"Kairita, puro pulang puso na naman nakikita ko! " reklamo ni Neil habang naglalakad kami sa corridor.
Valentines day na bukas kaya punong puno ng mga puso at pulang decoration ang paligid. At as usual para sa tulad naming mga single, isang normal na araw lamang ito. Duh! Mabubulok naman 'yang mga flowers niyo mga pakshet kayong lahat! Charot.
"Luh, bitter! " panunukso ni Paul sa kaniya.
"He, manahimik ka riyan kung ayaw mong gilitan kita at magdagdagan ng pulang decoration dito, " pag-irap nito sa kaniya.
Nagtawanan kami sa sinabi ni Neil at binatukan naman siya ni Paul.
"Bitter ka lang kasi wala kang ka-date. Ako meron! " sagot naman ni Paul sa kaniya.
"Alam ba niyang ka-date mo na ikaw ang ka-date niya? Gagi ka baka umatras 'yon pag nalamang ikaw, " natatawang saad ni Neil.
Hanggang sa makapasok kami sa room ay asaran lang sila ng asaran. Mamaya lang hindi malabong magsapakan na ang dalawang ito 'pag nagkapikunan na.
Kakatapos lang ng exam namin last week kaya medyo chill kami nitong mga nakaraang araw. May ibang teacher na chinichika namin para hindi na magturo at bibigay naman, pero may mga teacher din talagang sadyang masisipag at hindi namin madaan sa chika. Hehe, sorry na po mga ma'am at sir.
"Manonood ba kayong battle of the bands bukas? " tanong ni Paul na tinutukoy ang gaganapin na battle of the bands sa araw ng ng Valentine's day. Since wala namang prom ang mga junior high school, naisipan ng student council na gawin ang program na ito sa araw ng Valentine's day, hindi lang para sa amin kun'di para sa lahat, even mga alumni ay invited. Nasakto rin namang natapat na Friday ito kaya hindi kami mamomroblemang magpagabi.
"Of course! Ando'n mga jowa ko! " malanding sabi ni Neil.
"Ako hindi. Alam niyo naman, strict parents, " malungkot na saad ni Liz.
"Nubayan! Saya pa naman no'n! " Neil pouted.
"Sorry, ganda ko kasi masiyado kaya strict an parents, " she shrugged her shoulders.
Neil rolled his eyes at her and lightly pulled her hair.
Lumipat ang tingin sa amin ni Paul. "Kayo ba? "
"Punta ako, " sagot ko habang ang dalawa nama'y tumango lang.
Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan kong nagsisigawan sila Mama at Papa sa kusina. Sa sobrang lakas ng sigawan nila ay hindi yata nila narinig na may pumasok sa pinto. Napabuntong hininga na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko dahil sanay naman na akong naririnig silang ganyan. Mag-aaway, magsisigawan, magsusumbatan, tapos magbabati. Paulit-ulit lang ang routine nilang ganiyan. Minsan na nga lang silang uuwi ng maaga, madadatnan mo pang nag-aaway. Huh, sucks to be me.
Pagkapasok ko ng kwarto ay binagsak ko ang katawan ko sa kama. Napatulala ako sa kisame at unti unting bumagsak ang mga luha sa mata ko. Gusto ko lang naman ng maayos na pamilya, bakit naman kailangan mangyari lahat ng 'to? It's not as if ginusto kong mabuhay sa mundong 'to, tapos mapupunta ka pa sa malungkot na pamilya.
Hinilamos ko ang kamay sa mukha ko at huminga ng malalim. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para makapagbihis.
Kinabukasan, sinadya kong magpa-late ng gising dahil wala namang klase. Hindi naman super later, sakto lang. Ang alam ko'y may program din ngayong umaga kaso hindi ko nabalitaan kung ano ito. Parang mga spoken word poetry keme ata 'yon. Mayroon nga ring color coding na sobrang corny tapos kagabi lang nila pinost 'yung about doon. Balak ko pa naman sanang magsuot ng red, buti na lang nabasa ko bago ako matulog kun'di ipangangalandakan ko pa na in a relationship ako kahit wala naman talaga. Ang red kasi ay para sa mga in a relationship, white para sa single, black for it's complicated, blue for friendzoned, yellow for married (na panigurado'y mga teachers lamang ang magsusuot), green para naman sa mga looking for someone (na for sure ay susuotin ni Neil ito), at university shirt para sa mga walang pake at study first. And siyempre bilang totoo namang wala akong pake, university shirt ang isusuot ko.
Pagkapasok ko ng banyo ay didiretso na sana ako sa shower ng mahahip ng paningin ko ang itsura ko ngayon. Napabalik ako sa salamin at nakitang mukha akong sabog na sabog ngayon. Halatang galing ako sa pag-iyak dahil sa pamamaga ng mata ko. Napa-irap na lang ako sa sarili. 'Di bale, mag-eye liner at concealer na lang ako mamaya para hindi mahalata.
After taking a bath, I dressed in a white university shirt, tucked in a plaid trouser, and paired it with a white Nike Airforce 1 shoes.
I transferred some of my important things in my mini backpack because I'll be using it for today. I also brought my instax camera and my film camera to take some pictures later.
Mga bandang 9:00 am nang natapos akong gumayak. Hindi na ako nag-breakfast dahil pagdating ko ng kusina ay walang lutong ulam. Kahit kanin wala. Tinatamad naman na ako dahil matatagalan pa ako kapag nagluto pa ako.
Pagdating ko sa school ay nagkalat ang mga estudyanteng iba't-iba ang kulay ng t-shirt. Marami-rami ang mga nakapula at ang iba'y may hawak na mga roses o 'di nama'y bouquet. Sakit niyo sa mata. Charot.
Pagkarating ko ng room ay nadatnan ko ang mga kaklase kong gulo gulo ang upuan habang nanonood ng movie. Ang iba sakanila'y naka-red pero karamihan sa ami'y nakaputi at naka-university shirt. White university shirt ang suot ko para combo na single at walang pake na study first.
Dumiretso ako sa pwesto nila Neil at Liz na hindi naman nanonood ng movie at busy lang mag-chikahan sa likod. Pagkalapit ko sa kanila'y agad kong tinawanan si Neil na nakasuot ng green. I knew it.
"Hayup ka nag-green ka talaga?! Jowang jowa?! " tawang-tawa kong sabi sa kaniya.
"Wala kang pake. Binash ko ba kayong mga naka university shirt ha?! Mga kunwari study first pero madami naman mga crush niyo! " mataray niyang sabi.
Nagkatinginan kami ni Liz na nakasuot din ng white university shirt. Tinawanan lang namin siya. Wala pa si Joaquin at Paul na panigurado'y mga na-late ng gising dahil alam ko'y nag-PUBG silang tatlo hanggang madaling araw. Si Bryan nama'y sa battle of the bands na lang daw papasok dahil babawi raw siya ng tulog.
Napagdesisyunan naming tatlo na lumabas muna at umikot sa campus dahil na-bo-bored na kami sa room. Kumuha na rin ako ng mga litrato sa film camera ko para naman may ma-iupdate ako sa photography account sa i********:. Si Neil, si Liz, silang dalawa, mga estudyanteng dumadaan, mag-jowa, bulaklak, ang field. So far ito ang mga naging subject ng mga pictures na kinuhanan ko.
Nag-selfie na rin kaming tatlo at nag-picture sa instax habang lumilibot sa campus. Feeling nasa tourist spot lang gano'n.
Nang mapagod na kami kakalakad ay bumalik na kami sa room. Pag-akyat namin sa floor namin ay nagkukumpulan at nagtilian ang mga tao sa corridor. Nang matanaw naming may sinurprise lang pala ay sabay sabay kaming napa-irap.
"Malapit na talaga ako mambato, " pag-irap ni Neil.
Hirap na hirap kaming dumaan dahil nagsisiksikan sila kaya nama'y sumigaw si Neil na ikinagulat naming dalawa ni Liz. "Tabi nga! " naiinis na sigaw ni'to.
Napatingin sa kaniya ang mga tao kaya naman binigyan nila kami ng daan. Napatakip kami ni Liz sa mukha dahil sa kahihiyan. Hindi po namin kaibigan 'yan!
Pagkalagpas namin doon ay agad namin siyang hinampas. "Baliw ka talaga! " natatawang sabi ni Liz.
Umirap lang siya at dire-diretsong naglakad papunta sa room. Papasok na sana siya ng room nang napahinto siya sa pinto na nanlalaki ang mga mata. Agad namin siyang sinundan at napahinto rin nang makita kung ano ito. Sabay sabay kaming napatakip sa bibig at nang hindi na namin napigilan ay tumawa kami ng malakas.
"What the hell, Waks! " tumatawang sabi ni Liz.
Dahan dahan kaming pumasok sa room habang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita namin.
Umupo kami sa tabi niya habang siya nama'y nagtatakang nakatingin sa amin. "Bakit? kunot noo niyang tanong.
"Why the hell are you wearing blue shirt? " hindi makapaniwalang tanong ko.
"What? What do you mean? " he asked, still confused.
Napanganga kami. Nagtinginan kaming tatlo at sabay sabay ulit na tumawa. Napapatingin na rin sa amin ang iba naming kaklase dahil para kaming baliw na tawa ng tawa.
"Hindi mo ba nabasa 'yung color coding? " nalilitong tanong ni Liz.
"Anong color coding? "
Napa-face palm na lang ako. Hindi niya nga nabasa! Ayan PUBG pa kasi!
Inilabas ni Liz ang cellphone niya at ipinakita sa kaniya ang tinutukoy namin. Binasa niya ito at nanlaki ang mga mata niya nang mabasa niya siguro kung anong ibig sabihin ng blue. Napatingin siya sa suot niya at napapikit ng mariin habang nagbuga ng malalim na hininga.
Tinawanan namin ulit siya dahil sa itsura niya ngayon.
"Hayaan mo na sis, totoo naman! " tawang tawang sabi ni Neil at agad siyang binatukan ni'to.
Napahinto ako sa pagtawa nang biglang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako sa likod ko. Nakita kong si Aaron ito at nakalahad ang kamay niyang may hawak na isang bouquet ng tulips. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo sa kinauupuan ko. Nang mapansin ng ibang mga kaklase ko ang nangyayari dito sa likod ay agad silang nagtilian at nang-asar sa aming dalawa na pinangungunahan pa ni Bea.
"Hoy, Aaron! Ang landi mo! " kinikilig na sigaw ni Bea.
Gulat na gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya habang siya nama'y halatang nahihiya at hindi alam ang gagawin.
"N-nica, h-appy valentine's day, " he said shyly.
I bit my lower lip. I slowly reached for the flowers and accepted it. "Thank you, Aaron. Nag-abala ka pa, " I gave him a small smile.
Pilit niyang iniiwasan ang tingin ko sa kaniya. "Wala 'yon. "
"Oh tabe, tabe! Pipicturan ko sila! " singit ni Bea at dali daling nagtungo sa pwesto namin. "Oh picture naman kayo! "
"Huy, Bea, 'wag na, " nahihiyang sabi ni Aaron.
"Okay lang! Tara picture tayo! " I said and went closer to him.
"Yieeeeee!!! " sigawan ng mga kaklase ko.
"Oh bilis! Aaron closer pa ng konti! "
"1...2...3..."
"Oh isa pa! May akbay naman! " lumapit sa amin si Bea at inilagay ang kamay ni Aaron sa balikat ko. Nagkatinginan kami ni Aaron pero nagtawanan lang kami.
"Oh bilis na! 1...2...3! "
Nang matapos kaming ma-picture-an ay bumalik na ulit sila sa mga kani-kanilang ginagawa. Nagpasalamat ulit ako kay Aaron bago bumalik sa upuan ko.
Malaki ang ngiti ko nang bumalik ako sa upuan namin. Nang inangat ko ang aking mata ay nakangiti sa akin si Neil at Liz na may bahid ng pang-aasar habang si Joaquin naman ay seryoso lang ang tingin sa cellphone niya.
Inirapan ko sila. "Ganda problems, " I shrugged my shoulders.
Lumipas ang mga oras at nang dumating ang hapon ay nagsimula na ang battle of the bands. Kinailangan nang umuwi ni Liz kaya naman hinatid muna namin siya sa sakayan. Sakto namang dumating si Bryan at Paul na agad binatukan ni Joaquin dahil hindi raw siya sinabihan tungkol sa color coding. Dinepensahan naman ni Paul ang sarili niya at ipinagpilitang sinabi niya raw ang tungkol sa color coding.
"Tanga ka lang! Ba't kasi out of all the clothes you have blue pa naisipan mong suotin ngayon! " natatawang sabi ni Paul.
Napagdesisyunan naming kumain muna ng dinner bago manood dahil halos mga bata pa naman ang naunang nag-perform. Mula grade 6 hanggang grade 12 kasi ang mga pwedeng sumali. Invited din ang isang banda na mga alumni ng school kaya naman inaabangan talaga namin ito.
Kumain kami sa isang sizzling house na sa tantiya ko ay 20 minutes away sa school. May dala namang sasakyan si Joaquin ngayon kaya kahit saan kami makarating ay pwedeng pwede kahit hanggang Mindanao pa 'yan, eme. Isang Avanza na black ang dala ni Joaquin at naalala ko na ito rin ang dala niya nung nagpunta siya sa amin nung pasko. Siya ang nagdala ng sasakyan ngayon dahil coding daw ang sasakyan nila Bryan.
Pagkarating namin sa sizzling ay halos mapuno ito sa sobrang daming tao. Swerte nga dahil may table pa para sa amin. Punong puno ito ng mga mag-jowang nag-de-date, ang iba nama'y pamilya, at ang iba nama'y tulad naming magbabarkada. Masarap kasi ang mga pagkain rito tapos mura pa kaya marami talagang dumadayo rito. Sulit na sulit ang bayad.
Hanggang ngayong nandito na kami ay pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa color coding. Todo asar sila kay Joaquin na konti na lang ay isa-isa na silang sasapakin ni'to mamaya.
"Hayaan mo na, pre! Totoo naman! " pang-aasar ni Paul. Hindi ko na-gets 'yung joke kaya ipinagsawalang bahala ko na lang ito.
Bandang alas-syete na kami natapos kumain kaya hindi na kami nakapag-milktea at bumalik na lang agad sa school. Marami nang tao pagkarating namin kaya medyo nahirapan kaming makapasok sa loob ng gym. Buti na lang ay nakita kami ng adviser namin at tinulungan kaming makapasok sa loob. Sa likod nga lang at nakatayo pa dahil puno na talaga at wala ng maupuan. Pero ayos lang kasi mas masaya manood ng mga ganito kapag nakatayo kasi malaya kang makakagalaw at mas ma-e-enjoy mo ang performance
Grade 10 na ang nag-pe-perform at susunod na raw ang mga kaklase namin sabi ni Ma'am kanina. Ang alam ko lang ay sasali sila pero hindi ko alam kung sino-sino sila dahil hindi ako nagbabasa sa group chat. Pero nakita kong may dalang gitara si Simon kaya sure akong isa siya sa kasali.
Nang matapos ang nag-perform ay nagpalakpakan ang mga tao. Ngayon ko lang na-realize na kaklase pala ni Celine ang mga ito dahil pagbaba nila'y nakita ko si Celine na niyakap sila isa-isa.
"May we call on, THE SYNTAX ERROR BAND! "
Nagsigawan kami para i-cheer ang mga kaklase namin. Bigla akong siniko ni Neil kaya napahinto ako sa pagsigaw. Nginuso niya ang nasa harap kaya lumingon ako rito at tiningnan ng mabuti. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kasali si Aaron at siya ang vocalist! Wow! I didn't know he could sing.
"Oh my god..." I whispered in shock.
"Good evening everyone! We are the syntax error band! " energetic niyang pag-introduce sa banda nila. "It's my first time performing in a big crowd so I'm kinda nervous right now but I hope you guys will enjoy our performance. "
"Our first song will be Fallen by Lola Amour. I personally chose this song kasi... ewan! Basta! Basta crush, para sayo 'to, " he said shyly in front of the mic.
Nagtilian ang mga tao. At kahit maraming nagsisigawan at nagtitilian, nangingibabaw ang tilian ng mga kaklase ko.
"Nica! Nica! Nica! " sigaw pa nila. Napailing na lang ako habang nangingiti.
"Ganda ka!??! " pang-aasar ni Neil na inirapan ko na lang.
What if I told you that I've fallen?
And I like the way you say my name
My heart skips a beat when I hear you calling
And I like that it won't go away
My lips formed an o when I heard him sing. What the! His voice is so freaking good! I could listen to him all day!
But never mind, don't wanna give you any trouble
Never mind, never mind
I'm okay with being by your side for as long as I can hide
What if I told you that I've fallen?
Nagtilian ulit ang mga tao pagkatapos ng unang chorus. I smiled widely. I mean, I can't blame them! Kasi kahit ako ngayon ay parang biglang kinilig sa kaniya. He has a soothing voice that could make you fall asleep just by listening to it. I really didn't know that his voice is this good! Tahimik lang kasi siya sa room at ang mga kaibigan niya lang ang madalas niyang kausap at kasama. Though, madali naman siyang pakisamahan, may pagka-introvert lang kasi talaga ata siya.
Nagulat ako nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko at hinila ako kaya wala akong nagawa kun'di sumunod sa kaniya. Hila hila ni Joaquin ang palapulsuhan ko at nakikipagsiksikan sa mga tao.
"Ano ba, Waks!? Sa'n ba tayo pupunta!? " naiinis kong tanong sa kaniya. Ang ganda ganda ng panonood ko roon tapos hihilahin ako!
Hindi siya sumagot at patuloy lang siya sa paghila sa'kin hanggang sa makarating kami sa labas. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa parking lot. Huminto kami sa tapat ng sasakyan niya.
"What the hell, Joaquin!? Nanonood ako ro'n! Ano bang problema mo?! " inis kong tanong habang nakatalikod lang siya sa akin.
Hindi siya sumagot at binuksan lamang ang sasakyan niya na mas lalong kinainis ko. "Ano ba?! Kung hindi ka sasagot ay babalik na----" napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niyang inabot ang isang box na may ribbon.
"A-ano 'yan? " nalilito kong tanong habang inabot ito.
"Buksan mo, " he gave me a small smile.
Bigla akong kinabahan. Nagtungo ako sa harap ng sasakyan niya at ipinatong dito ang box habang binubuksan ito. Tinanggal ko ang ribbon at agad na napaawang ang labi ko nang makita kung anong laman ni'to. Isa itong rose na parang glass ang details at ang kulay niya ay kakaiba. Nakita kong may nakasulat sa box kaya binasa ko ito.
"I would give you a rose, but you don't deserve that. You deserve the entire universe so I'm giving you this galaxy rose instead. "
Pagkabasa ko noon ay napalingon ako sa kaniya. Parang sasabog na ang puso ko sa pagkabog at para na akong kakapusin ng hininga.
"Happy valentine's day, " he said.