Nang makarating kami sa unlimited seafoods, sa menu pa lang natatakam na naman ako. Nag-order kami ng marami, nagtaka pa nga si Calvin kung mauubos ko ba ang in-order ko. I told him, yes. Because I felt like, I wanted to eat more of it. Nag-uusap lang kami ni Calvin kagaya ng normal na usapan. Hindi naman mahirap maghanap ng topic dahil tungkol lang naman sa lugar na ito ang pinag-uusapan namin. Hanggang sa na punta kami sa usapan ng kanyang ina. "Tungkol sa Mommy mo...Hindi ba siya nabo-bored na mag-isa lang siya sa Isla?" kuryuso kong tanong. I can't really imagine for five years she was just there on that small Island. Nalaman ko kasi na hindi rin daw ito lumalabas ng rest house. Nagkukulong lang talaga ito. Nagkibit-balikat si Calvin. "Nah, my dad always visited him. Ngayon lang i

