Kabanata 5

1718 Words
"Nica, mag-urong ka na! " utos ni Mama habang nandito ako sa sala at nagbabasa ng libro. Bakasyon na at wala akong ginagawa kaya naman marami akong panahong magbasa. Binabasa ko ngayon ang percy jackson bookset na binigay sa akin ni Joaquin. Nabasa ko naman na siya before sa e-book pero siyempre iba pa rin ang feeling kapag mismong libro na ang hawak mo. Inilagay ko ang bookmark sa last page na binasa ko at tumayo na para magpunta sa kusina. Kaming tatlo lang ni Mama at Papa ang nasa bahay ngayon dahil nasa Maynila pa ang tatlo kong kapatid at 2 days before Christmas pa raw sila uuwi. Nang matapos mag-urong ay bumalik muna ako sa sala para kuhanin ang libro ko at umakyat na sa kwarto para makapaghanda sa pagtulog. Nag-shower muna ako at nagpalit ng pantulog bago humiga sa kama. Nag-f*******: muna ako at punong puno ng nakakatawang memes ang feed ko dahil sa mga shine-share ni Paul at Neil. Silang dalawa lang lagi ang laman ng f*******: ko dahil sa mga shared posts nila. Palibhasa mga walang jowa. Nakita kong maraming message sa messenger ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang ito dahil tinatamad ako replyan sila isa-isa. Bukas na lang siguro or kung kailan man ako sipagin, not really much of a replier, sorry na agad. Makalipas naman ang ilang sandali ay pinatay ko na ang cellphone ko dahil nagsawa na ako mag-scroll. Pinatay ko na rin ang ilaw ko at nagsimula nang matulog. Lumipas ang mga araw at dumating na ang araw ng pasko. Nagsidatingan na rin ang mga kapatid kong mga galing sa Maynila ngunit parang wala namang nabago sa katahimikan ng bahay dahil para kaming may sari-sariling mundo, which is sad, I know. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagbabasa pa rin ng libro habang sila Mama at Ate naman ay nagluluto ng mga pagkain. Si Kuya naman ay nagpunta sa bahay ng girlfriend niya habang si Papa naman ay nasa kwarto nila at natutulog. Taon-taon na naming routine ang ganito kaya nasanay na lang din ako. Gusto kong malungkot pero ibinabaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ko maisip ang mga bagay na ito. Nasa third book na ako ng Percy Jackson at nang makatapos ako ng isang chapter ay nag-cellphone na lang muna ako. Nag-twitter ako at puro Merry Christmas o kaya naman mga pictures sa family gatherings ang tweets. I smirked. Sana all. I suddenly though of tweeting. I tweeted "where's the merry in merry christmas? lolz ". Wala naman, para lang iba. Alam ko naman kasing hindi lang ako ang nag-iisang malungkot ngayon. Para naman may maka-relate man lang sa'kin. I closed the twitter app and just sent a message to our group chat. I greeted them Merry Christmas and they immediately replied and greeted me back. Nica nic nacs: Merry Christmas mga mahal koooo!! Love you all ❤ Neil feeling maganda: Mery Christmas, Vev! ❤ Liz kulot: Merry christmas, bebiiii! Bryan na galit sa mundo: Merry christmas sizterrr ❤ Paul kupal: Merry christmas nics!! Napangiti ako sa mga message nila at nag-react ako ng heart sa mga ito. Hindi pa nag-re-reply si Joaquin dahil malamang ay busy ito dahil may reunion ata sila sa bahay nila ngayon. Nakita ko lang sa ig story niya. Napangiti ako nang maalala ko ang ig story ko nung isang araw. Pinost ko kasi 'yung percy jackson bookset na binigay niya sa akin at nilagyan ko ng caption na "tenchu very much bessy @waksmonte". 'Yung iba kong internet friend na nakilala ko dahil sa mga books ay mga nag-reply at sana all daw, nakakaiinggit daw, bakit daw 'yung friend nila sama ng loob binibigay sa kanila, at kung ano ano pa. Napatawa na lang ako. Same lang naman sa sama ng loob ang binibigay. Lalong-lalo na si Neil. Maya maya lang ay may lumabas na notification at nag-reply na si Joaquin. Binasa ko ito at nakita kong naka-react agad ng haha si Neil. Napaka-weird talaga ni'to. Bestfriend Waks: Merry Christmas, Nica! Hope you're having a lot of fun there! Love you! I sighed. Ha! Sana nga i'm having a lot of fun here Sana talaga! Napagdesisyunan kong matulog na lang muna dahil wala naman akong ginagawa. Mamaya na lang ako kakain dahil busog pa ako sa kinain kong baked mac kanina. Nagising ako nang mga bandang 7:00 pm na. Nasa limang oras ata ang naitulog ko. What a way to celebrate my Christmas. Naghilamos muna ako bago bumaba. Pagkababa ko'y nakita kong wala man lang katao-tao rito at sobrang tahimik. Panigurado ay nasa kani-kanilang kwarto sila. Pumunta na lang akong kusina at nadatnan kong nakatakip ang mga hinanda nilang pagkain. Tinanggal ko ang takip sa may carbonara at kumuha ng plato para kumain. I sighed. Paskong pasko mag-isa ako. Narinig kong bumukas ang pinto sa sala kaya napalingon ako rito. Si Kuya lang pala. "Asa'n sila? " tanong niya habang papalapit sa pwesto ko. "Taas, " tipid kong sagot at ibinalik na ang tingin sa kinakain ko. Hindi na siya sumagot at umalis na sa kusina para umakyat sa taas. This sucks. Being the youngest sucks. Sa sobrang laki ng age gap ko sa mga kapatid ko ay hindi na ako nagkaroon ng oras na maging close sa kanila. Ni hindi ko man lang sila nakalaro nung bata ako dahil masiyado naman na silang matanda para sa gano'ng bagay. Hanggang sa lumipas na ang mga taon at kailangan na nilang magtrabaho at isa-isa na silang umalis sa bahay. Ako na lang ang natira dahil kahit naman kasama ko sila Mama at Papa, busy naman sila sa business. You call this a 'home'? Then why do I feel like I'm not? Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko ang mga pinagkainan ko at nagtungo sa labas para tumambay sa terrace namin. Bukod sa kwarto ko, ito ang paborito kong lugar sa bahay namin dahil malamig dito tuwing gabi at masayang magmuni-muni. Kita rin mula rito ang kalangitan kaya madalas ako rito para pagmasdan ang mga bituin at ang buwan. Isinuot ko ang earphones ko para makinig ng music habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin ng Disyembre. At the best of times I'm lonely in my mind But I can find something to show you If you have got the time Why would I rely on the things that I did right? She said, "I gave you four years of my life" I suddenly felt myself tearing up. I can feel the tears forming in my eyes as I listen to the words in the music. I let out a big sigh. Christmas na christmas, umiiyak? Parang baliw. So what about these feelings I've got? We got it wrong, and you said you'd had enough What about these feelings I've got? I couldn't be more in love Masuyong tinatangay ng hangin ang aking buhok habang pinagmamasdan ko ang kalangitang punong puno ng mga bituin. Itinaas ko ang kamay ko at bumuo ng hugis sa mga bituin. Napahinto naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa aming gate nang may sasakyang huminto sa tapat ng bahay namin. Kumunot ang noo ko at napatingin sa grahe namin. Nandoon naman ang mga sasakyan namin. At isa pa, mukhang Avanza ito, e Fortuner at Ranger lang ang sasakyan namin. Bumukas ang pinto ngunit hindi ko maaninag ng maayos kung sino ito dahil medyo madilim. Tumayo ito sa tapat ng gate namin at mukhang hindi niya napansin na mayroong tao sa terrace. Pinatay ko kasi ang ilaw rito kanina kaya madilim. At dahil nandito na ako sa labas, tumayo na ako at lumapit sa gate para malaman kung anong sadya nung taong iyon dito. Napahinto ako sa paglalakad nang paglapit ko ay naaninag ko ang isang pamilyar na mukha. Nagtama ang aming mga mata at bigla siyang ngumiti siya sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa gate at hindi pa rin makapaniwalang nandito siya. Lumabas ako at gulat na humarap sa kaniya. "A-anong ginagawa mo rito? " nauutal kong tanong sa kaniya. "Merry Christmas, " Joaquin said with a genuine smile. Napaawang ang bibig ko. Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lamang ako sa mga mata niya. Nagtubig ang mga mata ko at walang pag-aalinlangan siyang niyakap. Mukhang nagulat siya sa ginawa kong pagyakap kaya muntik pa kaming matumba ngunit agad naman niya akong inalalayan. "Why are you crying? " he asked while caressing my back. Umiling ako at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya. Let me stay like this for a bit, please. He continued caressing my back. I honestly don't know what I'm doing right now but for once, I just want to be vulnerable and let it out. Nang maubos na ang luha ko ay kumalas ako sa yakap at pinalis ang mga luha sa mukha ko. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. I bit my lower lip and suddenly felt guilty. Christmas ko lang naman dapat ang malungkot at hindi na siya dapat madamay. Pero heto siya ngayon, dinamay ko pa sa drama ko at pinag-alala pa siya. Umiwas ako ng tingin at yumuko. "Sorry, " malungkot kong sabi. I stiffened when he suddenly held my face and caressed it. I looked at him and he gave me a sad smile. "Why are you sorry? " he said softly. "You should be celebrating Christmas happily instead of seeing me cry, " I pouted. He smiled. He removed his hand on my face and grabbed my hand. He gently caressed it using his thumb as he stared at me softly. "Don't be sorry. Ako naman ang nagpunta rito. Choice ko 'yun, " wika niya. "Ano palang ginagawa mo rito? " tanong ko nang ma-realize ko na bakit nga ba siya nandito in the first place. "Wala, naisipan ko lang, " kaswal niyang sagot. Napanguso ako. Pero ayos na rin. Atleast na-release ko 'yung kailangan ma-irelease. He suddenly pulled me in for a hug. He touched my hair and gently caressed it as if he was comforting me. I closed my eyes as I smile and wrapped my arms around him, feeling the warmth of his body. "Merry Christmas, Nica, " he whispered. I gave him a small smile even if he can't see it. Now this is home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD