"Essay na naman, " reklamo ni Neil habang nakatingin sa teacher naming nag-e-explain sa harap.
Unang araw ngayon ng klase mula noong Christmas Vacation. Pangalawang subject na ito na nagpapagawa ng essay tungkol sa Christmas Vacation at pakiramdam ko'y lulubog na ako sa lupa sa mga kasinungalingang sinasabi ko sa essay ko. E wala naman kasi akong mailagay dahil wala namang ganap nung Christmas vacation ko kun'di matulog, magbasa, manood ng movie, kumain, at paulit ulit na gano'n lang. Buong chrismat vacation ko ay gano'n lamang ang naging routine ko at ang boring naman ng essay ko kung 'yon ang ilalagay ko.
"Gumawa ka na lang diyan, " sagot ko sa kaniya at binigyan siya ng yellow paper.
Wala masiyadong pumasok ngayon dahil panigurado'y alam nilang wala pa naman masiyadong gagawin. Absent si Liz pati na rin ang ibang nakaupo sa row ko kaya naman lumipat dito si Neil. Kahapon lang nakauwi sila Liz mula sa Boracay kaya naman magpapahinga raw muna siya. Pati si Bryan ay hindi pumasok dahil hanggang ngayon ay nasa Cagayan pa sila ng family niya. Next week na raw siya papasok. Tanging ako, si Neil, Paul, at Joaquin lang ang pumasok ngayon. At dahil absent naman ang mga ka-row ko ay lumipat sila rito at magkakatabi kami sa upuan ngayon.
"Huy penge yellow paper, " ani Paul habang inaabot ang yellow paper ko. Galeng, kunwari pang nagpaalam e kumuha naman siya agad. Pumilas siya ng dalawang piraso at ibinigay ang isa kay Joaquin na nasa tabi niya. Nang ibigay sa kaniya ito ni Paul ay napatingin siya sa akin kaya naman nagtama ang mga mata namin. Nginitian niya ako kaya naman nginitian ko rin siya pabalik.
Pagkatapos nang gabing 'yon ay parang gumaan ang puso ko. Hindi ko naman nasabi sa kaniya kung ano talaga ang dahilan pero ang saya sa pakiramdam dahil may taong dumamay sa akin nung gabing iyon. Na naintindihan niya ako at hindi pinilit sabihin dahil hindi pa ako handa.
Sabi nga sa movie na flipped, "Somehow the silence seemed to connect us in a way like words never could. "
Hindi naman siya nagtagal nung gabing 'yon dahil dumaan lang daw talaga siya. Nakita niya raw kasi ang tweet ko tapos tinatawagan niya raw ako kaso hindi naman ako sumasagot kaya nagpunta na lang siya. Naka-off kasi ang wifi ng phone ko nung mga oras na 'yon kaya wala akong na-re-receive na notification.
“Class nasa faculty lang ako ha, if you need anything puntahan niyo lang ako ro’n. Babalik ako maya-maya, “ sabi ng Teacher namin at lumabas na ng pinto.
Pagkalabas ng room ni Ma’am ay nagsimula nang mag-ingay ang mga kaklase ko. Ako naman ay nagsimula nang magsulat ng mga “so called” ganap ko nung Christmas vacation. Buti na lang at magkasunod na subject ‘yung nagpagawa ng essay kaya natatandaan ko pa ang content ng essay na ginawa ko kanina.
“Tinatamad ako gumawa, “ sabi ni Neil na nag-ddrawing na ngayon ng kilay sa yellow paper na ibinigay ko sa kaniya.
“Sus, daig pa kita, ako gumagawa,” pagmamalaki naman ni Paul sa kaniya.
“Pakeelam ko naman sa’yo, “ supladang sagot naman ni’to kaya binatukan siya ni Paul.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Mas mabuti nang magsulat ako nang magsulat habang naalala ko pa ‘yung mga sinulat ko kanina para hindi na ako mag-isip pa nang mga karagdagang kasinungalingan na ilalagay ko rito. Isa pa, baka makalimutan ko ito agad sa sobrang makakalimutin ko.
“Bes, ‘wag ka na gumawa, tara na lang sa canteen, “ pag-aaya ni Neil habang niyuyugyog ang katawan ko.
“Lubayan mo nga ako nagugulo ‘yung sulat ko, “ reklamo ko at inalis ang kamay niya.
“Corny talaga ni’to, “ he pouted.
I just shrugged it off and continued writing. Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magsulat si Neil dahil wala siyang ma-demonyo sa aming tatlo.. Kung nandito lang si Liz, panigurado naging biktima niya na ito.
Nang matapos kami magsulat ay ipinasa na namin ito sa President namin at lumabas na para magpunta sa canteen. Hindi naman recess pero nagugutom kasi kami. Panigurado nama’y hindi na kami hahanapin ni Ma’am dahil wala naman siyang intensyon magturo ngayon. Halos lahat ata ay may hangover pa rin sa holidays at ako lang ang hindi. Can’t relate, choz.
Magkasabay kaming naglalakad ni Neil habang si Paul at Joaquin naman ay nasa likod namin. Habang naglalakad kami sa corridor ay kitang kita mula sa bintana ng mga room na konti lang din ang mga estudyanteng pumasok.
Dumako ang mata ko sa harap at nakitang makakasalubong namin si Celine. Kakawayan ko sana siya ngunit bigla na lang siyang nag-iwas ng tingin at nag-iba ng daan. Naiwan sa ere ang kamay ko at napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Imposibleng hindi niya kami nakita! Nagkatinginan nga kami, e!
Nilingon ko si Joaquin mula sa likod at nalilito siyang tiningnan.
“Hindi ba’t si Celine ‘yon? Ba’t ‘di tayo pinansin? " nalilito kong tanong at bahagyang nilingon siya mula sa likod.
Hinintay ko siyang sumagot ngunit wala akong narinig mula sa kaniya kaya huminto ako sa paglalakad at tuluyan na siyang hinarap.
"Inaway mo ba si Celine? " sinamaan ko siya ng tingin.
Wala akong makitang reaksyon sa mukha niya at diretso lang siyang nakatingin sa mata ko. Hindi siya sumagot. Nilagpasan niya lang ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya at napatingin kay Neil at Paul na mukhang hindi man lang nagulat sa ginawa niya.
Nilagpasan na ko ni Paul bago pa ako makapatanong sa kaniya at hinabol si Joaquin sa paglalakad.
"Anong nangyari do'n? " nalilito kong tanong kay Neil.
Nag-iwas ng tingin si Neil at huminga ng malalim. Hinila niya ako para makapaglakad na kami ulit.
"Break na si Waks at Celine, " nag-aalangan niyang sabi.
Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Neil. Gulat ko siyang tiningnan.
"W-what? " hindi makapaniwala kong tanong.
"Truly, " He scoffed.
"Paano mo naman nalaman? " my forehead creased.
"Ako pa, " he said proudly. Aba, baklang 'to. Chismosa talaga ever.
Pagdating namin sa canteen ay nakita naming nakaupo na sila at kumakain na. Bumili muna kami ng pagkain bago nagtungo sa pwesto nila.
Dahan dahan kong dinasog ang upuan sa tapat niya at umupo rito. Maingat ko siyang tiningnan ngunit nakayuko lamang siya at busy sa pag-kain.
"Huwag na tayo pumasok mamaya, " pagbasag ni Paul sa katahimikan.
Napalingon kaming lahat sa kaniya. Inirapan ko siya habang si Neil naman ay agad na na-excite sa sinabi niya. Si Joaquin naman ay walang reaksyon at bumalik na lang sa pag-kain.
"Tama! Tara na! Do'n tayo sa'min, " tuwang sabi ni Neil.
"Huy may pasok pa mamaya, anong sinasabi niyo diyan, "pagsuway ko sa kanila.
"Tara, " biglang sabi naman ni Joaquin.
Tiningnan ko siya at wala akong makitang reaksyon sa mukha niya.
"Oh, bakla ka, tatlo kami, isa ka lang. Bahala kang maiwan mag-isa ro'n kung ayaw mo sumama, " pagsusuplada sa akin Neil.
Napairap na lang ako dahil wala na akong magagawa. Nang matapos kami kumain ay bumalik na kami sa clasroom namin. Tahimik lang si Joaquin buong oras na nasa canteen kami hanggang sa nakabalik na kami sa room. Tulala siya at halata mo sa kaniyang wala siya sa mood. Ngayon ko lang na-realize na kanina pa nga siya walang imik mula pagkapasok niya. Pangiti ngiti lang siya at tipid na sumasagot kapag kinakausap mo. Grabe talaga siguro 'yung naging effect ng break up sa kaniya. I mean, siyempre matic naman na siguro 'yon kapag break up? Aish, ewan! How would I know e hindi pa naman ako na-i-inlove!
Nang dumating ang lunch time ay sabay sabay silang tumayo at nag-sukbit ng bag. Luminga-linga ako sa classroom at nakita kong hindi lang kami ang may balak mag-half day. Damn, anuna.
Tiningnan ko sila ng may pag-aalinlangan sa mata. "Sure ba talaga kayo? "
"Ay nako, teh! Bahala ka diyan! " mataray na sagot ni Neil at akmang aalis.
"Okay! Fine! Eto na! " tumayo na ako at sinukbit na rin ang bag ko.
Sabay sabay kaming naglakad palabas at nagtungo sa sakayan ng tricycle. Sa loob kaming tatlo ni Neil at Joaquin habang si Paul naman ay sa likod. Kasya naman kaming tatlo rito sa loob dahil sa maliit na upuan nakaupo si Neil at kasya naman siya ron.
"Bakla ka, dapat ikaw rito e. 'Di ka naman maganda, " reklamo niya.
Dinilaan ko siya at inirapan na lang. Napalingon naman ako kay Joaquin na tulala lang na nakatingin sa daan. Hanep, hindi talaga siya kumikibo. Naaawa na ako sa kaniya.
Pagdating namin sa bahay nila Neil ay dumiretso kami sa sala at umupo sa sofa. Walang tao kaya naman solo naming apat ang bahay. May work kasi si Tita Mildred at 'yung nakakatandang kapatid ni Neil ay may klase pa.
"Ano lutuin ko, tuna sisig or corned beef? " tanong ni Neil na nasa kusina ngayon.
"Corned beef, " sabay naming sagot ni Joaquin kaya nagkatinginan kami. Napangiti siya kaya napangiti rin ako. Parehas kasi naming paborito ang corned beef. Corned beef supremacy!
Naputol ang titigan namin nang biglang kumalembang ang nahulog na kaldero.
"Ay sorry, may langgam kasi sa kaldero, " natatawang sabi niya at pumasok na ulit sa kusina. "Hoy, Paul! Ikaw magluto ng pancit canton! "
"Ahay! " singhal ni Paul na parang bata ngunit tumayo naman siya at nagtungo na sa kusina.
Naiwan kaming dalawa ni Joaquin sa sala at tanging ang tv lang ang nagsisilbing ingay sa katahimikang bumabalot sa amin. Pagilid ko siyang tiningnan pero nakatuon lamang ang mga mata niya sa tv.
Nang hindi na ako makatiis ay nagsalita na ako. "Okay ka lang? " maingat kong sabi.
Nilingon niya ako at binigyan ng tipid na ngiti. "Ha? Oo, " sagot niya.
I bit my lower lip. "Why did you guys break up? "
Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin.
Shet! Why am I even asking that? Kaibigan ka lang ghurl, napaka-echosera mo naman! Hindi ka naman sana si Neil, eme.
"Sorry, you don't have to answer it. I was just shocked kasi alam mo 'yun. You guys are a perfect couple---"
He cut me off. "Misunderstanding. "
Diretso lang ang tingin niya sa tv at hindi na ulit nagsalita. Mukhang ayaw niya talaga pag-usapan kaya hindi ko na ipinilit. Naiintindihan ko siya. Kahit din naman ako hirap mag-open sa mga tao. It's not easy and it will take time.
Dumasog ako sa kaniya at pinaglapit ko ang distansya namin. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito habang nakatingin sa mga mata niya.
"I'm just here if you need someone who will listen, " I smiled genuinely.
"I know, " he gave me a small smile and gently stroke my hand using his thumb.