Habang nasa byahe kami pauwi ni Calvin pansin kong wala ito sa mood. Hindi tuloy ako makahanap ng tyempo para magpaalam sa kanya pa tungkol sa desisyon ko na gawing model iyong janitor niya sa CK Company. "Uh...Calvin,.I have something to tell you when we are already at home," saad ko pa. Tinapangan ko lang ang sarili kahit hindi ito umimik. "Yeah. We need to talk." Binalingan niya ako. Isang iritadong tingin ang pinukol niya sa akin. His eyes were on fire. Suminghap naman ako. Mukhang wala talaga siya sa kanyang mood kaya tinanguan ko lang siya. Madali lang din naman ang byahe namin pauwi dahil mabilis siyang magpatakbo. Pagkapasok pa lang namin sa kwarto agad ko nang hinarangan ang daraanan niya patungo sa banyo. Hindi na ako makapaghintay na mamaya ko pa ito sasabihin lalo na't ka

