Kabanata 7

2620 Words
"Aaron, paki-abot naman 'yung double sided tape do'n, " pakisuyo ko sa kaklase kong malapit sa lamesa. Lumapit siya room at ibinigay ito sa akin. "Thanks, " I gave him a small smile. Nandito kami ngayon sa classroom at busy ang lahat dahil start na ng foundation week bukas. Ang iba'y gumagawa ng props para sa performance bukas ng sayaw, ang iba nama'y nasa baba at nagse-set up ng tent para sa booth, at kami nama'y tinatapos ang mga design na ilalagay para sa booth. Mula grade 10 hanggang grade 12 ay required magtayo ng booth at bawal magkakamukha. Marriage booth at candy corner ang naisipan naming itayo dahil panigurado'y mabenta ang mga ito sa mga lower grade lalo na sa mga elementary students. "May practice pa ba mamaya, Bea? " pagod na tanong ni Liz sa kaniya. "Oo e. Pero last practice na 'yung mamaya para makapag-focus tayo sa booth bukas. Konti na lang naman 'yung lilinisin sa sayaw kaya siguro sandali lang din. Tinext ko na si Kuya Mark, papunta na raw siya, " mahaba niyang paliwanag. Sabay sabay kaming napabuntong hininga. Ang hirap maging senior. Nung grade 7 to grade 9 nag-eenjoy lang kami tuwing January, ngayon isa na kami sa mga nag-su-suffer sa dami ng mga gawain. What more sa senior high? Sa college? Nang matapos na kami sa paggawa ng design ay bumaba na kami ni Liz para maikabit ito sa tent namin. Kanina pa nandito ang iba naming kaklase dahil sila ang nag-set up ng tent at naglagay ng ibang design. Kasama na roon sila Bryan, Paul, Joaquin, at Neil na siyang namamahala rito. "Beks, eto na 'yung mga huling ilalagay, " bungad ko pagkapasok sa loob ng tent. Madami na silang nailagay at mukhang patapos na sila. "Sige lang, beks. Pakilagay na lang diyan sa table, " sagot niya habang abalang abala na kinakabit ang kurtina. Inilagay ko ang mga design sa table at nagtungo sa kabilang booth na pagmamay-ari ng kabilang section. Kila Celine ito, actually. Buti nga walang awkwardness na nabuo sa pagitan namin at pinapansin niya pa rin kami. Silang dalawa lang talaga ni Joaquin ang hindi nagpapansinan. Mukhang masama talaga ang naging break up nila, pero hindi na namin tinanong kasi privacy na nila 'yon at kailangan namin respetuhin 'yon. Yumakap ako kay Celine pagkapasok ko sa tent nila. "Tapos na ba kayo? " tanong ko sa kaniya. "Yes, sayaw na lang kami. Pero papahinga muna kami, " sagot niya at yumakap sa'kin pabalik. "Sana all, " sagot naman ni Liz na nakaupo sa monoblock chair at kumakain ng corndog. Bwisit talaga ang isang 'to, nakabili na agad siya ng pagkain. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Celine at lumapit kay Liz. "Pakagat nga, " sabi ko pero hinablot ko na agad sa kamay niya ang corndog. Hinayaan niya lang akong kumagat. "Magkano bayad kapag nahuli kami rito? " tanong ni Celine kay Liz, tinutukoy ang jail booth. Ibinalik ko na ang corndog kay Liz pagkatapos ko kumagat at napalingon kay Celine dahil na-curious din ako. Natawa siya sa tanong ni Liz. "20 pesos kapag ikaw mismo magbabayad, 10 kapag kaibigan mo 'yung magbabayad. " "Ang mahal! Kapitalista kayo, ah! Eme, " pabirong sagot nito. "Pero ano, 'wag mo na kami hulihin! Kapag hinuli mo kami, ipapakasal kita sa booth namin kay Waks! " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya nama'y patago ko siyang kinurot. Mukhang na-realize niya rin kung ano ang sinabi niya kaya hindi na siya nakakibo. Tumingin ako kay Celine ngunit tipid lang itong nakangiti. "Ay, ano pa ba ganap niyo bukod sa jail booth? Anong ititinda niyo? " pag-iiba ko ng topic. Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan ng kung ano-anong bagay hanggang sa tinawag na kami ni Bea para mag-practice at kinailangan naming magpaalam kay Celine. Sabay kaming nagtungo ni Liz sa cr para magpalit ng training clothes. Nang dumating kami sa quadrangle ay wala pa ang ibang kaklase namin doon kaya naman umupo muna kami sa hagdan ng flagpole dahil nandoon sila Neil. "Asa'n na ba 'yung iba? Aba'y anong oras na, gusto ko na mahiga, " naiinis na reklamo ni Neil. "Nasa classroom pa ata 'yung iba, " sagot ko sa kaniya. Biglang dumating sila Bryan at Joaquin na may dalang mga tubig at hamburger. Isa-isa nilang ibinigay sa amin ang mga binili nilang tubig. "Nica o, " ibinigay sa akin ni Joaquin ang isang burger. "Tenchu pooo, " sagot ko at ngumiti sa kaniya. "Oh bakit mas malaki 'yung burger ni Nica sa amin?! " reklamo ni Neil habang natatawa. Tumingin ako kay Joaquin na namumula na ngayon. Inirapan ko na lang si Neil. "Inggitera. " Lumipas ang 20 minutes at sa wakas ay nakumpleto na kami sa quadrangle. Nandito na rin ang choreo. Tapos na rin kami mag-merienda at mag-chikahan ng kaunti kaya tumayo na kaming lahat para makapag-start na ng practice. Pumunta kami sa kaniya kaniyang formation namin at nakinig muna sa mga bilin ng choreographer namin. Ipinusod ko muna ang mahaba kong buhok dahil panigurado'y pagpapawisan ako. "Coleen, kembot pa!! Hindi pwedeng gan'yan kalamya sa isang araw! " sigaw ni Kuya Mark. "Taas, baba, ikot! " "Sweet talk to me babe it's magical, " pagsabay ni kuya Mark sa kanta habang sumasabay rin sa'min sa pagsayaw para maalala namin ang steps. Dalawang oras lang ang itinagal ng practice namin at sa wakas ay ayos na ang lahat. May mga konti pa ring mga nagkakamali pero we are so ready na para sa isang araw. Pumunta ako sa kung saan nakalagay ang bag namin at kinuha ang tubig para makainom. Sa sobrang uhaw ko ay dire-diretso ang lagok ko at naubos ko ito agad. "Anong oras kayo papasok bukas? " tanong ni Bryan habang umiinom din ng tubig. "Baka mga 8:00 ako pumasok. Nakisuyo sa akin si Bea na tulungan ko raw siya e, " hingal na hingal kong sabi. "Ako, 11:00 na ako papasok. Wala naman na akong gagawin at tapos na 'yung tent, " sagot naman ni Neil. Biglang may dumampong panyo sa noo ko kaya napalingon ako kay Joaquin na pinupunasan ako ng pawis. Napahinto siya ng lumingon ako sa kaniya. "Sorry, pawis na pawis ka na kasi. " Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Okay lang. " Maya maya lang ay nagkayayaan na kaming magsiuwian dahil pare-parehas kaming pagod at bukas nama'y booth naman ang asikasuhin. Isa ako sa mga magiging pinaka-aligaga bukas dahil ako ang magiging photographer sa wedding booth namin tapos same day print pa ang mga picture. Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa banyo ng kwarto ko para maligo dahil sobrang lagkit ko mula sa practice. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pantulog at pinatuyo ang buhok ko. Kinuha ko rin mula sa cabinet ang camera at kinuha ang battery ni'to para ma-icharge. At dahil sa sobrang pagod, nakatulog agad ako pagkahiga ko at hindi na nakakain ng dinner. Hindi ko na nga rin napatay ang ilaw sa kwarto ko dahil bagsak agad ako pagkahiga ko. Kinabukasan, pagka-ring ng alarm ko ay pagod na pagod akong bumangon mula sa kama at gumayak na para makapunta na sa school. At dahil foundation week naman ngayon, pwede kahit hindi mag-uniform. Suot ko ang isang university shirt tucked in a denim highwaist pants, and for the shoes naman ay white Converse Chuck Taylor. Nagbaon na rin ako ng isang plain white t-shirt para pamalit dahil panigurado'y pagpapawisan ako ng sobra mamaya. Pagkarating ko ng shool ay nagkalat na ang mga estudyante sa field. Ang iba'y naka-casual clothes at ang iba nama'y suot na ang jersey nila para sa sports event. Mayroon din ata silang parade before mag-start officially ang foundation week kaya siguro'y suot na nila ang mga jersey nila. Pagkarating ko sa booth namin ay naroon na ang iba naming mga kaklase at inaasikaso ang booth. May ilang mga elementary students ring narito at bumibili ng candy. Mga batang 'to, aga-aga candy agad. Pagtitinda muna ng mga candy ang inaatupag namin ngayon dahil mamaya pa pwedeng buksan ang mga booth pagkatapos ng opening program. Nagtungo ako kay Bea na ngayo'y nag-gugupit ng mga printed na fake certificate of marriage. Tumabi ako sa kaniya at tinulungan siya sa paggupit. "Anong oras daw start ng opening? " tanong ko sa kaniya. She glanced at me. "9:30 raw start na. Ang dami na nga agad nagpapalista sa marriage booth kaso sabi namin 'wag muna. Mamaya awayin pa tayo kapag nagkagulo sa pagkakasunod-sunod. " "So true. Alangan hanapin at tawagin pa natin sila mamaya, " pag-sang-ayon ko sa kaniya. Nagkuwentuhan kami habang nag-gugupit ng mga certificates. Nasa labing-lima lang kaming narito sa booth. Lahat ng mga kaibigan ko ay wala pa rito kahit si Neil. Tapos na kasi siya kahapon sa mga task niya para sa booth. Ako rin naman pero dahil nga nakisuyo si Bea ay tinulungan ko na siya. Close kasi talaga kami. Hindi ko rin alam kung paano pero nag-vi-vibe kami at madami kaming napagku-kuwentuhan. Mabait din kasi siya at sobrang humble. Madaling pakisamahan gano'n. Pero pagdating kay Bryan nawawala lahat ng 'yon kasi lagi silang nag-aaway. Daig pa ang mag-asawa. Baka hindi na nga ako magulat kung magkatuluyan 'to balang araw, charot. "Let's all have fun and enjoy the rest of the week! " masiglang sabi ni Sir Madrigal na aming principal. Nagpalakpakan kami at nagsigawan. Let the fun begin! Nagsipilahan agad ang mga gustong magpakasal sa wedding booth. Ang iba'y pinakasal ang kaibigan at ang iba nama'y voluntary dahil mag-jowa sila. Kairita. Charot. Nandito na si Liz at siya ang taga-lista ng mga pangalan. Si Marinel naman ang taga-kuha ng bayad dahil siya ang treasurer. Mahaba na nga ang pila dito sa booth namin, nakakaloka. Mga sabik na sabik magpakasal yarn!? Pero may twist sa wedding booth namin, kapag ayaw magpakasal ng isa sa kanila or parehas man nilang ayaw, kailangan magbayad ng 300 pesos. So kapag parehas niyong ayaw, tig-300 kayo. Ang mahal 'di ba? Pero sinadya talaga namin 'yan para hindi sila maka-hindi sa pagpapakasal. "Simon, do you take Kelly to be your lawful wife? " pormal na sabi ni Aaron na siyang gumaganap na pari ngayon. "I do, Father, " pilyong sabi ng lalaki. "Kelly, do you take Simon to be your lawful husband? " "I-i d-do, Father, " nahihiyang sabi ng babae. Inabot ni Aaron ang mga singsing sa kanilang dalawa. "May these rings be a symbol of your true faith in each other, and always remind you of your love. " Binuklat ni Sandra ang isang folder na naglalaman ng sasabihin nilang vows para madali nilang mabasa. "I Simon, take you, Kelly to be my wife - to have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in joy and sorrow, and I promise My love to you. And with this ring, I take you as my Wife, for as long as we both shall live, " kampanteng banggit nung Simon sa vows. Lumipat si Sandra sa tabi nung Kelly. "I K-kelly, take you, S-simon to be my Husband - To have and to hold, in s-sickness and in health, for richer or for p-poorer, in joy and sorrow, and I promise My l-love to you. And with this ring, I take you as my Husband, for as long as we both shall live, " hirap na hirap niyang tinapos ang pagsabi ng vow. "By the power vested in me I now pronounce you . . . Husband and Wife, you may now hug the bride. " Nagtilian at nagkantiyawan ang mga tao sa paligid. 'Yung Simon ay parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari samantalang kay Kelly naman ay parang hiyang hiya siya. "Simon, hug lang daw! " sigaw ng isang kaibigan nila yata. Nag-hug sila ngunit agad namang kumalas si Kelly roon. Aalis nga dapat agad siya pinigilan ko lang dahil pipicturan ko pa sila. "1...2...3... smile! " I told them. Pagkatapos ko sila kuhanan ng picture ay nagmamadaling tinanggal ni Kelly ang veil sa ulo niya at patakbong umalis. Si Simon naman ay nagtungo sa mga barkada niya at isa-isa itong inapiran. Mukhang mas matatanda ang mga ito sa amin ito dahil sa mga itsura nila. Palagay ko ay mga grade 12 students na ito. Nagtungo ako kay Paul at Lucas para i-turn over ang mga pictures ng bagong ikinasal. Sila kasi ang in-charge sa printing. Cinonnect ko ang camera sa laptop at cinopy ang mga photos. Pagkatapos kong mag-copy ay umalis na ako roon at nagtungo kila Neil, Joaquin, at Bryan na kararating lang. "Saan tayo lunch? " tanong ko at kumandong kay Neil. Niyakap naman niya ang bewang ko. "Tara KFC tayo, dala ko sasakyan, " sagot naman ni Bryan. Tinanguan naman namin siya. "Huy, beh. Nood tayong basketball mamaya. Daming pogi do'n, " sabi ni Neil at kinindatan ako. "Ay weh? Try ko kapag may mautusan akong palitan sa pag-picture, " sagot ko naman. "Pwede 'yan. Si Sandra magaling din kumuha ng picture 'yon. " Tumango na lang ako sa sinabi niya. Bumaling ako kila Bryan at Joaquin. "Kayo ba, may game ba kayo mamaya? " Umiling si Bryan. "Wala pa. Bukas pa kami may game. " Kasali si Bryan at Joaquin sa basketball team ng grade 10. Three consecutive years nang nanalo ang team nila kaya naman tuwing may labas sila ay kaabang-abang. Kahit mga seniors namin ay natatalo nila. Ganoon sila kagaling. Too bad hindi sumali si Paul this year dahil tinatamad daw siya. Mas gusto niya daw tumulong sa booth, which is shocking dahil parang dati lang ay wala naman siyang pake sa mga ganito. "One last kasal bago mag-lunch time! " biglang sigaw ni Bea. "May we call on Mr. Aaron Castillo and Miss Veronica Amethyst Fontanilla! " Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Bea. Agad namang nagkantiyawan ang mga kaklase namin at nag-asaran. Si Neil naman ay todo tili at tinulak na ako papunta sa red carpet. "Huy, gago! Seryoso ba? " gulat ko pa ring sabi. Napatingin naman ako kay Aaron na itinutulak na sa harap ng altar at mukhang hiyang hiya. "Lagot ka, Father! Bawal mag-asawa mga pari! " sigaw ni Paul. Ikinabit sa akin ni Bea ang veil at ibinigay ang bulaklak habang tawang tawa siya. Ang mga kaklase ko'y sigawan ng sigawan kaya napapatingin din ang ibang mga dumadaan. "Huy sino may pakana ni'to?! " natatawang tanong ko sa kaniya. "Aba malay ko! " sagot naman niya. "Huy hala wait lang... " biglang singit ni Liz kaya napahinto kami sa tawanan at lumingon sa kaniya. "Hindi sila pwedeng ikasal... may nagbayad... 600 pesos, " hindi makapaniwalang sabi ni Liz. Pare-parehas nanlaki ang mga mata namin sa gulat at natahimik ang mga tao sa booth namin. Nagtinginan ang lahat kay Liz at hindi makapaniwalang may nagbayad talaga. "Totoo ba?! What the--- sino?!? " hindi pa ring makapaniwalang tanong ni Bea. "Si Joaquin... " mahinang sagot ni Liz na nagpasinghap sa mga kaklase kong nakarinig. Napaawang ang labi ko at agad na lumingon sa gawi nila Joaquin ngunit wala siya roon. Dumako ang mga mata ko sa likod ng isang lalaking naglalakad na palayo ngayon. My heart started beating so fast. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at gulat pa rin ako sa nangyari. Why whould he do that?! Tinanggal sa akin ni Bea ang veil at kinuha ang bulaklak mula sa mga kamay ko. Tipid niya akong nginitian at tinapik sa balikat. Umalis na siya sa harap ko at nagtungo na kila Liz na naglilista. Dahan dahan akong nagtungo kay Neil at gulat siyang tiningnan. "B-bakit? Anong meron? " pigil hininga kong tanong sa kaniya. He raised his left eyebrow and smirked at me. He shrugged his shoulders. "Siya lang makakasagot niyan. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD