
"H-Hindi naman sa ganoon. Kahit kailan hindi kita dinadamay-"
"You're my wife...I'm your husband. That's why, I can't announce to everyone that you are my wife. Bukod sa hindi ka na nga kagandahan, sobrang taba mo pa. Tatanga-tanga ka rin talaga. Dapat sa'yo ang manatili na lang rito sa bahay."
Napaatras ako ng paa sa pagkat ramdam ko ang panghahapdi sa puso ko. I can really feel the knife who's stabbing in my chest. Masakit mainsulto sa mga taong nasa paligid ko pero wala nang mas sasakit na marinig mismo sa bibig ng lalaking nasa harapan ko kung paano niya ako laitin.
"Pasensiya na, Calvin," mababang tinig kong sabi. Pinipigilan ko ang mga luha.
"Shut up! It won't help. Puro ka paawa. Learn to be strong. Will you please, don't expect me to help you. Asawa lang kita dahil wala akong choice. Kung pwede lang mamili...Baka matagal ko nang ginawa."
Napayuko na lang ako para itago ang nangingilid kong luha. Mahabang katahimikan ang namamagitan sa amin. Narinig ko na lang ang tunog ng kanyang cellphone sa lamesa. I heard him answering the call.
"Ano'ng oras ang shoot? Yeah... I'll be there in an hour...Bakit hindi mo sinabi sa akin na may taping ako? I don't remember you said that to me. Alright, I'll be there. See you."
Natapos ang usapan niya doon sa kabilang linya kaya muli niya akong kinausap.
"Bukas ng gabi...Magkakaroon ng social gatherings sa malaking Hotel. My dad told me that I should bring you, para ipakilala kita sa lahat."
Nanlaki ang mata ko saka inangat ang tingin sa kanya. Lumunok ako nang makasalubong ang seryoso niyang mukha.
"Isasama mo ako, Calvin?"
Tinaasan niya ako ng kilay. Lumabas ang ngisi niya na para bang pinagtatawanan niya ang pagtatanong ko.
"Sa isang taon natin na mag-asawa. May naalala ka ba na sinama kita sa mga ganyan?"
Pakiramdam ko napahiya ako. Iniling ko ang ulo saka nag-iwas ng tingin.
"H-Hindi pa...Hindi mo pa ako sinama maski isang beses," mababang tinig kong sabi.
"Tsk! This time... You should prepare. Sa unang beses. Isasama kita. My dad wants proof that I will bring you into a special gathering...So, you must get ready tomorrow evening. I want to see you being dress sophisticated."
Lumakas ang tibók ng puso ko. Hindi ako handa lalo na't biglaan ang anunsiyo niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na isasama mo ako. Nang sa ganoon, makapili ako ng susuotin-"
"Kahit ano'ng suotin mo, Ella. Walang babagay sa'yo. Wear anything that you want. Basta huwag kang didikit sa akin pagdating natin doon. I don't want an issue. Ayaw kong makita na nasa balita ang pagmumukha mo. Ayaw kong pag usapan ng tao na may matabang panget na obsessed na babaeng sunod nang sunod sa akin."
Napayuko ako saka tumango. Pinaalis na ako ni Calvin sa library pagkatapos niyang sabihin iyon. Tulala naman ako sa kawalan habang dumaan sa malaking hallway patungo sa kwarto ko.
Hindi na bago sa akin kung harap-harapan niya man akong laitin. Hindi ko rin siya masisi dahil hinahayaan ko rin naman siyang laitin ang buong pagkatao ko.
Natigil ako sa paglalakad sa hallway nang makita ang malaking billboard ni Calvin. Naka-sideview siya ng higa doon habang suot ang isang branded t-shirt at isang black pants. His face was fierce. Simple lang ang billboard na iyon pero ang lakas ng hatak sa paningin ng mga tao.
Hindi ko maiwasang huminga nang malalim. Isang taon na kaming kasal ni Calvin... Kasal na alam kong napipilitan lang siyang gawin.
Hindi basta-bastang tao lang si Calvin. He's very famous in the industry at alam kong prinotektahan niya ang imahe niya sa mga tao dahil isa siyang Governor.
He's not just a public servant but his also a famous artist. Isa siya sa highest paid actor sa buong Pilipinas kaya nahihirapan ako kung paano ko itago sa lahat na kasal ako sa lalaking kagaya niya. Isang lalaki na pinapangarap ng lahat. Lingid sa kaalaman ng lahat. He already had a wife. Walang iba kundi ako iyon...Ako na isang tagahanga at sumusuporta sa kanya mula noong high school ako.
I'm THE GOVERNOR'S XXL UGLY WIFE. And our marriage is a secret. Because he is famous and very known. While, I'm just a simple woman who's secretly obsses with him.