Kung may kinatatakutan man ako, iyon ang makasal ako sa lalaking hindi ako tanggap. It will be my worst nightmare if I agree na makasal ako kay Calvin.
Masakit marinig na nilalait niya ako. Kahit totoo naman ang sinabi niya. Hindi pa rin tama na mapipilitan siya na makasal dahil lang sa agreement ng mga magulang namin. Hindi siya natatakot na masaktan ako sa mga salita niya. Paano na lang kung magkasama na kami? Baka mas malala pa ang pwede niyang gawin.
Ayaw kong gawing mesirable ang buhay ko dahil lang gusto kong matupad ang kagustuhan ko na makasal sa lalaking matagal ko nang pinapantasya. Also, I don't want to forced him.
Ilang araw akong nagmukmok sa kwarto ko. Iyak lang ako nang iyak. Hindi na rin ako kumakain dahil nasasaktan talaga ako ng sobra.
Imagine that? Ilang taon akong humahanga kay Calvin tapos iyon din ang unang beses na makita niya ako. Agad akong nakatanggap ng pang-iinsulto.
Paulit-ulit kong narinig sa aking isipan ang panlalait ni Calvin sa akin. Gabi-gabi, binabangungot ako lagi.
I adore him from a far. Matagal kong pinangarap na mapansin niya ako pero sa bandang huli. Ganoon lang ang unang tingin niya sa akin. Hindi niya ako gusto dahil panget at mataba ako.
"Fix na ang kasal niyo ni Calvin, iha. Nagkasaundo na kami ng magulang niya na ipagpatuloy ang kasal niyo kahit alam kong parehong hindi niyo gusto na maikasal."
Napabangon ako sa pagkakahiga. Pinahid ko ang luha saka tinitigan ko si Mommy at Daddy. Tinanggal ko ang headphone sa aking ulo.
"Bakit niyo pinilit na ipakasal niyo siya sa akin? Ayaw kong mamilit ng tao...inaamin ko, gusto ko siya. Pinangarap ko siya noon pa pero hindi ko gusto na magkaroon kami ng fix marriage dalawa. I don't want to be selfish, Mom!"
Nagkatinginan si Mommy at Daddy. Hinawakan ng ina ko ang aking kamay ng mahigpit. Hinimas niya rin ang pisnge ko. She smiled genuinely. Pansin ko na naiiyak rin siya.
"Gusto lang namin na sumaya ka anak. Ipamukha mo sa lahat ng tao na kaya mong maabot ang gusto mo...Katulad na lang kung paano mo hangaan si Calvin. Matagal mo na siyang pinangarap. Hindi ba? Gusto lang namin tuparin."
"Pero, Mommy..."
"Please, kahit secret marriage lang. Okay na kami doon. Gusto lang namin matupad ang hiniling mo bago ako mawala sa mundo."
I stunned for a moment. Prinoseso ko ang huling sinabi niya.
"W-What do you mean, Mom?" naguguluhan kong tanong. Nanginginig ako bigla kahit wala pa siyang sinabi. She only gave me a glimpse of smile.
"May sakit ang Mommy mo...stage four cancer, iha." Si Daddy na ang sumagot. "Ang gusto niya, bago siya mawala sa mundo. Gusto niyang makita kang masaya na, at ikakasal sa taong minahal mo talaga. Gusto niyang mahatid ka sa altar bago siya mawala."
Parang tumigil ang mundo ko nang malaman iyon. Hindi ko alam ang sasabihin. I'm very speechless.
"M-Mommy, is that true? May cancer ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin ito?" Nataranta na ako. Sunod-sunod ang luha ko.
"Ayaw kong maging malungkot ka iha. I'm really sorry. Kaya please, before I'll be gone in this world.G-Gusto kung makita na masaya ka sa pinapangarap mong lalaki. Gusto rin kitang mahatid sa altar. Kahit iyon lang."
"Mom, don't say that. Please, hindi ko po kaya na mawala kayo." Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko mapigilan ang hagulhul ko.
"I'm dying, iha. Isang taon na lang ang buhay ko, iyon ang sabi ng doctor. I hope you will be happy... Gusto kong matuto kang lumaban, Ella. Huwag mong hayaan ang sarili mo na basta-basta na lang laitin. Alam kong maganda ka sa panloob at panlabas na anyo, iyon ang gusto kong makita ng mga tao sa'yo, lalo na sa magiging asawa mo na si Calvin. Show him that you're a good wife, na maganda ka kahit hindi mo kailangan mag-effort."
That was my mother's last wish for me na hindi ko kayang tanggihan. Nagkaroon ulit ng dinner ang pamilya ni Calvin at ang parents ko para pag usapan ulit ang kasal. Naguguluhan na ako sa mga oras na iyon dahil ayaw pa rin ni Calvin na makasal sa akin. As usual, he always decline. Hindi rin siya natatakot na mawala ang career niya basta raw hindi lang siya makasal sa akin.
"Papayag na ako na magpakasal sa'yo, Calvin. Pero huwag kang mag-alala...Gagawin nating sekreto ang lahat. Walang makakaalam na kasal ka na. Gusto ko lang sundin ang kahilingan ng ina ko bago pa siya mawala sa mundo," seryoso kong sabi.
"Are you fúcking crazy, woman. Ikaw lang ang masaya sa secret marriage na gagawin natin...ang ayaw ko sa lahat ang makatuluyan ko ang babaeng nagkandarapa sa akin. Kahit ano'ng rason pa iyan...I don't want to marry an obsessed fan. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa kagaya mo. You're not my type, and I don't like fat ugly woman."
For the second time around. Nasaktan ako sa sinabi niya. Ang hirap pilitin ni Calvin kahit ilang beses na siyang prinovoke ng magulang niya at ng magulang ko, ayaw niya talagang magpakasal sa akin. Hanggang sa isang araw. Nagulat na lang ako noong uwian ko na sa skwelahan. May bodyguard ang nagpasakay sa akin sa kotse.
Sumisigaw pa ako noon sa takot dahil iniisip ko na baka kidnapin ako. Pero noong makapasok ako sa backseat. Natigilan ako nang makita ko si Calvin.
Prente siyang nakaupo, may suot siyang tinted black shades. Nakatukod ang siko niya sa bandang bintana. Nanlaki naman ang mata ko.
"C-Calvin, ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ako nandito?" taranta kong tanong. "Akala ko ba ayaw mo sa akin? Bakit mo ako kikidnapin?"
Walang ganang tingin ang ginawad niya sa akin nang binalingan niya ako. Gumalaw ang kanyang panga. Medyo nakakasilaw ang itsura niya ngayon. He's wearing a white longsleeve folded on his forearm. Nakasuot din siya ng black pants with black belt and a black shoes. Magulo ang kanyang buhok. He's really handsome right now. Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya rito sa loob ng sasakyan niya.
"Tutuloy na ako sa kasal."
Nalaglag ang panga ko sa seryoso niyang turan. Nablangko bigla ang isipan ko. I raised my brows, pinanliitan ko siya ng mata. Baka kasi nagkaroon lang ito ng pasa sa mukha o di kaya na untog kaya na bago ang isip niya.
"H-Huh...H-Hindi ko makuha. B-Bakit nagbago ang desisyon mo. Akala ko ba ayaw mong magpakasal sa akin?"
"Ayaw ko naman talaga pero na isip ko, isang secret married lang naman ang magaganap sa atin. That's fine with me, as long as hindi alam ng mga fans ko na kasal na ako. Ayaw kong masira ang career ko. It should be our parents know that we're married. Not a problem to me anymore." Kalmado siyang sumandal sa kanyang kotse.
"Bakit nagbago ang plano mo?" Hindi pa rin ako mapakali.
Halo-halo ang emosyon na naramdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko akalain na sa isang iglap lang, nagbago ang kanyang desisyon. May ka unting saya, kaba at higit sa lahat takot sa magiging resulta.
"May sakit si Mommy...This is her last wish. Also, she wants to save our Company too. Mayaman ang pamilya niyo. Kayo ang choice ni Mommy at Dad, para buhayin ang negosyo namin na kukunin ng Gobyerno." Bigla siyang tumitig sa akin ng matagal. "Just like you. I just want to grant my mother's last wish before she dies."
Napatanga ako nang wala sa oras. I saw how his emotions change. Ngunit nagbago rin agad. Bumalik sa blangkong ekspresyon.
"Kung ganoon... May sakit din pala ang Mommy mo. Kagaya ng Mommy ko, isang taon na lang din ang-"
"Tsk...I don't want to hear your dramas. Let's talk our upcoming marriage and our plan, Ella."
Biglang tumibók ang puso ko nang mabilis nang tawagin niya ang pangalan ko. Ang sarap sa pakiramdam na marinig sa kanyang bibig kung paano niya banggitin ang pangalan ko.
"Ikaw na ang bahala, Calvin. Siguro let's just wait na lang sa plano ng magulang natin. Wala rin akong idea sa gagawin."
"Hindi ako papayag na sila ang mangialam sa kasal natin. Balak kong sa ibang bansa tayo ikakasal dahil doon pwede tayong mag-file ng divorce kung sakali mang may gusto nang humiwalay sa ating dalawa. Hangga't buhay pa ang Mommy ko...Gusto kong ipakita sa kanya na natupad ko ang hiling niya."
Bago ako tuluyang umalis sa kotse niya. May pabahol pa siyang sinabi na labis na ikakasakit ng damdamin ko.
"And please, stop being a fan girling thing when you're with me. Nandidiri ako kapag na iisip ko na masiyado kang obsses sa akin."
I don't have a choice but nodded my head.
Pareho kaming na iipit ni Calvin sa mahirap na desisyon. Mahalata naman sa kanyang mukha na ayaw niya sa akin pero dahil sa kagustuhan ng parents naming dalawa. Wala kaming magawa kundi ang sundin ang kagustuhan nila.
Saktong third year college na ako. Doon na kami pinakasal ng magulang ko sa Europe. Since Calvin is a resident there, we're allowed to get married and get divorce any moment.
Hindi kami sa church kinasal. It was more like a civil wedding. Walang bisita, walang mga kamag-anak. Walang ibang tao kundi ang parents lang namin ang saksi sa lahat ng kaganapan. We also needed to kiss. It was my first kiss. Kinakabahan pa ako dahil si Calvin ang makakuha ng first kiss ko.
Pumikit ako nang mariin naghanda sa paghalik ni Calvin pero naramdaman ko na lang na hinalikan niya lang ako sa gilid ng labi ko. Sobrang bilis nun at hindi ko ramdam. Pagmulat ng mata ko, wala na si Calvin sa harapan ko. Lumabas na siya ng room. Pagtingin ko sa marriage contract namin, may pirma na niya roon.
"Congratulations, you're already tie the knot," sabi ng judge.
Ngumiti lang ako dahil naawa ako kay Calvin. Sa sobrang pandidiri niya sa akin hindi niya ako kayang tingnan sa mga mata. Maski halikan sa labi, hindi niya kaya. Kahit na ganoon, kinikilig pa rin ako dahil naranasan kong mahalikan sa gilid ng labi ko.
Nalaman ko na naunang umuwi sina Calvin pabalik ng Pilipinas dahil may taping pa siya sa kanyang new upcoming movie.
"I'm so happy for you, iha. Alam ko...Hindi pa ito ang huling kasal na magaganap sa inyo ni Calvin," sabi ni Mommy habang hinihimas ang ulo ko. "Sana sa susunod sa simbahan na. Gusto ko sanang ihatid ka sa altar pero dahil gusto ni Calvin na madaling kasalan. We choose a civil wedding. But that's fine with us, masaya na kami roon."
Para lang kaming kumain ng isang araw sa Europe pagkatapos umuwi na agad kami pabalik ng Pilipinas.
Ang parents ni Calvin at ang pamilya ko. Nagkasunndo sila na bigyan kami ng bahay. Isang mansyon, para daw may matirhan kami. May sariling maids na rin at mga bodyguards.
Tuwang-tuwa ako dahil sobrang laki talaga ng mansyon. Modern ang desinyo pero sa sobrang laki pala nito. Hindi kami halos nagkikita ni Calvin sa bahay namin. Madalang lang lalo na't hindi kami pareho ng kwarto. Well, nasa kasunduan namin ito na hindi kami pwedeng magsama sa iisang kwarto. Hindi rin kami pwedeng dikit o magkalapit ng silid. Nasa first floor ang kwarto ko tapos nasa second floor naman ang silid niya.
Sa sobrang laki ng bahay. Hindi namin alam kung umalis na ba siya sa mansyon. Wala rin naman kaming kumunikasyon. Sa loob ng isang taon na nagsasama kami sa iisang bahay, mabilang lang ang araw na nagkikita kami. Palaging busy si Calvin sa career niya at sa pagiging Gobernador niya.
Maski isang beses hindi pa kami nagsabay kumain, hindi rin kami nagpalitan ng number sa isa't-isa. Pakiramdam ko, ang layo niya pa rin sa akin. May asawa nga ako pero hindi ko rin naman ramdam ang presensiya niya.
Sobrang lungkot para sa akin na ganito ang sitwasyon namin. Hindi ako masaya sa set up namin. Akala ko araw-araw ko siyang masisilayan dahil nasa iisang bahay na kami pero hindi pala. Mas nilalayo pa kami ng panahon. Siguro ako lang itong malaki ang expectations sa pagiging mag-asawa namin. Habang wala naman siyang pake. Mas focus siya sa career niya.
Hanggang sa dumating ang araw na namatay si Mommy dahil hindi na talaga na agapan ang stage four cancer niya. Iyak ako nang iyak sa mga oras na iyon. Iyon ang pinakamasakit na araw na naganap sa buhay ko. Ang mamatay si Mommy.
Nag-alisan na ang mga tao sa puntod ni Mommy dahil sobrang lakas ng ulan. Hindi ko magawang umalis dahil gusto ko pang masilayan ang lapida niya. I was mourning. I was really in pain. Hindi matigil ang paghikbi ko kahit ang lakas ng ulan at basang-basa na ako. Ngunit sa kalagitnaan nang pag-iyak ko. Naramdaman ko na lang na hindi na ako natatamaan ng ulan. Someone's covering me behind.
Pagtingin ko sa ibabaw ko. Nakita ko ang seryosong mukha ni Calvin. Nakatitig siya sa akin gamit ang blangko niyang istura habang hawak niya ang itim na payong. Tinatabunan niya ako para hindi ako mabasa sa rumaragsang ulan.
"C-Calvin..." mahina kong sambit. "A-Akala ko umuwi ka na?" namamaos kong tanong.
"I get bored waiting for you in the car. Pinuntahan na kita rito."
I blinked my eyes. Tumulo na naman ang luha ko. Nakita niya ito kaya mas lalo siyang tumitig sa akin.
"Mauna ka na sa pag-uwi. Si Daddy na ang bahala sa akin." I looked away. Nahiya sa itsura ko ngayon.
"Umuwi na tayo, Ella. Tumayo ka na diyan. Masama ang panahon. Baka magkasakit ka pa. Ayaw kong may inaalagaan." Iyon ang unang beses na malambot ang pakikipag-usap niya sa akin. Kapansin-pansin rin ang awa niyang tingin sa akin. Ngunit agad rin namang nawala dahil bumalik sa pagiging blangko. "Grab my hand. Let's get in my car."
Naglahad rin siya ng kamay. Tumigil ako sa pag-iyak.
Tinitigan ko ang kanyang palad na unang beses ko pa lang mahawakan. Nakakatawang isipan dahil isang taon na kaming kasal. Walang nangyayaring maganda sa aming dalawa. Ito pa lang ang unang beses na maramdaman ko na concerned siya sa akin.
I hold his hand tightly. Noong araw na mahawakan ko ang kamay niya, gumaan ang naramdaman ko. Parang nagkaroon ako ng lakas. At nakaramdam ako sa kauna-unahang pagkakataon na safe ako noong oras na iyon. Safe ako habang hawak ko ang kamay ni Calvin. Sana ganito na lang palagi. Sana ganito na lang ang pagtrato niya sa akin.