At that night, maga-ala una na ng madaling araw pero gising pa rin ako.
Nakalatag pa rin sa study table ko ang mga libro at maliit kong laptop dahil tinatapos ko pa ang lab reports ko. Bukod doon, nakalatag din ang secret notebook ko na parang diary ko na rin kung tutuusin.
Sa secret notebook s***h diary na iyon ay halos punong-puno iyon ng mga picture naming dalawa ni Jon.
May mga pictures doon noong bata pa siya, noong bata pa kaming dalawa. Meron din doong pictures niya noong nag-high school na siya, at noong nag-high school na kaming dalawa. Hanggang pictures niya ngayong college ay nandoon din, meron ding pictures na magkasama kaming dalawa.
Every page I always write something special about him. Alam ko na sobrang childish yata itong ginagawa ko, pero sa secret notebook ko lang na ito sinasabi kung gaano ko gusto at kamahal si Jon.
This way, kahit na hindi ko man lang masabi sa kanya ng personal ang gusto kong sabihin sa kanya, dito na lang sa secret notebook ko isinusulat ang lahat. Naitatago ko pa.
Huling pictures na ni Jon ‘yong idinidikit ko sa gilid ng secret notebook na iyon at saka ko kinuha ang glitter ball pen para magsulat kung ano ang nangyari kanina.
Dear Jon,
Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nang malaman ko na may babaeng kang gusto. Lalo na’t hindi ako iyon. Nasasaktan ako sa totoo lang. Pero alam ko na magiging masaya ka sa babaeng gusto mo kapag naging kayo. Hayys, alam mo rin ba na nagpaka-martir ako para sa iyo? Pero okay lang sa akin. Ginawa ko iyon kasi gusto ko na maging masaya ka.
Jon, kapag dumating ang panahon na magkaroon kayo ng closure ni Angela, ang hiling ko lang sana sa iyo ay ‘wag mo akong iiwan at kalimutan.
Ayokong mawala ka sa tabi ko.
Ayokong mawala ka sa buhay ko.
I love you, Jon.
I will always love you.
Nandito ako para sa iyo.
Habang buhay…
P.S. Sana mag-30 na ako para ikaw na lang ‘yong lalaking papakasalan ko hehe.
And I meant it.
Love,
Sofia
Matapos kong isulat iyon ay tiningnan ko muna ito at binasa. Pagkatapos ay doon ako napabuntong-hininga nang malalim. Ilang taon na nga ba akong baliw na baliw sa mokong na iyon? Ang tagal na pala.
Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maamin-amin sa kanya ang katotohanan? Mukhang tama nga si Yvonne. Bakit kailangan kong magpaka-martir? Ako lang ang nasasaktan lalo, eh.
Ano ba ang magandang gawin para matapos na ito?
What if mag-confess na ako sa kanya sa chat?
No! Nakakahiya!
Mabilis kong ginulo ang buhok ko para mawala iyon sa aking isipan. Tumayo ako sa pagkakaupo sa swivel chair. Humiga ako sa kama at sinimulang tingnan ‘yong mga pictures namin ni Jon na magkasama doon sa gallery ng cell phone ko.
Hayss. Mahal na mahal ko talaga siya. Paano ko ba ito mapapahinto, ah?
“What if mag-confess na ako sa kanya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko?” para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Kahit hindi ko pa ginagawa ang plano ko, nararamdaman kong inuunahan na ako ng kaba.
Eto na nga. Aaminin ko na talaga na nababaliw na ako.
Kasi ang sumunod na nangyari ay muli kong kinuha ang cell phone ko na nakapatong sa dibdib ko. Doon, binuksan ko ang Messenger. Hinanap ang pangalan ni Jon na mabilis ko namang nakita.
Nag-type ako sa sasabihin ko at pinag-iisipan ko pa kung ano ang tamang paraan para sabihin ko sa kanya na mahal ko siya… na hindi na bilang kaibigan.
Jon, mahal kita.
No, hindi dapat ganito. Kaya binura ko ulit at nagtipa ng panibago.
Jon, may sasabihin nga pala ako sa iyo. Nahihiya kasi akong sabihin sa iyo sa personal, eh. Pero ngayon, I decided na sabihin ko na talaga sa iyo ito ng daretsahan. ‘Wag ka sanang magugulat, ah. Ano… ahm… may gusto nga pala ako sa iyo. Matagal na. Sorry, ah. Sana ‘wag kang magalit sa akin at wala sanang magbabago sa ating dalawa. Mahal kita, Jon. ‘Yon ang totoo. Sana maintindihan mo. I love you.
Pagkatapos niyon ay paulit-ulit kong binabasa ang sinulat ko sa chat. Nang makita kong okay na, kinakabahan na nagdadalawang-isip ako kung ise-send ko ba iyon o hindi.
Pero biglang napindot ko ‘yong send button. Sinadya ko talagang gawin iyon. At saka ibinato ang cell phone sa katabi kong unan without thinking what will be the consequence sa ginawa kong pagko-confess kay Jon ngayon gabi.
Kaya ngayon, I am praying na sana hindi ko na lang ginawa iyon. Oh sh*t! Wala pa namang delete feature ang Messenger! Nagsisisi na ako na sinend ko iyon. Paano ko iyon mabubura!?
Baka naman may delete feature na ang Messenger ngayon!
Nang tingnan ko ‘yong chat ko sa kanya at tiningnan ang option, nakita na walang delete feature! I can’t! Naiiyak na ako! Paano ba ito mabubura!?
Send at 1:40 am…
As of now, hindi pa niya nababasa. Sana lang talaga hindi niya mabasa!
“Oh my God! Ano ‘tong katangahan ang gingawa mo, Sofia!?” nasabi ko na lang habang naiinis na nagsisipa roon sa kama.
Naiiyak na ako. Ano kaya ang susunod na mangyayari?